Reign’s POV,
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa Yanxi University.Magkaklase kami.Fourth year high school.
“Mauna ka na!”sabi ko sa kanya.Magc-cr muna ako.
Kinunutan naman nya ako ng noo.Shoot!Alam ko na ang iniisip nito.
“Ba’t di ikaw ang mauna?Sayang kagwapuhan ko kung mamamatay agad ako.”
“Tanga!Hindi iyon,what I mean is mauna ka ng pumasok sa room.I’m just going to pee.”sabi ko sabay irap.Inismiran nya lang ako atsaka umalis.
Dali-dali naman akong nagpunta sa banyo at saka umihi.Pabalik na sana ako sa classroom ng biglang may tumakid sa akin na naging sanhi ng paglagapak ko sa sahig.
Tiningnan ko naman kung sino ang mapangahas na gumawa non.
It was Ailee.Ang inggiterang froggy!
Tumayo ako atsaka sya hinarap.
“Problema mo?Bakit ka namamatid?”
“Kusa lang kasing kumikilos ang paa ko kapag nakakakita ng sipsip.Katulad mo,ako dapat ang top 1 sa klase.Kaso,dumating ka.Nagpabida sa mga teachers kaya naging top 1.”maarte nyang sambit.What the hell?ako pa talaga ang sipsip?Really?
Nginitian ko naman sya ng pagkatamis tamis.Lumapit ako sa kanya atsaka sya sinampal ng bonggang-bongga.
“You bitch!Why the hell did you slap me?”gigil nyang sigaw habang nakahawak sa mukha nyang ubod ng thick.
“Just like what you have said earlier,nagkusa lang din ang kamay kong dumapo sa mukha ng inggitera.”nginitian ko sya.Kumuha ako ng alcohol sa bag ko atsaka binuhos sa kamay kong ipinangsampal sa kanya.Napanganga naman sya.
“Madumi kasi yung mukha mo eh.Dumikit kasi yung make-up mo sa malambot,malinis at mabango kong kamay.”dugtong ko.
“At isa pa,hindi ako sipsip at pabida.Matalino lang talaga ako at maganda.You know?mga bagay na wala ka!Tsk.Bye,bijj”mataray kong sambit sa kanya.I flipped my hair before turning my back to her.
That’s what she get on messing with me.Mana yata ako kay Ate Rai.
Pagdating ko sa classroom ay wala pa ang adviser namin kaya umupo agad ako sa tabi ni Lei.Nagtataka naman syang napatingin sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay.
“Why are you looking at me like that?” tanong ko.
“Tumae ka?”medyo malakas nyang tanong kaya nagtinginan ang iba kong kaklase sa amin.Hinampas ko naman sya agad.
“Baliw!Hindi ako tumae.May nakasalubong lang akong inggiterang frog kaya ako nagtagal---”napahinto ako sa pagsasalita ng pumasok si Ailee habang masamang nakatingin sa akin.
Nginisian ko lang sya habang di inaalis ang paningin sa kanya.
“Speaking of the frog--------there she is oh!”natatawa kong sambit kay Lei.Kaya natawa na lang din sya.Magbestfriend talaga kami.
Tumahimik na kami ng dumating ang aming adviser at nagsimulang magdisscuss.
--------------
“Class dissmissed!”nakangiting sambit ni Maam Aldine.
Pagkalabas nya ay nagsimula ng magtayuan ang mga kaklase ko kaya tumayo na din ako.
“Reign,tara na”yaya ni Lei.Umiling lang ako sa kanya.
“Umuna ka na.May trabaho pa ko sa coffee shop.Pakisabi na lang kay Tita na susunod na lang ako.”
“Nope.Ihahatid na kita.Tapos susunduin na rin mamaya.Delikado.Mag-gagabi na.Babae ka pa naman.”seryoso nyang sambit.Aangal na sana ako kaso kinuha na nya ang iba kong gamit at nagpunta na sa parking lot.
“Paano na yan?5pm pa lang.Mamaya pang 10:30 matatapos ang trabaho ko.”
“I can wait.At isa pa,I promised Ate Rai that I will take care of you.Pwede naman akong tumambay sa loob.Ilibre mo na lang ako dito imbes na fries.”nakangiti nyang sambit.
Wala na akong nagawa.Alam ko namang di sya papatalo sa akin.
Pumasok na kami sa loob.Pumunta naman ako sa kwarto kung saan nakalagay ang lockers namin.Nagpalit na ako ng uniform.Isang white tshirt na may tatak na cafe’ at fitted na palda ang uniform namin.And yes po,opo.Maikli.
Lumabas na ako at pumunta sa unahan para kumuha ng orders.
“Shoot!I forgot.”sabi ko sa sarili ko ng maalalang nagpapalibre nga pala sa kin si Lei.
Kumuha ako ng isang slice ng chocolate cake at isang cappuccino.Fave nya.
Lumapit ako sa kanya atsaka iniabot yun.
“What the hell,Reign?Ang ikli ng palda nyo!Wear this!”inis nyang sambit atsaka inabot sa kin yung jacket nya.
“Wag na!Mamura pa kami ni Boss”angil ko.
“Itatali mo yan sa bewang mo o susugudin ko ang boss mo for making you wear that thing?”
“Sabi ko nga isusuot na”sabi ko sabay tali ng jacket sa bewang.
Knowing Lei.Overprotective yan!May pagka warfreak.
Bumalik na ako sa pagtatrabaho bago pa ako makita ni Boss.
BINABASA MO ANG
-LOVE LEFT-
Teen Fiction"Wala naman talaga sa ating dalawa ang nang-iwan.You know what?It's our love who left us.Love left us!"-Reign Felice Cortes