kausap ko ang kaibigan ko sa aking kwarto ng biglang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito si mama pala "cassandra may kasama ka ba diyan? narinig kasi kita eh parang may kausap ka" tanong ni mama "ah wala po akong kasama dito nanonood po kasi ako baka yun po yung narinig mo" pagkatapos ay ngumiti ako ng pilit
"ahhh siguro nga oh siya sige bababa na ako" sabi ni mama sakin at pagkatapos ay ngumiti siya sakin at sinara na ang pinto, buti na lang
naniwala si mama sa sinabi ko, hinarap ko ang aking kaibigan na si nicole nakilala ko siya nung 8 years old ako sinabi niya sakin na wag ko sasabihin kahit kanino na magkaibigan kami nagtaka naman ako dun nung bata ako pero ngayong alam ko na kung bakit kasi wala namang maniniwala sakin aakalain lang nila na baliw ako dahil isa siyang multo hindi ko alam kung anong ikinamatay niya at hindi ko rin alam kung bakit pa siya nandito siguro may gusto pa siyang gawin or what i reaaly don't know hindi naman kasi siya nagkkwento sakin tungkol sa buhay niya minsan nagkkwento siya pero wala dun yung sagot kung bakit pa siya nandito or kung bakit siya namatay "cassandra?" i came back to reality when nicole call my name " hey you okay?" cassandra asks "yes i'm okay ay english nosebleed hahaha joke" we both laugh at what i said "pero seryoso kanina pa kita tinatawag pero di ka sumasagot" sabi niya habang naka kunot noo
" wala lang yun may iniisip lang ako kanina"i said and then smile charot yoko na magenglish hahaha, 10 years na kaming magkaibigan ni nicole magkasundo talaga kami dahil sa mga pagkakapareho namin ng ugali at favs tsaka hindi siya nauubusan ng topic ang daldal hahaha
--------
nandito ako ngayon sa room ni mama dahil may sasabihin daw siya sakin ng may makita akong pamilyar na mukha sa class picture na nasa sahig kaya tinanong ko si mama kung kilala niya ba ang taong yun at ang sagot ni mama ay oo close nga raw sila dati eh kaya lang dahil sa isang guy ay nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa nacurios naman ako kaya sinabi ko na ikwento niya kung anong nangyari pagkatapos nun sabi ni mama na nagpakamatay daw yung kaibigan niyang yun sinabi ni mama sakin na medyo masama daw ang ugali ng kaibigan niyang yun, hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama na masama ang taong yun na masama si nicole, natigil naman ang pag iisip ko ng may marinig akong ingay sa baba tumungo agad ako sa pinanggalingan ng ingay at nagulat ako sa nakita ko sa sala gulo gulo ang mga gamit at nakita ko si mama na umiiyak tinanong ko siya kung anong nangyari at ang sabi niya nakita niya daw si nicole galit na galit daw ang mukha nito at ang sabi niya ay siguro galit pa ito sa kaniya kaya tinatakot siya nito hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ni mama gulat na gulat ako at gulong gulo sa mga nalaman ko, so kaya pala nandito pa si nicole ay dahil gusto niyang gumanti kay mama natakot ako sa naisip ko
kaya napaluha ako dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko kaya tumakbo ako sa aking kwarto at nakita ko don si nicole mukha siyang malungkot, dahil ba hindi niya nasaktan si mama kaya siya nalulungkot? nainis ako dahil sa naisip ko " ginamit mo lang ba ako nicole? kaya ka ba nakipag kaibigan sakin para magantihan mo kami nila mama?" tanong ko habang humuhikbi "hindi mali ang sinabi ng mama mo hindi yun totoo" malungkot na sabi niya "sinasabi mo ba na nagsinungaling ang mama ko?" inis na sabi ko " makinig ka hindi ako masama" humahakbang siya palapit sakin habang nagsasalita kaya umatras ako pero pader na ang nasa likod ko kaya nakalapit siya sakin at hinawakan niya ko, at napunta ako sa ibang lugar hindi pa ako nakakapunta sa bahay na to nasaan ako? paaakkk nagulat ako ng makita ko si nicole na umiiyak dahil sa sampal ng isang babae " wala ka talagang kkwenta wala ka ng nagawang maganda sana hindi na lang kita naging anak tumayo ka diyan tigilan mo yang kaartehan mo may paiyak iyak ka pa tumayo ka diyan simpleng bagay lang hindi mo pa magawa nakakahiya kay sir kyle susundin mo lang naman yung mga iuutos niya hindi mo pa magawa bakit ka umalis sa club?! ang arte arte mo wala ka na ngang natutulong nag iinarte ka pa!" sabi ng babae "sorry po ma" umiiyak na sabi ni nicole naiyak ako at nakaramdam ng awa kay nicole pano nagagawa ng nanay niya yun sa kaniya?,napatingin naman ako sa paligid ng mapunta na naman ako sa ibang lugar nasa banyo naman ako ngayon may mga babaeng nag aayos ng kanilang mukha nakauniform sila so i guess sa school ito
bakit ako nasa banyo? natigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang pag uusap ng mga babaeng nagpapaganda sa harap ng salamin "grabe girls alam niyo ba nakita ko si nicole sa bar kagabi? kala ko pa naman inosente yun pala fake sabi na nga ba eh mapagpanggap talaga yung babaeng yun" sabi nung babaeng mukhang clown dahil sa kapal ng make up "diba kaibigan mo yun si nicole?" sabi nung isa pang babae "ikaw din naman ah tsaka nagpapanggap lang naman ako na like ko siya eh yung totoo ayoko talaga sa kaniya mukha siyang fake kaya lang naman natin siya kinaibigan para may makopyahan at mautusan tayo" sabi ni clown "yea hahaha" sabay sabay na sabi nung mga babaeng kasama ni clown pagkatapos ay umalis na sila napatingin naman ako sa bumukas na pinto iniluwa nun si nicole umiiyak siya narinig niya lahat nainis naman ako dahil hindi siya lumabas para makita nung mga babaeng yun nanandoon siya hindi man lang niya sinigawan ang mga yun pinunsan niya ang kanyang mga luha at pagkatapos ay lumabas na siya sa banyo sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa room niya siguro bigla naman sumulpot ang mga babae sa banyo kanina at tinanong siya kung anong nangyari sa kaniya kunwari pa silang nag aalala tsk ngumiti lang si nicole sa kanila at sinabi na ayos lang siya kaya pumasok na sila sa room nila nagulat naman ako ng bigla siyang batuhin ng papel binuklat niya ito at binasa ang nakasulat UGLY yun ang nakasulat kaya mas lalo akong nainis at naawa kay nicole, pagkatapos ng klase ay pumunta si nicole sa garden at nakita ko si mama at papa na magkasama ang sweet nila at sobrang laki ng mga ngiti nila pero nawala yun ng makita nila si nicole gulat na gulat sila ng makita nila si nicole umiyak ng umiyak si nicole at sorry ng sorry si mama "bakit cassy bakit ang boyfriend ko pa?" humarap si nicole kay papa "bakit mo ko niloko?" sorry yun lang ang nasabi nilang dalawa "mukha namang mahal na mahal niyo ang isa't isa kaya hahayaan ko na kayo papalayain na kita brent"pagkatapos ay ngumiti ng pilit si nicole "akala ko pa naman mahal niyo akong dalawa mali pala ako, sana maging masaya kayo tutuparin ko parin yung mga pangako ko cassy" sabi niya habang sunod sunod na pumapatak ang mga luha sa kaniyang mata pero nagawa niya paring ngumiti, bigla na namang napunta ako sa ibang lugar nasa isang kwarto si mama at si nicole mas mukha silang bata nagtatawanan sila "promise ah kapag nagkaanak yung isa satin babantayan natin at aalagaan" naiyak ako ng marealize ko na ako pala ang dahilan kung bakit nandito parin siya.Hindi siya nagpakamatay, para sakin pinatay siya at ang may sala ay ang mga taong walang inisip kundi sarili nila
BINABASA MO ANG
HEART AND SOUL
RandomSTORIES ABOUT LOVE, SADNESS AND REJECTION. READ THIS AND FIND OUT WHAT'S WRITTEN IN MY HEART