101018

23 1 26
                                    

101018

Alas kuwatro ng hapon naisipan naming pumunta sa fish pond para mag picture-picture. Kasalukuyan kaming naglalakad pero humihinto din kami pag may magagandang spot para makapagpicture at kapag kukuha sila. Sumama lang ako sa kanila at wala akong planong sumali sa ginagawa nila hindi naman ako marunong kumuha ng litrato.

"Tignan mo oh grabe na yung dumi." Sabay hinto ni Jestoni sa paglalakad, nilingon niya ako at imenuwestra niya ang kanyang mga paa na nadudumihan na dahil sa buhangin at dahil rin nagpapawis ang paa niya.

Tinignan ko naman din yun pero mabilis ko naman binalik muli ang paningin sa kanyang mga mata. I plastered an "eww gross look" to him. Tumawa naman siya pero sirado ang mga bibig.

"Daii oh tignan mo." Habol ni Jaks At binigay sa kanya ang Ipad. "Maganda diba?" Tanong ng bakla sakanya.

"Ay oo maganda nga." Bakla niyang sabi. Tinignan ko naman yung kinunan ni Jaks, maganda nga.

Pinagitnaan nila ako pero pa vertical kami ng lakad dahil one way lang. Nagshortcut kami patungong dagat at hinahanap namin ang tulay para makadaan. Kaya kami dumaan sa fishpond kasi sinabi ni Jestoni na mas mapapadali kami kung dito kami dadaan.

Nasa likod si Jaks, sa gitna ako at nasa unahan ko naman si Jestoni. Siya ang nasa unahan dahil kabisado niya ang daan dito at dahil taga rito lang siya.

Nakarinig kami ng tonog motorsiklo.

"Hala." Bakla niyang hiyaw at hinatak ako sa gilid para di kami matamaan ng motor na halos dumikit na sa amin dahil makitid ang daan. Para niya akong sinesecure sa gilid niya.

Alam ko na wala lang yun pero sa katulad kong OA ,madali akong mag-conclude sa halos lahat ng bagay. Paki niyo ba.

Siguro pagkaraan ng mga ilang taon baka ito yung mga araw na hindi ko magawa o kayang kalimutan. Kasama na doon ang mga birthdays namin magkakaibigan.

Espesyal lahat sa akin ang bawat oras pag kasama ko ang mga tao na importante sa akin.

Pero sa oras na 'yun iba yung naramdaman ko, alam ko sa sarili ko na hindi bumilis ang tibok ng puso ko pero naramdaman kong parang huminto ang pag tibok nun. Parang tumigil ang paghinga ko nung hinawakan niya ako ng marahan sa banda ng palapulsuhan ko nung hinatak niya ako. Hindi ako alam kung anong nangyari basta hindi ako nakapagsalita.

Ayoko mag assume pero ang hirap lang talaga. Pero baka ganun lang talaga siya sa lahat. Pag halimbawa iba ang naririto sa posisyon ko like Freya or Klaire, will he do the same? Char. Curious lang oi.

Siguro ika tatlo ko na 'tong naramdam. Ang pag abnormal ng puso ko:

Ang una sa simbahan nung tinanong niya ako 'what if' kung maging lalaki daw siya.

Pangalawa, kahapon araw ng Martes parang alam niyo na ...bumilis ang pagtibok ng puso ko nung narinig ko ang boses niya. Ewan ko pero para akong kinakabahan kaya hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya nung nag-uusap kami. At naramdaman kong medyo nanginginig ang mga tuhod ko.

At pangatlo, na nangyari kanina. Alam niyo yung feeling na parang huminto ang lahat, ang paggalaw, walang ingay na maririnig, huminto ang paghinga at pagtibok ng puso.

Ang pagiging assumera ko parang sa lahat ng bagay nalang siguro dahil ganun talaga Ako.

Naisip ko na concern citizen lang talaga siya pero.

Masisisi niyo ba ako kung sa maliliit na bagay nag coconclude kaagad ako? Eh sa di ko maiwasan. Ayoko kasi maging sobrang manhid pero ayoko rin yung maging sobrang hindi manhid at palagi na lang nag coconclude sa mga bagay katulad sa nangyari kanina dahil lalabas lang akong sobrang assumera. Ayoko maging assumera dahil mahirap, masakit at bibigyan ka nito ng maling pag-asa. Maraming namatay sa pagiging assumera!

Ang pinakamalupit lang dahil alam kong wala lang yun sakanya.

Alam niyo yung bagay na akala mo may pag-asa pero ..... hayyyy ang irap dugtungan.

Naloloka na kasi ako sa Idea ng magkaibigan sa magka-ibigan. Ang mahirap sa lahat akala mo mahal mo pero hindi pala. Chaaar.

Umabot na ako sa sitwasyon na--- pag ako lang isa grabe ang lito na nararamdaman ko. Lito, na parang pag iniisip mo at hinahanapan mo ng sagot o solusyon nakakasira ng ulo.

Muntik ko ng malimutan. Sumali ako sa isang dance group competition. Sa mga katulad kong sumali wala kaming pasok sa mga klase namin dahil excuse daw kami. Kaya pumunta na lang kami sa bahay 'niya'. Alam niyo na kung sino.

Una, nanuod kami ng mga throwback videos namin nung mga nasa ninth grade pa kami, time and setting noon sa bukid at bandang alas sinco sa hapon. Tapos yung video niya noong first time daw niyang mag disco. Sunod yung video niyang nagbackclip siya. At yung video niya na nakikipaglaro sa mga bata, para siyang tanga dun. Pero sa huli nanood kami ng Kissing Booth.

May part doon sa Kissing Booth na naaalala ko ang sarili ko at siya, yung paglalakad na yung kamay niya na parang humahawak sa bewang ko at ako naman parang yumakap sa bewang niya din, yung parang hug pero nasa side lang. Bigla ko tuloy naramdaman na ang hirap ng sitwasyon ko. Shit. Stucked with 'friends'.

Ayan na naman ako... katulad na lang ng ganyan madali ako matrigger pag may naaalala ako. Pero ginagawa ko ang lahat para maitago yun.

Nasa sala kami. Naglatag siya ng foam sa sahig. Nakadapa kaming tatlo nila Jestoni at Jaks habang nanonood. Pinagitnaan nila ako. Kung iisipin ako lang ang babae dito. Pero hindi ko maramdaman yung salitang awkwardness. Hindi na sila iba sa akin ewan ko lang sa kanila. At isa pa certified one hundred percent na bakla silang dalawa!

Nung nangalay ako sumandal ako sa likod niya. Para ko siyang ginawang unan kasi para ko nang hinihigaan ang likod niya. Yung left side part sa tenga ko. Narinig ko tuloy ang heart beat niya. Grabe ang lakas ng tunog at ang bilis. Para siyang tambol.

Pero bakit ganun sa akin? Mahina. Oo literal na mahina talaga yung puso ko.

Siguro normal lang yun. Ang hindi normal ay yung pagbigat na nararamdaman ng puso ko.

Parang tanga tong puso.

-G.

Young Heart Foolish LoveWhere stories live. Discover now