Ako ay naninirahan sa lugar Kung Saan walang away,inggitan at panduduga perpekto na ang aking buhay at wala na akong mahihiling pa "anak bumaba ka na at mag aalmusal na tayo " narinig Kong sabi ni mama kaya nag ayos na ako at bumaba na para kumain "kumain ka ng marami anak ah" sabi ni mama habang nilalagyan ng pag kain ang Plato ko "diet ako ngayon ma eh" sagot ko naman sa kaniya "nako hindi mo na kailangan mag diet anak maganda ka na kahit hindi ka mag ayos" napangiti naman ako sa sinabi ni mama "salamat ma,I love you" ngiting ngiti kong sabi "mas mahal kita lysa".
MALL
"lysa!" Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa aking pangalan at nakita ko ang aking kaibigang si Luna ubod ng tamis ang kaniyang ngiti ngumiti rin ako sa kaniya ng matamis at kumaway "anong ginagawa mo dito lysa?" Tanong ni Luna saakin "namamasyal lang ako lulu, ikaw anong gagawin mo dito?" Tanong ko "mamamasyal lang din hahaha wala akong magawa sa bahay eh" sagot naman niya "Tara kain tayo lulu" Aya ko sa kaniya "sigeeee" "CLEAR!" Pagkadilat ko ay nasa isang kwarto na ako "miss Kate?" Sabi ng doctor sa harap ko "hindi Kate ang pangalan ko ako si lysa" nanghihinang sagot ko "miss Kate kakagising mo lang na comatose ka dahil sa isang car accident" sabi ng doctor "nasaan ang mama ko?" Tanong ko "napag alaman namin na wala ka ng kasama sa buhay" nag unahan sa pag patak ang mga luha ko ng maalala ko ang lahat, kabaliktaran ng buhay ko ang mga nangyari sakin sa panaginip na yun, isa lang pala Yung mahaba at magandang panaginip.
BINABASA MO ANG
HEART AND SOUL
RandomSTORIES ABOUT LOVE, SADNESS AND REJECTION. READ THIS AND FIND OUT WHAT'S WRITTEN IN MY HEART