"Isa, dalawa, tatlo— waaaah ang adame." Nagtatalon ako sa tuwa nang makuha ko ang makapal na tag iisang libo na sinuweldo ko sa part time job ko.
"Makakabili na'ko ng regalo para kay Mama," birthday nya kasi bukas. Masaya ako dahil kahit sa ganitong paraan ay nabibigay ko na ang mga bagay na gusto nya kahit hindi nya sabihin.Inilagay ko agad ang pera sa bag ko at nag lakad na. Malapit lang naman yung mall dito kaya lalakarin ko na lang para tipid. Kailangan ko kasing ibudget 'tong pera na'to para na rin makapag ipon ako. "Huh? Magnanakaw! Magnanakaw!" Sa sobrang excited ko hindi ko napansin na na-snatch na pala yung bag ko. "Hoy, ibalik mo sakin 'yan!" Sigaw ko pero parang wala syang narinig. "Aish! Ang kapal ng mukha, pinaghirapan ko yun eh!" Wala na'kong pake kahit may mabangga pa'ko, ang mahalaga mabawi ko yung bag ko. Nandon yung cellphone ko pati na rin yung perang kinita ko ngayun lang. Yun na lang din ang perang meron ako ngayon kaya dapat mabawi ko 'yon. Pumasok yung snatcher sa isang eskinita kaya sinundan ko sya pero paglabas ko ay hindi ko na sya makita dahil sa dami ng tao. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko s'ya sa di kalayuan na naglalakad pero bigla syang tumakbo nang makita ako. "Huli ka na ngayon hmp," agad akong tumakbo para habulin sya. Tinanggal ko ang sapatos ko at ibinato sa snatcher na sakto namang tumama sa ulo nya kaya na out of balance sya, "yes!" "Miss!" "Huh?—AAAAAA!" I don't know what just happened but I felt pain. Para bang may kung anong tumama sakin then everything went black.
*** Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. "A-ouch," napa sapo ako sa ulo kong kumirot bigla. "You're awake," ibinaba nung nagsalita ang cellphone nya at naglakad palapit sakin. "Sino ka? Nasan ako, bakit mo'ko dinala dito?" Sunod sunod na tanong ko. "Palayain mo nako wala kang mapapala sakin." Kahit gwapo sya— oo aminado akong gwapo sya kahit ngayon ko lang sya nakita pero nakakatakot parin sya. "Nagmamagandang loob na nga akong tulungan ka tapos ngayon iniisip mong masama ako? Tss." Napaisip ako dahil sa sinabi nya at napagtanto kong nasa ospital pala ako. Pero hindi itong pagkaka ospital ko ang inaalala ko, kundi yung mga nanakaw sakin. "Kasalanan to nung bobong driver na bumangga sakin eh! A-aray!" Mariin akong napapikit at hinimas ang braso kong sumasakit. Humanda talaga sakin yung bumangga sakin pag nag kita kame. "Hah... Ako pa ngayon yung bobo eh ikaw nga yung engot na bigla na lang binangga yung kotse ko. Anong akala mo imortal ka?" "Ah ikaw pala yon," nanggigigil na napatango na lang ako. "Ibalik mo yung pera ko," inirapan ko s'ya at inilahad ang kamay ko. "Anong sabi mo?" bagot na tiningnan nya ako sa mga mata. Nakakainis, bat ganyan sya makatingin? Ako kaya yung na perwisyo dito. "Mababawi ko na sana yung bag ko kung hindi ka umepal. Ibalik mo yung pera kong nawala." Kainis! Pinaghirapan ko yung perang yon tapos mawawala lang? Hindi ako nagpapakahirap na mag trabaho para lang ipanakaw ang sweldo ko. Isa pa, ano namang ipambabayad ko dito sa ospital? "Ano? Bakit," mejo napa lean backward ako nang ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. "Ako ba kumuha ng pera mo?" "Dahil sayo kaya nakatakas yung magnanakaw. Kasalanan mo," sinisisi ko sya dahil kasalanan nya naman talaga. "Kaya bayaran mo na lang yung pera ko... N-nandon din sa bag yung cellphone ko." Nahihiyang inipit ko sa tenga ko ang mga hibla ng buhok ko na nakakalat sa mukha ko. "Pfft. Ibang klase ka," tumayo sya nang tuwid pagkatapos ay bumuntong hininga at mejo tumawa pa. Ampt! "Pero hindi parin uubra sakin yang modus nyo." "Ano? Anong modus?" Iniinis talaga ako ng lalaking to. Ako na nga tong nasaktan eh, anong modus pinagsasabi nya. "Sira ulo ka ah, nakikita mo ba 'tong kalagayan ko? A-aray," mariin akong napapikit at sinapo ang ulo kong muli na namang sumakit. "Tss. Wag ka na ngang umarte jan, tutal gising ka naman na, aalis na'ko." "Ano? Teka, ibalik mo muna sabi yung pera ko eh ," pigil ko sa kanya pero hindi nya man lang ako nilingon. "Hoy ano ba, wala akong pambayad dito." Huminto sya sa tapat ng pinto at nilingon ako. "It's okay, pwede kang umalis pag magaling ka na o kahit kailan mo gusto. Pero wala akong ibabalik sayo," pahayag nya bago tuluyang lumabas. "Aaish, kainis!" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sobrang asar. "Wala na naman akong pera," pabagsak na humiga ulit ako dito sa hospital bed. "Wala na ngang pera wala pang cellphone. Pano na'ko nito?" Teka, sabi nya kanina pwede daw akong umalis dito kahit kailan ko gusto. Eh kung dito na lang kaya ako tumira sa ospital? Kaso imposible yon tsaka hindi pwede, birthday ni Mama bukas, kailangan ko ng pera.*** Hindi naman malala yung pagkakabangga sakin kanina kaya lumabas nako ng ospital. Huwag lang talagang magpapakita sakin yung lalaking yon dahil baka mag dilim na lang bigla ang paningin ko at hindi ko alam ang magawa ko. "Katelyne?" katok ko sa pinto ng bahay ng pinsan kong si Katelye Luna. Alas dies na ng gabi at wala na talaga akong ibang pwedeng tuluyan ngayon lalo pa't wala akong pera. "Katelyne?" halos isang oras na'ko dito sa labas pero hindi nya parin ako pinagbubuksan. "Nakapagtataka naman. Bakit kaya?" Ang alam ko kasi mga ganitong oras ay gising pa yon si Katelyne kaya bakit hindi nya parin ako pinagbubuksan. "Umalis kaya sya?" Muli akong kumatok at sa pagkakataong ito ay pinagbuksan nya na ako pero mukhang wrong timing yata ako dahil beast mode sya. "Anong ginagawa mo dito," napa atras ako dahil nakakatakot sya. Siguro sakin sya galit, kanina pa kasi katok ng katok. "Diba sabi ko wag ka nang babalik? Umalis ka na." "Teka," pigil ko sa pagsarado nya ng pinto. "Alam mo kasi gabi na eh..." "Wala akong pake," mataray na turan nya at muling isinara ang pinto pero pinigilan ko ulit. "Pagbigyan mo nako kahit ngayon lang. Please, dito muna ako?" Hindi ko alam kung ano bang kasalanan at sobrang init ng dugo nya sakin. "Wala ka bang mga kaibigan?" "Meron— marame," sagot ko sa tanong nya. "Mabuti. Edi dun ka sa kanila pumunta." "Teka, pigil ko ulit sa pagsarado nya ng pinto. Alam kong nakukulitan na sya sakin pero magpinsan naman kami eh. Kaya anong problema nya, bakit ayaw nya'kong patuluyin sa bahay nya? "Lagi na lang kasi akong nakikitulog sa kanila eh, nakakahiya na hehe..." sinubukan kong ngumiti baka sakaling mawala ang galit nya at pumayag syang dito ako matulog. "May hiya ka pa pala," turan nya at tuluyan nang isinara ang pinto. Napabuga na lang ako ng hangin at umupo sa simento sa tapat ng bahay nya. "Pano na'ko neto? Ang malas ko talaga," gigil na inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Nanlalambot ang tuhod ko sa tuwing naaalala ko yung perang pinaghirapan ko na napunta lang sa wala. Pati cellphone ko natangay din at yung iba pang mga important files ko. Mabuti na lang at linggo bukas, may oras pa'ko para makapag isip. Pero sa ngayon hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Nakakahiya kung makikitulog pa'ko sa mga kaibigan ko ngayon eh halos sa kanila na nga ako tumira eh. Sabi ko na, dapat talaga hindi na'ko umalis sa ospital kanina eh. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kawalan.

BINABASA MO ANG
Leaving Without Goodbye
Novela JuvenilKapag nawala nako hindi na ako babalik sa buhay mo.