"You are so damn stupid!" nanggagalaiting sigaw ni Thalia sa driver ng taksing nakagasgas sa bagung- bago nyang sports car. Isang pulang Ferrari convertible na in-norder pa ni Don Sebastian sa Europe noong nakaraang buwan.
"Ma'am, sorry po. Mabagal lang naman ang patakbo ko, eh. Kayo itong bigla na lamang sumulpot." paliwanag ng lalaking hindi malaman kung sa ulo o sa batok ikakamot ang kamay.
"You're gonna pay for this, stupid driver! Give me your license!" aniya at hinablot Mula sa lulugu-lugong driver ang lisensya nito.
"Thalia, maawa ka naman sa driver. How can he pay for the damage? Baka nga wala pa manlang pam-boundary Yung tao," malumanay na sabi ni Aleta sa kaibigang tingin niya'y umuusok sa galit ang bumbunan. Sa dalawa'y higit na mas pasensiyosa at maawain ang dalagang noong isang taon ay kinoronahan bilang Miss Makati.
"He should learn his lesson, Aleta. At hindi pwedeng sorry lang pagkatapos niyang gasgasan ang Ferrari ko!" inis na baling ni Thalia sa kaibigan.
"Hayaan mo nang insurance ang sumagot sa pagpapaayos ng gasgas." patuloy na panghihikayat ni Aleta sa dalaga.
"Ma'am, parang awa na po ninyo. Apat po ang aking anak at may sakit pa ang aking asawa. Wala pa nga po akong pam-boundary."
"Thalia, please. Nakaka-cause na tayo ng traffic. Let's go," ani ni Aleta at hinila sa braso ang dalaga.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan Thalia bago matiim na sinulyapan ang driver. Mayamaya ay ibinalik na din nya ang lisensya nito.
"Ma'am, salamat po!" anang lalaki na hindi malaman kung pano magpapasalamat.
"You better be careful dahil sa susunod ay baka hindi kana patatawarin ng makakabangga mo," ani Thalia na mahinahon nang nakipag-usap sa driver. Pagkatapos ay sumakay na sya sa sports car kasunod si Aleta.
"You scared the poor man to death," naiilang na sabi ng kaibigang beauty queen habang palayo sila sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.
"Yeah, at akala ko pa nga'y hihimatayin," pilyang sabi ng dalaga. Bagaman nagasgasan ang pinaka- mamahal na sasakyan ay wala naman talaga siyang balak pagbayarin ang abang driver. Nagkataon Lang na naisipan nyang sindakin ito at tuloy tuloy ay bigyan ng leksiyon para mag-ingat na sa pagmamaneho.
"You are so naughty, Thalia!" bulalas ni Aleta. "At the age of twenty-two, I can't believe you're still doing does crazy things. My, noong nakaraang araw ay ang waiter naman sa restaurant ang muntik nang maiyak ng sabihin mong ipasesesante mo sya sa may-ari nang dahil lang nakalimutan niyang lagyan ng sliced lemon ang order mong juice."
"Now, look who's talking. Naging beauty queen ka lang, para ka ng santa kung magsalita. Hello, Aleta! Sino ba ang naglagay ng dagang costa sa bag ni Miss Mimosa na naging dahilan para atakihin sya, ha?" ganting-sabi niya na napahagalpak ng tawa matapos sulyapan ang kaibigan at makitang napangiwi ito.
"That was the most stupid thing I've ever done. It's been four years pero alam mo bang hanggang ngayon ay nakokonsensiya parin ako? Paano na lang kung natuluyan si Miss Mimosa?" Ang sinabi ng dalaga'y sinabayan ng iling. "That was stupid of me."
"See? Lahat tayo'y lumalabas ang kapilyahan paminsan-minsan." aniya at nagkibit-balikat. Binagalan ang takbo ng sports car nang makitang nagpalit ng kulay Ang traffic light.
Hustong huminto ang sasakyan ay tumunog ang cellphone ni Thalia. Nang sagutin ay napag-alaman niyang si Don Sebastian ang nasa kabilang linya.
"Hello, Papa? Yes, I'm on my way. Kasama ko si Aleta. Nagkaroon lang ng kaunting aksidente kaya male-late kami ng ilang minuto."
Pinakinggan ng dalaga ang sinabi ng ama bago muling nagpatuloy.
"We're both fine, Papa. It's just some stupid driver bumped my rear. Nagasgasan ang Ferrari pero hindi naman kami naano. Yes, Papa. Yes. Bye."
Pagka-off ng CP ay nakangiting sinulyapan nya si Aleta. "My, he always treats me like a baby. Minsan tuloy ay hindi ko na napapansing ini-spoil ko na rin mismo ang sarili ko."
"Nauunawaan ko kung bakit ganoon na lamang ka-protective sa iyo ang Tito Sebastian, Thalia. You're an only child. Ang kaisa-isang tagapagmana ng Goldmining Corporation. I can't blame him."
"Kung sabagay, hindi naman ako pinipilit ng papa sa mga bagay na hindi ko gusto. I always get what I want at kahit ano'y ibibigay nya."
Nag-green light. Pinaandar ni Thalia ang sports car at iniliko sa sumunod na kanto. Ilang sandali pa'y papasok na sila sa basement parking ng GMC Building. A twenty-storey office building located at the heart of Makati at pag-aari ng korporasyon kung saan major stock holder ang kanyang ama.
Sumakay sila sa elevator at ilang sandali lamang ay narating na nila Ang top floor kung saan naroon ang opisina ni Don Sebastian. It was an office-cum-penthouse na kasama sa disenyo ng magaling at sikat na architect na si Felix Ngo, na sya ring nag design ng GMC building.
"Hi, Tita Gracie, am I late?" bati nya sa may-edad na babaeng sekretarya ng ama sa nakalipas na sampung taon. Ang tagal nito sa kompanya ay kasintanda mismo nang unang itatag ni Don Sebastian ang GMC.
"You're just in time, honey," anito sa magiliw na tono at nginitian si Aleta. "Kakatapos lang ng board meeting at bilin niya'y tumuloy ka nalang doon sa conference room."
"Okay. Tiyakin mo lang na maaaliw si Aleta habang hinihintay ako, Tita Gracie." Binalingan niya ang kaibigan at kinindatan.
"Don't worry, Thalia," ani ni Gracie. "I'll make sure that she doesn't get bored with me. Though I don't know how to entertain a beauty queen."
"That's enough, Tita Gracie," maluwang ang ngiting sabi ni Aleta at prenteng naupo sa sette na nasa isang tabi. "I'll make my self comfortable."
Nag uusap na ang dalawang babae nang tumalikod si Thalia at magtungo sa conference room. Tatlong katok at binuksan na nya ang pinto.
Agad nyang nakita ang ama sa dulo ng mahabang conference table, at sa tabi nito sa kaliwa ay isang lalaking noon lang niya nakita. Bagong member ng board?
"Ah, narito na pala ang aking anak, Genaro," ani Don Sebastian.
Lumapit siya at hinagkan ito sa pisngi. Pagkatapos ay nangingilala ang tinging ipinukol sa estranghero. "Who is he, Papa? A new member of the board?" tanong niyang hindi na makapaghintay na ipakilala sa kanya ng ama ang lalaki.
"Hija, I want you to meet our new site manager, Genaro Sacramento. Siya ang hahawak sa posisyon ni Mr.Prescott na kareretiro lang noong isang linggo. He'll be in-charge of our mine site in Baguio." Binalingan nito ang lalaki at may pagmamalaking ipinakilala ang anak. "Hijo, siya naman si Thalia. Ang kaisa-isa kong anak."
"It's a pleasure meeting you, Miss Rodriguez," pormal na sabi ni Genaro na hindi man lang tumayo upang makipag kamay sa kanya.
May amusement at iritasyon na pinagmasdan ng dalaga ang lalaki. Kung ang ibang lalaki'y nagkakandarapa mahawakan lang ang kanyang kamay ay hindi ang isang ito. Kung makatingin pa'y akala mo kung sinong herodes na hinuhusgahan ang anyo nya. At ang higit na nakakainis, tila hindi man lamang ito naharuyo sa kakaiba niyang kagandahan.
Nag bangon sa isip nya ang impresyong kung hindi man malabo ang mga mata nito ay malamang na bakla. Pero agad din niya tinutulan ang huli. Hindi matanggap ng kalooban nya na ang lalaking ito'y miyembro ng ikatlong kasarian. He was fair-skinned and square-jawed, na nagbibigay sa kanya ng impresyong ang lahing pinagmulan nito ay hindi purong Filipino. He may have Spanish or Italian blood dahil ang mga mata nitong abuhin ay hindi nalalayo sa mga male models na nakikita sa pages ng glossy magazines.
He had a high checkbones, thick lashes and eyebrows. Ang matangos na ilong ay nagpapakita ng awtoridad. Sa gilid ng mga mata at labi ay may ilang visible laugh lines na kung wala iyon ay iisipin niyang hindi alam ng lalaki kung ano ang kahulugan ng katagang "ngiti". Brushed up ang buhok nitong kulay-mais at huhulaan niyang naka-gel ito.
To wrap it up, ang kulay-kapeng amerikanang suot nito ay lalo lamang nagpadagdag sa kakaibang karisma ng lalaki. At habang nakaupo ito ng prenteng nakasandal ang likod sa upuan ay animo modelo nga ito na nagpo-pose.
Bumalik sa mukha ni Genaro ang kanyang paningin, at nakita niyang tumaas ang sulok ng bibig nito bago tuluyang nauwi sa isang aroganteng ngiti. My, ngayon lang siya nakakita ng lalaking masyadong obvious sa kaalamang guwapo ito!
"Hija, wala ka bang sasabihin?" untag ni Don Sebastian na hindi sanay na nakikitang napipipilan ang dalaga.
"Well..." aniya na itinaas ang kilay at hinagod ng tingin ang lalaki. "What can I say? Welcome to GMC?"
Hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ng gumuhit sa mga mata ni Genaro ang isang nanunuksong ngiti. Pinagtatawanan ba siya nito?
"Thank you very much, Miss Rodriguez, though your eyes are telling me the contadiction,"
"Oh!" Pinamulahan siya ng mga pisngi sa kaprangkahan nito. At sa harap pa naman ng kanyang ama.
"Pag pasenayahan mo na ang aking unica hija, Genaro. She maybe look like a phantom sometimes but she's naturally sincere." anang matanda na para bang nasisiyahan pa sa kapansin-pansing disgusto ng dalawa sa isa't-isa. "She's a spoiled brat."
"I'm not a spoiled brat!" protesta niya.
"Oh, yes you are," natutuwang sabi ng don.
"Papa, hindi ko gustong pinag-uusapan ang isang personal na bagay sa harap ng isang..." Sinulyapan niyang muli si Genaro, pagkatapos ay idinugtong: "Estranghero."
"Hindi na sya isang estranghero, hija."
"He is to be." aniyang nakataas parin ang kilay. Bago pa makapag-react ang ama ay nagpaalam na siya rito at lumabas nang hindi na tinapunan ng tingin si Genaro.
"Minsan ay gusto kong pagsisihang hindi nagkaroon ng sapat na panahon sa pagpapalaki kanya." ani ni Don Sebastian nang puminid ang pinto ng conference room sa likuran ni Thalia. "Well, ganoon nga talaga siguro. Kung kailan malaki na ang anak ay saka gustong ibalik ng magulang ang kabataan nito."
"Your daughter is a beautiful woman." kaswal na pahayag ni Genaro.
"Yes. Kaya nga lagi na'y natatakot akong baka isang fortune hunter lamang ang kanyang mapapangasawa."
Hindi mangyayari iyon, anang isip ni Genaro na para bang nakakasigurong hindi makakatagpo ng isang mapagsamantalang lalaki Ang dalaga. Don't even think about it, pagkatapos ay sabi pa sa sarili, pagka't hindi niya gusto ang kakaibang damdaming pinukaw sa kanya ni Thalia Rodriguez. The woman was simply too beautiful and sophisticated to be his ideal wife.
And who's thinking of marrying her? kutya niya sa sarili. Baka nga ito ang una't huling pagkakataon na makikita niya ito."WHAT'S wrong with you?" tanong ni Aleta nang mapansing walang kaimik-imik na nakatuon ang pansin ni Thalia sa pagmamaneho. Kanina pa ng lumabas sila ng GMC Building ay tahimik na ang dalaga.
"Thalia..."
"What did you say?" tanong niya na tila nagulat pa ng hawakan siya ng kaibigan sa braso.
"Kanina kapa tahimik. Ano ba ang nakita mo sa loob ng conference room at bigla kang mawala sa mood.
"Hindi ano, Sino." Ang sinabi ay sinundan nya ng isang malalim na buntong-hininga.
"Sino?" naiintrigang usisa ni Aleta.
"A certain Genaro Sacramento."
"Did I hear a change of emotion there?" nanunuksong sabi ng beauty queen.
"Paano namang Hindi? Sinira niya ang araw ko. Imagine ng ipakilala ako sa kanya ng papa ay hindi man lang tumayo para makipag kamay. Alam mong sanay ako sa mga lalaking halos manikluhod mahawakan lang ang kamay ko."
"Ah... ang kaibigan kong isnabera, nakatapat ng lalaking isnabero. So what's the big deal? Baka naman iba ang preference nya ng maganda at hindi maganda."
"Huwag mong sabihing pangit ako sa tingin nya? I may have this one disgusting pimple on my check but it doesn't make me less beautiful. Besides, bukas lang ay wala na ito.
"You're being silly. Nag oovereact ka lang sa naging pagtrato niya sayo dahil nga sanay kang pinagkakaguluhan ng mga lalaki." natatawang sabi ni Aleta.
"Pag sisisihan niya ang ginawa niya sa akin." tiim ang anyong sabi ni Thalia.
"At ano ngayon ang Plano mo?" kaswal na tanong ng dalaga na sanay na sa pabigla-biglang ugali ng kaibigan. Alam ni Aleta na mayamaya lang ay makakalimutan na rin niya ang pinagsisentimyento.
"Wala pa. But I'll make sure he will fall to his knees kapag muli kaming nagkita."
BINABASA MO ANG
GENARO [ My Love My Hero (series) written by Amanda ]
RomancePagbaba pa lamang ni Thalia mula sa kotse ay nais nang pabalikin ni Genaro sa pinangalingan ang dalaga. Walang buting maitutulong sa mga minero ang mapuputing legs ni Thalia na pinalitaw ng micro mini na suot nito. At kung hindi man magkapatayan ay...