TRES: CASE OF RED LIPS (1)

18 4 6
                                    

AUTHOR'S POV:

"Please!! Pakawalan mo na ako.."

Puno ang paligid ng mahinang pag-iyak na nagmumula sa babae. Kasulukuyan siyang nakakulong at puno ng pasa at sugat ang kanyang katawan. Hinang hina na ito na nakaluhod habang nagmamakaawa. Marahas na hinablot ang babae at ini-upo sa silya na nasa harapan ng malaking salamin. Napahiyaw ang dalaga at mas lalong napaiyak.

"Shhh~ Papagandahin kita." bulong nito habang mahigpit na hawak ang buhok ng dalaga. Pinilit nitong iharap sa salamin ang biktima.

"Ahhh!! Please!!" hiyaw ng babae ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha. Bumangis ang mukha nito at inis na itinaas ang ulo ng babae.

"Ano ba?! Diba sinabi ko na na papagandahin kita?!" sabay sampal muli. Tinulak nito ang babae pa-upo at may tinusok na kung ano sa babae. Unti-unting nang hina ang biktima at bago ito mawalan ng ulirat ay nakita niya ang nakangiting mukha ng taong nasa harapan niya.

Inumpisahan na nitong lagayan ng kolorete sa mukha ang biktima. Nakangisi ito habang isinasagawa ang kanyang mga plano.

"Ano kayang bagay na lipstick sayo?" nakangisi nitong tanong sa sarili. Dinampot nito ang isang kulay pulang lipstick at ipinahid niya ito sa labi ng dalaga. Nang matapos ito ay nakangiti nitong tinitigan ang dalaga.

"Sabi ko na.. Bagay talaga ang pula sa babae." wika nito sabay hagikgik.

---------------------------------

YVO POV:

"Yvo! Nasan na yung report? Hinahanap na ni Captain!" hiyaw ni Ave sakin. Inis kong sinabunutan ang buhok ko at masamang tinignan ang babae.

Halos mag-iisang buwan na din simula ng nag umpisa ako sa trabaho ko dito pero hindi pa din masanay ang tenga ko sa lakas ng bibig ni Ave. May iilang beses na rin kaming pinapatawag ni Chief dahil sa mga reklamo na natatanggap patungkol kay Ave Maria. Madalas kasing nauuna ang init ng ulo nito at hindi ko na rin napipigilan ang pag igkis ng kamay niya para saktan ang biktima kaya ang ending parehas kaming napapagalitan.

"Hoy! Ano na? Nasan yung report?" inis niyang tanong.

"Kung tinulungan mo ako kanina pa tayo tapos." bweset ko siyang tinignan at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Tinulungan kita! Nagprint ako!" hirit niya. Kung tutuusin kasalanan niya kung bakit kami pinapagawa ng report ngayon. Sinampal kasi niya yung suspect na nahuli namin nung nakaraan dahil sa domestic abuse.

"Ave naman kasi! Pigilan mo rin naman kasi yung sarili mo minsan..." saad ni Rian mula sa kabilang table. Nakita ko ang pag irap ni Ave sa kanya.

"Kasalan ko bang nakaka-inis yung putang inang yon?!" gigil na turan nito kay Rian.

"Ave! Language!" saway ni Eric. Nag make face naman si Ave sa kanya.

"Kaya walang gustong maging partner mo dahil dyan sa ugali mo e.. Buti nalang dumating si Yvo.." patutsada muli ni Rian. Napangisi naman si Eric habang napailing nalang ako.

"Kaya ko mag-isa! Matalino kaya ako!" katwiran niya. Inis itong tumingin samin at itinuon muli ang sarili sa ginagawa.

Naputol ang usapan namin ng biglang dumating si Captain.

"May dumating na ulat na may nakitang bangkay sa isang botique. Magsipag handa na kayo at pupuntahan na natin." wika niya samin. Agad kaming nagsitayuan upang umalis na.

Nang makarating kami sa lugar ay naroon na ang ibang pulis upang ipreserve ang crime scene.

"Violent Crime Investigator kami." saad ni Captain at ipinakita ang ID nya. Agad naman kaming pinapasok ng mga pulis. Naroon na ang Forensic Team at sinusuri na nito ang biktima.

Evil MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon