FOR THE first time, nawala ang pagiging sociable ni Thalia. Kung hindi lang siya nagugutom ay hindi na sana siya sasama komedor para maghapunan.
Pagkatapos kumain ay pasimple siyang tumanggi sa paanyaya ni Aurora na magkape sa gazebo. Hindi dahil sa ayaw niya makakuwentuhan ang babae kung di gusto lang niya takasan ang presensiya ni Genaro.
Dahil sa gabi na nang magising kanina ay hindi pa siya makaramdam ng antok. Nakaupo siya sa sofa ng nakaharap sa fireplace at kinuha ang old issue ng Reader's Digest na naroon sa magazine rack. Ang plano niya'y magbasa na muna bilang pampaantok.
Kahit na kailan ay hindi niya nakahiligan ang panonood ng TV.
Binubuklat-buklat niya ang magazine ng mapatingin sa bintana. Nagulat siya ng makitang nakasilip soon si Genaro.
Ilang sandali siyang hindi nakakibo bago umahon mula sa sofa at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ng lalaki. She just stood there, nakatitig Kay Genaro na para bang maglalagos ang titig niya sa salamin ng bintana.
"Open the window!" sabi ni Genaro, at dahil hindi naman soundproof ang kuwarto ay malinaw na narinig iyon ni Thalia.
Aywan kung ano ang nagtulak sa dalaga nang pihitin ang lock at buksan ang bintana. Nakapasok na si Genaro nang ma-realize niya kung ano ang pakay ng lalaki pang-iistorbo sa kanya.
"You have to leave... go back to Manila," agarang sabi nito. "I don't want you to be here, Thalia!"
Nawala ang casual mood na naramdaman ng dalaga, maging ang piece of mind, at muli nanaman nagbangon ang inis sa lalaki. Umiral ang pagiging spoiled brat na pilit itinatanggi.
"I can stay as long as I want. And who are you to tell me what to do?" You're not my father," taas-noong sinabi niya at pinamaywangan ito.
"Don't you understand what I'm saying? Hindi ko kailangan ng isang magandang babae sa minahan!" He was impatient. Na para bang ngayon din ay kailangan niyang mag-disappear upang makaiwas sa galit nito.
"I know that I'm beautiful at hindi mo na kailangan ipagsigawan iyon. But don't expect me to do as you say. I'm not a lap dog!"
"I know. You're a spoiled brat."
"I am not!"
"Yes, you are!" tiim-bagang na sabi nito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Tell me, ano ba talaga ang plano mo sa pagtatrabaho sa minahan?"
"Plano?" Natural na nagmaang- maangan siya. Bahagyang pumiksi ng maramdamang lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa kanya.
"Alright, let me rephrase the question.
What's your hidden agenda?"
"I don't have any hidden agenda. Gusto ko lang magtrabaho at wala ng ibang dahilan pa."
"Oh, c'mon, Thalia! Don't pull my leg.
Either you go back to Manila, or I'll have to force you."
"At ano sa palagay mo ang ginagawa mo ngayon? pinupuwersa mo akong bumalik sa Maynila for a stupid reason!
You don't want me to stay just because of my looks? My God! Isn't that stupid?"
"Look, ayoko sumakit ang ulo ko sa pag-aalaga sa iyo!"
"No one's obliging you to look after me. I'm not a baby!" protesta niya.
You are my baby, bulong ni Genaro sa sarili. Ngunit agad din niyang pinalis sa isipan ang para sa kanya'y isang malaking kalokohan.
But she was so damn beautiful! Pakiramdam niya'y hinihigop siya ng nangungusap na mga mata ng dalaga. She was blessed with beauty and wealth, at maging sa dibdib nito'y naging generous ang diyosa ng kagandahan. At ang kagandahan ng dalaga'y nagpapasikip sa kanyang pantalon, lalo na ngayong nahahaplos niya ang makinis at malambot nitong balat.
"Listen, Thalia," tila napapagod na sabi ni Genaro.
"Kung ayaw mong bumalik sa Maynila, don't expect me to look after you. Bahala ka sa buhay mo, at wag kang hihingi ng tulong sa akin kapag binastos ka ng mga tauhan ko!"
"I know what to expect just by merely looking at you! Kung bastos ang amo, bastos din ang tauhan!"
Hindi niya inaasahan ng basta siyang bitiwan ni Genaro kaya nawalan siya ng balanse at natumba sa sofa. Hindi sinasadya ay nahila niya ang damit nito at huli na para umiwas. Nadaganan siya ng lalaki. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng maramdaman ang bumubukol na bagay sa kanyang puson.
Alam ni Genaro kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. Ngumiti ito. O mas tama sigurong sabihing ngumisi. Puno ng kahulugan ng ipagdiinan nito ang bahaging iyon ng katawan sa kanya.
"You feel it, don't you?" humihingal na sabi ni Genaro. "That's what you do to me, little witch."
"I am a big girl and stop calling me "witch". Hindi ako mangkukulam, ano?"
sabi niya na sinadyang mag galit-galitan upang pagtakpan ang nararamdaman.
"Yes you are, Thalia. Dahil pakiramdam ko'y kinukulam mo ako.
Napasinghap ang dalaga sa tinuran ni Genaro. So now, umamin din ito. Dapat ay bumalik na siya sa Maynila at kalimutan ang kalokohang ito, ngunit pakiramdam niya'y lalo lamang niyang gustong manatili kasama nito. Maging katulong ng lalaki aa kahit anong paraang kakailanganin.
Bago pa siya muling makapag-isip ay tumayo si Genaro at tiim-bagang na nagbuntong-hininga.
"Here's a piece of advice, Thalia," anito na hindi nagbabago ang ekspresyon. "Beware of Kiel. He's a certified playboy."
"Did I hear a hint of jealousy?" tudyo niya. Abot-abot parin ang kaba.
"You're crazy!" anito bago tuluyang lumabas sa full-length window.
Ngiti ng tagumpay ang naiwan sa mga labi ng dalaga.
BINABASA MO ANG
GENARO [ My Love My Hero (series) written by Amanda ]
RomancePagbaba pa lamang ni Thalia mula sa kotse ay nais nang pabalikin ni Genaro sa pinangalingan ang dalaga. Walang buting maitutulong sa mga minero ang mapuputing legs ni Thalia na pinalitaw ng micro mini na suot nito. At kung hindi man magkapatayan ay...