Arjhay's POV
Sawakas nagka POV din, alam niyo hindi ko gusto ang ugali nitong Miko nato akala mo kung sino at feeling close pa kay Leslie eh sa chat lang naman sila naging close hmpp. At ang masaklap pa hindi sinabi ni Leslie sa akin na may ka chat pala siya, ito ang unang sekreto niya sa akin akala ko wala siyang sekreto na itinatago sa akin. Might as well talk to her later mukhang aliw na aliw pa kasi si Leslie na kausapin tong kumag nato eh ni hindi nga niya napansin na nandito pa ako sa tabi niya at nagpapanggap na boyfriend niya, sorry readers kung ang daldal ko kasi galit lang talaga ako. Bumalik na nga lang tayo sa storya.
"Teka nga muna, kanina pa tayo dito naka-tayo pwede bang umupo muna tayo? Kasi para na tayong nasa stage neto eh" tuloy-tuloy na sabi ni Leslie
"Buti panga dahil sakit na nang paa ko kakatayo dito eh" sabi ko sabay hila kay Leslie at nauna kaming maglakad kay Miko
"Oh ano?" - Leslie
"Anong ano? bakit hindi ko alam na may ka-chat ka pala? You better explain yourself later after we deal with this so called Miko from states na mukhang gustong gusto ka" sabi ko matching role eyes
"Ok ok, sasabihin sayo mamaya lahat pero this time gusto ko munang makilala to kasi eto first time na may nag effort at naglakas loob para kausapin ako kasi parang lahat na lang ng mga lalaki ay nahihiya akong kausapin. Ano ba ang meron sakin?" - Leslie
"Wala, baka nahihiya lang sila sa ganda mo" sabi ko para hindi na siya malungkot
"Oo nga naman *flip hair*" - Leslie
Grabi talaga ang bilib nito sa sarili eh. Kami din naman ang may kasalanan kung bakit ganyan ang bilib sa sarili niyan. Sa susunod ko na ikwekwento sa inyo yan.
So ayun na nga dumating na kami sa upuan namin at yung mga classmates namin na kanina ay kuhang-kuha namin ang atensiyon ay bumalik na sa kaniya-kaniya nilang ginagawa, eto ako ngayon kasama ang mga barkada/best friends namin at kung tinatanong niyo kung nasaan si Leslie, ayun nandun sa bagong friend niya gusto niya daw kasi makilala ng lubos kasi first time daw nilang magkita. At ako naman eto tinadtad ako ng mga mata na puro may tanong na "Bakit sila magkakilala?", "Anong nangyari?", "Bakit kasama ni Leslie yun?" ewan ko kung sino ang uunahin ko sa kanila.
"What?" yun nalang ang sinabi ko kasi hindi ko alam kung saan ako magsisimula
"Bakit kilala ng lalaking yun si ate?" James na masama ang tingin dun sa lalaki
"Ewan ko basta ang nalaman ko lang ay nag cha-chat pala sila at matagal na kaya pumunta daw dito yng lalaki para makita sa personal si Leslie"
"Ayos ah" sinamaam ko ng tingin si Andrew
"Anong maayos diyan eh basagulero yan! ni hindi nga alam ni Leslie kung ano ang pinag-gagawa ng lalaking yan dito" sabi ko sabay tingin sa dalawang tao na nag-uusap dun sa pinakahuling upuan
"Swerte naman ni Leslie dahil may lalaking nag lakas loob na kuma-usap sa kaniya, kaso malas din siya dahil sa ugali ng lalaking yan, mas mabuti sana kung mabait at walang bad record" sabi ni Sophy
"Oo, at kung wala yang bad record ay hahayaan ko na sana silang dalawa pero dahil sa record nang lalaking yan ay impossible magkaroon ng sila"
"Pano ba nila nakita ang isa't-isa sa social media?" tanong ni Hailey
"Ewan ko, yan pa ang pag-uusapan namin ni Leslie mamaya"
"Mukhang mahaba-habang usapan ya ah" -Ale
"Medyo mahaba nga to pero bahala atleast malaman ko lahat"
Mukhang tuwang-tuwa si Leslie sa kausap niya kasi halos kada minuto tumatawa sila, ano kayang pinag-uusapan nila?
BINABASA MO ANG
8 Days
RomanceThere's this two person who are childhood bestfriend. Because of their closeness they are inseparable, they treat each other as siblings but that was when they were kids. What will happen if they'll grow up as a man and a woman will their feelings t...