Chapter 1

10 2 0
                                    

Pinaka unang araw ngayon sa eskwelahan at Grade 10 na ako ngayong pasukan. Kasama ko parin ang aking mga bruhang best friend na sina Syrene at Alexa.

Uy Ran! I miss you!  Bati saakin ni Syrene. Si Syrene ang pinaka matagal kong kaibigan, she was a friend of mine since elementary days until now.

Syrene mukha mo nalang ang nakikita ko lagi, nakakasawa na 8 years na akong nagtitiis di mo ba talaga ako tatantanan o baka naman hmmn ikaw ha baka may gusto ka sakin. Pang-aasar ko sa kaniya.

Rania Meus Monte Carlos mandiri kanaman sa pinagsasabi mo ako magkakagusto sayo? Alam mo na wala pa akong nagiging boyfriend, pero di ibig sabihin non na may gusto ako sayo, over my dead body. Ang sagot naman ni Syrene na mababahid sa kaniyang mukha na nandidiri ito. Ikinatawa ko naman ito ngunit tila nairita siya saakin kaya bigla itong umalis.

Alexa, libre mo nga ako! Sigaw ko kay Alexa na sobrang busy sa pag-aadvance reading. Hays first day na first day.

Manahimik ka Ran ang ingay mo nag babasa ako rito. Malamig na tugon nito. Nasanay na kami sa kaniya dahil ayaw niya talagang naiistorbo kapag siya ay nag-aaral, isa kasi siya sa mga top students rito kaya ayaw niyang masira ang reputasiyon niya.

We waited for how many minutes until someone came in. Pumasok ito na mababahid mo ang striktong aura  ngunit hindi ko na lang ito pinansin dahil wala naman akong inuurungan.

Okay Good Morning class, I am Mrs. Divine Serio, Im going to be your new adviser at the same time your mathematics teacher. Now I would like to announce you that Im not like your previous adviser so do not compete with me, any questions? If none, let me proceed. I’m going to state my rules and regulations here inside this room. Ang sambit ng guro, talaga ngang strikta ito kung magsalita, sabi din saamin ng dating estudyante sa section na ito ay talagang strikta ito ngunit todo suporta kapag may darating na events o performances.

Habang may sinasabi pa siya ng kung ano ano, biglang may tumawag sa pansin niya, isa pa lang guro na nasa labas ng room namin kaya lumabas ito.

Sorry class for the disturbance but you have a new classmate. sambit ni Teacher Victoria Facultad, kilala ito sa pinaka striktang guro at kayang magpahiya sa maraming tao.

Lahat naman kami ay napalingon sa labas, mga kaklase ko naman ay sobrang excited na makita kung sino ang bagong makakasama namin, ngunit binalik ko na lamang ang atensyon ko sa pisara at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa mga rules ng guro.

Di ko namalayan na may isang lalake na pala ang nakatayo sa harapan namin ngayon. Maputi, matangkad at poker face ang mukha na halatang nabobored na habang ngumunguya ng chewing gum.

Zee Klane Asuncion. Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. So where am i gonna sit maam? Tanong niya kay Maam.   

SERYOSO BA SIYA?! O NA OVER SA PAGKASERYOSO?!

We only have one seat left so you may now proceed. Ang tugon naman ni Maam at agad naman itong pumunta sa kinaroroonan ng upuan, inilagay niya ang kaniyang bag at umupo ng matuwid.

Nagsimula nang magdiscuss sa mga bagay bagay, usual medyo boring hanggang sa umabot na kami sa pagpapakilala namin sa isa't-isa.

Nagsunod sunod ang mga pangyayari, ilang oras ang lumipas at sa wakas break time na. I and my friends decided to rush at the canteen, first day kasi ngayon kaya medyo maraming estudyante ang pumunta dun.

Nagpasiya akong bumili ng frappe na lang dahil di pa naman ako masyadong nagugutom

While sipping on my frappe, out of nowhere biglang nagsalita si Syrene.

Alam niyo ba na bad boy daw yung Transferee natin. Ang sabi nito.

As if i care. Tugon naman ni Alexa.

Habang ako naman eh panay parin ang paginom ko at nakikinig sa kanila, wala naman din akong pake kung bad boy o masamang tao siya basta wala akong ginawang masama, bakit ako naman matatakot?, Ang laging turo sakin ng lolo’t lola ko.

After ng chikahan namin ay bumalik na kami sa classroom. Discuss, assignments, discuss, mga nangyayari sa classroom na paulit ulit na lang.

A month passed. Everything went well pero habang dumadaan ang araw napapansin kong panay tulog lang ang bagong classmate namin at minsan ay 3 beses lamang ito kung pumasok sa isang linggo. Mukhang wala talaga siyang interes sa pag aaral.

Okay guys, I have something to announce. Biglang tumayo ang President namin. Ms. Cortez, our history teacher asked me to announce that next week we will be having our EMPLOYMENT OR JOB INTERVIEW so prepare your own Resume and Application letter and your attires.

Hays dagdag stress nanaman to. Sabi ko sa aking sarili at napakamot sa noo gamit ang ballpen ko.

May gagamitin na ba kayo? Tanong ni Syrene saamin ni Alexa.

I don’t know maybe I’ll look na lang sa closet ko marami naman rin akong blazer dun. Tugon ni Alexa.

Ikaw Rania? Tanong naman ni Alexa saakin.

Same as well, ayoko ng bumili at ang daming kailangan tapusin na requirements graduating na kasi tayo eh. Sagot ko.

Habang tumatagal napapansin naming dumadami na ang mga kaibigan ni Zee di lang sa room namin kundi sa ibang sections na din.

Naging close rin sila ni Athalia Gomez at Belle Martinez sila yung magaling mag make up dito sa section namin at mag bestfriend sila, I wonder how did they end up being this close. Siguro dahil rin sa boyfriend ni Athalia na si Francis Hernandez. Well si Francis Hernandez kung hindi niyo naitatanong ay isang dakilang "Player" kuno because of his look, di ko maitatanggi na may itsura siya but he's not my type dUh.

Day by day lumalabas ang totoong pagkatao ni Zee Klane na akala ng nakararami na hindi marunong makipagkaibigan. Napaka playful naman pala nito at parang bata kung umasta.

Habang naka upo ako at nag aayos ng mga gamit, biglang nagsalita si Sophia.

Si Sophia Ibañez ay naging classroom president namin nung nasa Grade 7, magaling rin ito mag lead ng grupo.

Alam niyo bang basagulero niyan si Zee at narinig ko din ang lakas niyang uminom ng alak. Mahina niyang sambit ngunit sapat na upang marinig namin.

Katabi ko lang siya at nakikipag chikahan siya sa mga bestfriends niya. Pagpapatuloy niya.

Hays bakit ba ganyan yung mga tao ang daling mang husga? as if close sila I rolled my eyes and immedietly went to the CR. Toxic shits.

Pagbalik ko sa aming room, napansin kong may inaannounce yung president namin kaya sa likuran ako dumaan upang makaiwas sa istorbo. ( By the way this classroom is consisting of two doors, one at the right side, facing the chalk board, while the other one is assembled at the left side, facing the seats at the back.)

Nung ako'y papasok na, biglang tumama yung tingin namin ni Zee at tila ba ay bumagal ang oras dahil sa nangyari ngunit umiwas ako kaagad dahil medyo na awkward ako at higit sa lahat wala naman akong pake sa taong iyon kaya nagtungo ako sa aking arm chair, umupo at nakinig na lamang.

Okay guys be ready, tomorrow na ang Job interview natin at let’s do our best. Last thing, next month is nutrition month so we are going to prepare for our jingle contest kasi tayo ang mag represent ng Grade 10 at kalaban natin ang other grade levels. Ang huling sabi nito at bumalik na sa kaniyang upuan.

I sighed. Hays nakakapagod pa lang kung iisipin, ang dami daming gagawin pero sanay naman na rin ako. Sinabihan din ako ni Syrene na tutulong daw ako sa paggawa ng choreo para sa jingle namin nung nasa CR ako.

Another stressful weeks for us.

: Revision will be my target for this but for the mean time let's just settle with this very short chapter. Please do a vote and leave a comment for any suggestions. Thank you💙💕


Strangers With Tons Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon