COMFORT ROOM
That same night I stayed awake and cried my eyes out. Wala rin si Cory at nawala rin si Blue sa party kahapon. Alam na kung nasaan ang bruhang yun hanggang ngayon.
Naku siguraduhin nya lang na buong buo Pa sya kundi kakalbuhin ko ang kili-kili niya at matatadyakan ko Yang Bughaw na yon!
Buong araw ay nakahilata lang ako sa hotel room ko at nagmumuni Muni. I feel so drained.
Nang makitang mag aalas-tres na ay napilitan akong bumangon at maghanda para sa pagpunta sa gaganaping fashion show na naimbitahan ako ng bakla.
Si Tristan Pratt o Trisha sa gabi well isang lalaking sa loob ang kulo. Yas! Hindi Pa siya naglalantad dahil na rin siguro at nasa politika ang ama niya, magiging isang malaking eskandalo yun kung nagkataon. Sa kursong kinuha niya Pa nga lang ay tutol na ang ama niya. Kaya para maghunos dili ang ama kasabay ng pagkuha ng kurso about fashion ay nagmodelo na rin ito para pagtakpan ang tunay na kulay. Jusme ang gugulo ng buhay namin!
"COME ON Ninz! " Napairap na Lang ako nang sundan ako nito hanggang sa back stage kung saan nag hahanda ang mga modelo.
Hinarap ko ito at nagpameywang. Agad namang pumungay ang mga mata nito na nagmamakaawa. Napailing na lamang ako.
" Naiintindihan mo ba Yang nirerequest mo sa Akin huh Trist!? I can't, can't you see? " Tinaas ko ang aking kilay habang tinutukoy ang hiling nitong ako muna ang pumalit na rumampa dahil nagka emergency ang isang modelo.
Napasalampak na Lang ito sa kalapit na upuan at nangalumbaba. Kinuha ko ang make up kit ko at inabala ang sarili sa pagpinta sa mukha nito. Nirequest kasi nitong ako muna ang maging make-up artist nito at may sakit ang anak ng huli.
Tutok na tutok ako dito at mas nilapit Pa ang mukha para mapantay ang eye liner nito.
Ang maingay na silid ay biglang binahayan ng mga anghel sa biglaang pagtahimik ng mga busy-ng tao na Hindi magkandaugaga. At nagsimulang magbulungan ang mga babaeng staffs at modelo nang palihim.
" Anong ginagawa ng isang fafa dito sa tirahan ng mga lion? " nangingisay na saad ni Tristan habang nakasulyap sa likuran ko. Ngunit Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang agenda ko.
May narinig akong tumikhim na dahilan nang panandaliang pagtahimik ng buong silid at pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan.
" Oh! Nice to see you Mr.Apolo, it's surprising to see the famous CEO of N.G.A Clothing line here in this jam packed place" Pormal na bati ni Tristan at nagabot nang kamay, napairap na lamang ako dahil alam na alam ko ang na salikod ng mga ngiting ibinibigay kay N-naiven.
Ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ng kausap at wala paring kibo. Tumitig lang ito sa kamay ni Tristan, nakahinga ako ng malalim nang sa huli ay tinanggap din naman niya ito.
At ang haliparot Hindi maintindihan ang gagawin sa kamay na hinawakan ni Naiven.
Napalundag ako ng bahagya sa pwesto ko nang magsalubong ang aming mga mata.
Umigting ang mga panga nito sa naging reaksyon ko. Pilit na ngiti ang binigay ko at tumango lang nang bahagya.
Nahigit ang aking atensyon nang may marinig akong mga hagikhik sa likuran ko. And obviously it's no other than because of this specie beside me who firmly watching me. Fudge! It makes me more uncomfortable on how he look at me.
Pilit kong binaliwala ang mga iyon at mas tinuon ang atensyon sa patapos ng make up kay Tristan. Kaso maski sila ay lalong nagpapainit ng ulo ko kasi Hindi halata yung ginagawa nila kasi HALATANG HALATA. Pisting mga yawa. I can practically see them lurking this man! Unknowingly, those lustful stares of those motherfuckers are starting to boil my blood which is not funny. I sigh deeply.
" Whats wrong? " napabaling ako sa naging tanong ni Naiven ngunit isang iling lang ang sinagot ko.
What is he even doing here at the dressing room/ back stage? Naninilip ba siya!? Sa isip Pa lang na ganun ay mas lalong nagiinit ulo ko.
May mga upuan na naman doon sa labas ah! Oh! Of course he is no other than the CEO of that clothing line.
Maya maya ay nakita kong papalapit si Arabella isang model na nakasuot ng manipis na lingerie.
" Hi Mr. Paul, I'm Ara by the way" mapangakit nitong bati at akmang ilalapit Pa nito ang katawan sa binata nang tumalikod na ako dahil Hindi na maayos ang tibok ng puso ko na masakit na sa sobrang bilis.
" Babe, can you help me please! "
Lumayo na ako sa kanila at tumalikod para puntahan si Tristan. Bago Pa ako makahakbang ay hinawakan ako nito sa pulsuhan.
"Where are you going? Don't tell me your going inside there? " walang emosyon nitong sabi ngunit mahahalata mo ang pagdilim ng mga mata nito.
Gusto kong matawa sa kapangahasan nito. Sino ba siya? Ano bang pake niya?
Piniglas ko ang hawak nito at dirediretsong pumasok sa banyo kung nasaan si Tristan. Naabutan ko itong nakaupo sa nakasarang bowl at humahagikhik nang pilihim.
Nakakunot noong bumaling ako rito ngunit sinenyasan niya akong tumahimik. Humalukipkip lang ako sa isang tabi.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang kinalampag ang pintuan na para bang may sinandal at lumikha ng tunog na parang may naglalaplapan sa likod ng palad nito.
Lumapit Pa ito sa Akin at bahagyang binura ang lipstick ko at pinahiran ang kanya gamit iyon at Hindi pa siya nakuntento at ginusot pa bahagya ang hanging blouse ko.
Ano na namang kalokohan ng baklang to?
Nasagot ang katanungan ko nang sumalubong sa akin ang nasasaktang mukha nang isang magandang dilag nang bukasan ko ang pintuan, ng makita ako nito ay nanlalaki ang matang tumalikod ito at nagmamadaling umalis. Dumaan sa gilid ko si Tristan na may malawak na ngising mala demonyo.
"Kulit kasi" narinig ko pang pahabol nito.
Tsk. Tinik talaga nang isang ito. Natatawang napailing na lang ako.
Halos matulos ako sa kinatatayuan ko nang sumalubong sa Akin ang magkasalubong mong kilay at bakas ang inis sa nandidilim mong itsura.
"Ow, Mr. Apolo nandiyan ka Pa pala" nakangisi nitong sabi at hinapit ako sa bewang
Lalagpasan na namin sana siya nang humarang ito sa dadaanan namin at mariing nakatitig sa kamay na nakapulupot sa bewang ko.
Kung tutuusin ay normal na itong gesture ni Tristan na pati ang mga staffs ay sanay na sa gantong trato namin ni Tristan sa isa't isa.
Parang piniga ang puso ko nang makita ko si Arabella na nasa tabi Pa rin nito at sobrang lapit nito sa kanya.
"Niña" soft but with authority nitong saad
Inirapan ko lang ito.
" Have you met him before babe?" Painosenteng singit ni Tristan
Napabaling muli ako sa katabi nito at tinaasan ito ng kilay nang makitang masama ang pinupukol nitong tingin sa Akin.
" No, I don't even know him personally" mataray ko ritong pahayag at hinigit na si Tristan sa toxic na lugar na iyon.
Magsama sila. Tsk. Mga kiridang froglets
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 1: Appalling Pretense
Romance" I'll bring you back. Tangina mark my word Niña. Ako muli ang magiging laman ng maiinit mong mga yakap" -- Paul Give me love like her 'cause lately I've been waking up alone. Paint splattered teardrops on my shirt. Told you I'd let them go. And th...