**hyro's POV**From: SACHI (EX)
Ganun ba? Ge palalagpasin ko muna to. . Tsk!
To: SACHI (EX)
Thanks. .
Nakakahiya naman dun sa girl. . Si yeena kasi eh. .
"Hoy hyro!" Sigaw ni mama "itigil mo na yang pagtatype sa cellphone mo! baka kunin ko yan ng di oras!" Hay naku. .
"Opo" tapos nagsimula ng maglaba ng isang gabundok na labahan. . Oh. .patay tayo jan. .
Nagtataka lang ako. . Tatlo kaming magkakapatid ako ang panganay na lalaki isang kapatid na bunsong babae. . Plus dalawang magulang ko. . Equals lima. . Pero bakit parang isang gabundok na labahan ang madadatnan ko linggo linggo? Tandaan nyo ha? Linggo linggo. . Hay naku mahirap maging mahirap. . Natalo ko pa ata ang nanay ko. .
Palagi ako ang naglilinis, nagluluto at nagsusundo sa dalawa. . Wala akong magawa kasi busy ang mga magulang ko sa kanilang trabaho. . Hindi kami mayaman para kumuha ng katulong. . Okay na sa amin basta makakain lang ng tatlong beses sa isang araw. .
Matapos ang limang oras na paglalaba kalahati palang ang natapos ko. . Anong oras na ba? 1 pm?! Wala na nga akong almusal pati ba naman lunch?
Tumakbo ako papuntang sala. . .
"Hoy! Jan!" Tumingin sa akin ang kapatid ko. .
"Bakit kuya?"
"Kumain na ba kayo?" Tumango sya "sino ang nagluto? Ano ang kinain nyo?"
"Wala, biskwit lang ang kinain namin" ha?!
"Ano?! Hindi pa kayo kumakain ng kanin?" Tumango siya "teka, nasaan ba sila mama?" Nagkabit-balikat nalang sya
Jusmiyo! Kami ng kapatid ko wala pang almusal wala ding lunch. . Tsk! Anong klaseng magulang meron ako?
Nagsaing ako at nagprito ng corn beef at itlog. . Fights nato! Kesa naman sa wala kaming makain. . .
Nagdasal kaming tatlo pagkatapos ay kumain. . Hay naku. .
Pagkatapos naming kumain nagvolunteer si jan para sa paghuhugas. .
Ako? Syempre naligo na. . Pagkatapos ay pinuntahan ko ang bunso kong kapatid na nagaaral at gumagawa ng assignments nya. . .
"Baby" nakita ko kasi syang nahihirapan sa kanyang assignment
"Kuya pa help" tapos nag puppy eyes pa cute!
At yun tinulungan ko sya. . .
Sa bahay namin para akong magulang nilang dalawa kapag wala sina mama at papa. .
May kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito. . .
"Yeena?" Tama nga si yeena! Lagot ka sa akin ngayon. .
"O bat parang nakakita ka ng multo dyan?"
"Kasi yung number sa phonebook mo. . Tinawagan ko tapos hindi si sachi my ex ang taong yun. ." Tapos nagulat sya
"So kasalanan ko pa? Ikaw na yung nangialam ng cellphone na may cellphone eh! Batukan kita dyan! Ako ba ang nagbigay? Sinabi ko ba na siya si sachi na ex mo?!" Hala lagot sorry naman. . .
"Sorry. . " tapos yumuko
"Anong nangyari sa inyong dalawa ni sachi haruno?"
"Nag sorry ako sa kanya dahil pinagkamalan ko syang si sachi ex"
"Grabe! Alam mo ba na walang boyfriend yun. . Matalino sa academics pero ang bobo sa pagibig. . Wala sa bokabularyo nya ang pagibig kaya wag kanang magtaka kung harsh maka salita si sachi about sa mga ganyang bagay. ." Talaga? Grabe may ganyang mga babae pala no?
"Ano pala full name nya?"
"SACHI JUNE HARUNO" grabe ha! Panglalaki ang pangalan pero ang ganda. .
"Nice name" sabi ko kay yeena "naparito ka?"
"Wala lang bwal tumambay?" Umiiling ako "yun namn pala eh" hinayaan ko nlang sya tsk!
Gusto nyo bang malaman kung bakit kami nag hiwalay ng ex ko? Ge ikukwento ko sa inyo. . .
First year college nang makita ko ang pinaka maganda pero simpleng babae sa buong buhay ko. . Hindi ko alam pero na love at first sight ata ako. . Ewan. .
At dahil low ang quality ko bilang ideal boyfriend nya. . . Nagbago ako. . .galing sa pagkatamad kong magaral. . . Nagaral na ako ng mabuti. . .
May isang event na kailangan sumali lahat na estudyante. . . Wala pa akong kapartner nun. . . Pero nagulat nalang ako ng tumabi sya sa tabi ko at sinabing 'partner tayo' kaya napa oo nalang ako. .
At dahil sa event na yun lalo ko syang minahal. . Dumating ang panahon na naging matalik kaming magkaibigan. . Tapos sinabi ko ang nararamdaman ko sa kanya. . At hindi ko akalaing mahal nya din pala ako kaya niligawan ko sya. . . .
Mga dalawang buwan bago nya ako sinagot at yun ang pinaka masayang araw sa buhay ko. . . Nagtagal kami ng 2 and a half year grabe ang tagal namin no. . . Ngunit nawala ang lahat ng yun. . Dahil sa isang pangyayari na hindi ko inaasahan. . . Last last month may nakita daw syang may kahalikan ako na babae eh hindi nga ako lumabas ng bahay eh. . Dahil pinagbawalan ako. . Tapos pagbibintangan ka? Tsk!
Halos araw araw nyang sinasabi sa akin na may babae daw ako. . . Hanggang sa sumuko na ako. . . Tinanong nya kung pwede na ba daw makipaghiwalay sa kanya. . Tapos tinanong ko kung pagod at sawa na ba sya sa akin. . Tumango sya at umiyak. . . Tutal ako din naman sumuko na. . . Umoo nalang ako. . .
At last week kami naghiwalay. . . Ang sakit sobrang sakit sya ang una ko pero ano? Nakakamatay pala ang pagibig no? Pwes ayaw ko munang magmahal ulit. . Pero kahit sumuko na ako mahal ko pa din sya hanggang ngayon. . . .
Change topic naman tayo! Nakakasawa ng pakinggan ang love story ko. . . Teka may naalala lang ako. . .
SACHI EX
SACHI HARUNO
Sa wakas na palitan ko na ng pangalan. . Mas lalo lang sumasakit eh. . .
_____________
Hello! Vote, comment or even follow me . . Hehe
-myaterious_7
BINABASA MO ANG
TEXT?
Teen Fictioneto yung storya about sa girl na walang kaalam alam sa pagibig na biglang may nagTEXT guy na na wrong send sa kanya at nainlove sa kanya. . . ano kayang mangyayari sa kanya?? ALAMIN