Kabanata 1.

23 5 0
                                    

"Ate Sharlot! Kumain kana po, di ka po kumain kagabi pa, iinom ka pa po ng gamot," paalala sakin ni Ilay.

Nagmumukmok ako sa kwarto. Hindi rin naman ako kinakausap ni Axel and I don't expect him to talk to me. Masiyado siya maattitude. Sobra ba siya nagalit dahil napag putik ko ang bahay nila? Ang babaw niya.

"Ate Sharlot, wag kana po malungkot, mabait naman po si Kuya, galit lang siya kay Mommy namin,"

Bumangon ako. "Hala, Ate Sharlot! Paga yung mata mo! Inumin mo po ang gamot!" Taranta na sabi ng bata.

Lalo ko siya niyakap. Napakabait niyang bata. Tumawa ako sa ka-cutean niya.

"Ate Sharlot, iniintay po ako nina Buboy, sumama po kayo samin, pupunta po kaming ilog para maligo!" Masiyang pahayag niya.

"Sige ba, basta ikaw. Liligo lang ako ha," paalala ko at lumabas na kami ng kwarto.

Nagulat ako na andon pala si Axel. Nagulat siya ng makita ang itsura ko. Pugto ang mata ko dahil sa sama ng loob kagabi. Kumakalam ang sikmura ko pero ayaw ko kumain. Iimik pa sana siya pero inangusan ko na siya ng diretso sa maliit na banyo para maligo.

"Ilay, malayo pa ba?" Sabi ko habang pinagmamasdan ang puti kong paa at tsinelas na pink na may putik na.

"Ate Sharlot medyo malapit na po," sabi naman niya.

Napangiti ako sakaniya. Kada kakausapin niya ako palaging 'Ate Sharlot'.

"Ilay!" Bigla ay may tumawag sakaniyang bata.

"Buboy! Ito ang Ate Sharlot ko!" Mayabang na sabi ni Ilay.

"Ang ganda niyo naman po," puri ng dalwang batang babae na kasama ni Buboy.

"Salamat," ngiti ko.

"Pwede ka po ligawan?" Natawa ako sa tanong ni Buboy.

"Ano ka ba Buboy! Ang bata mo pa!" Sabi ng batang babae na mukhang mas matanda sakanila.

"Hindi naman ako, Ate Isay! Si Kuya Cholo naman, e!" Sagot ni Buboy na kinamot pa ang ulo.

"Di na pwede ang Ate Sharlot ko! Girlfriend na siya ni Kuya Axel ko!" Sabat ni Ilay.

Umasim ang mukha ko sa narinig. "Ilay, mali yon, okay? Walang kami ng Kuya mo. Bata ka pa para malaman ang mga bagay na yan," paliwanag ko.

"Tara na po, Ate Ganda!" Tuwang sabi ni Buboy bago kami naglakad muli.

Sigawan ang naririnig ko at halakhakan bago ko inalis ang nakatabing na sanga para masilip ang lugar. Namangha ako sa taas ng talon na malakas na umaagos. May ilang mga kabataang nag tatalunan, ang iba ay nasa bato lamang, nag baback flip pabagsak sa tubig.

"Ilay, wag sa malalim!" Agad kong sinundan si Ilay sa tubig kaya nabasa ako.

Ang lamig pala at ansarap sa pakiramdam! Tumawa ako na parang timang habang inilublob na ang buong katawan sa tubig. Nasa mababaw na parte lamang naman si Ilay kaya pinagsabihan ko rin ang nakatatanda na babae na wag sila hahayaan mapunta sa malalim. Pero sinabi naman ng bata na sanay na raw ang mga iyon dahil laki na raw dito.

Nag langoy pa ako hanggang sa may mabunggo kaya umahon ako at inalis muna ang tubig sa mukha upang makakita.

"Sorry," nginitian ko ang lalaki na nabunggo ko. Nalaglag ang panga niya.

"S-sorry din!" Sabi nito at namula ang buong mukha.

Sumukbo ulit ako upang lumangoy at hindi inaasahang mararating ko ang mismong pinagbabagsakan ng talon, sa sobrang lakas ng impact, para akong itinutulak pailalim.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

S T E P STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon