ARKI PROBLEM NO.1 - Drafting Materials

620 19 6
                                    

Siguro ay alam mo na kung gaano kamahal ang mga drafting materials? At kung hindi mo naman alam, eh di sasabihin ko na para hindi ka naman clueless.

Syempre you need different kinds of pencils. Nandyan yung iba't ibang kinds of B's and H's. At syempre meron ding HB and F. Ang kadalasan kasi nating ginagamit ay HB. Kagaya sa mga mongol 2.

Madalas gamitin ang mga pencils sa visual techniques o sa mga subject na gumagamit ng freehand sketching o kahit na ano pa yang freehand na yan.

And ang pencils nagkakahalaga ng mga Php 30.00 and above kapag staedtler. Pero mas mura kapag mga faber castel.

And kapag sa tsquare naman na 36inches, Php. 700.00 above.

And syempre, pagagalitan ka ng mga instructors mo kapag ginamit mo ang tsquare pavertical. Hahaha. Kaya kailangan mo ng triangles. Much better kapag malalaki, yung as in mga 50 cm. Ang price nun? I think Php 100.00 ata isa. Pero meron din namang mga mura na both 45x45 and 30x60 ay less than Php 200.00.

And proceed naman tayo sa mga pens. Kapag arki student ka na, napakaarte mo na sa paggamit ng mga pens na kahit sa pangsulat palang. Nanjan yung gtech (Php.70.00), finetech (Php 40.00), friction pen (Php 80.00), unipin (Php 60.00)

Pero ito pa ang matindi, ang mahiwagang sandata ng isang arki student, ang TECHPEN. Mostly humigit kumulang Php 500.00 isa. And kailangan mo ng atleast 3 techpen. Kasi kailangan mo ng makapal, manipis at yung tamang tama lang ang sulat.

LESSON TO BE LEARN:

Be careful and cautious.

Dapat alam mo kung paano gamitin ng tama yung mga drafting materials mo. Kadalasan ang mga nangyayari, nawawala tapos hindi na ibabalik kung sino man ang nakakuha. Lalo na ang tsquares and mga pencil case.

Pati minsan yung mga gtech at techpens, hinahayaan nalang na walang takip kaya kapag nahuhulog, yaaay! Putol yung tip. Sira na. Pati sa visual tech, meron yung gagawa kayo ng still life on ink na puro dots lang, syempre pag pagod ka na, napapalakas yung pagtuldok mo. Kaya ayun, masisira pa rin.

Kaya dapat, alam mo ang kahalagahan ng mga gamit mo. Kasi super mahal. Ang pagiging maingat, malaking tulong na yan sa bulsa ng parents mo.

Archi ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon