❤ Jeon Jungkook ❤

601 8 4
                                    

CURSED RELATIONSHIP

★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★⋱⋰★

~*~

[Ang mga sumusunod na mababasa ay RATED SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, LENGGWAHE, karahasan, SEXUAL, horror o droga, na hindi angkop sa mga mambabasa]

{SilverRain05 Production presents xD

Anrielle and Jungkook's Love Story

CURSE RELATIONSHIP}

~*~

Anrielle's POV

"Gag* ka Jungkook! Bumalik ka ditong hayup ka!"

Bwiset sya! Nakakainis! Lagyan daw ba ng glue yung mga gamit ko sa locker?! Shet! Ang hirap kaya magtanggal ng mga nadikitan ng glue! Buti na lang kaunti lang ang gamit ko sa locker.

"Hindi na ako babalik! Tsaka tignan mo nga sarili mo! Mas mukha ka pang hayop sa akin!"

Aba'y loko 'to ah! Guys! Pigilan niyo ako! Mapapatay ko na talaga 'to!

"SO? WALA AKONG PAKE! DYOSA PA RIN AKO!"

"Tumigil ka! May pake ako sayo! Bahala ka nga dyan! Asar!" saka siya tumakbo.

kainis! Stress! Nasisira ang beauty ko! Pupunta na lang ako sa room!

Eh kung magpakilala muna ako sa inyo habang papuntang room? Bawas stress na rin naman yun diba? Mamaya ko na aayusin yung mga nalagyan ng glue sa locker ko. Katamad eh.

I'm Anrielle. Tsaka 16 years old na ako. Bale 3rd year. At yung gag* na kaaway ko si Jungkook S. Panget. Jungkook Sobrang Panget. Kasama na talaga yan sa pangalan niya. Since birth.

Actually matagal na kaming ganito. Simula nung nagtransfer ako dito nung first year. Ewan ko ba diyan! Trip na trip ako pagtripan niyan. Pero syempre, si Anrielle ako eh. Lumalaban. Kaya hanggang ngayon hindi pa tapos ang gyera. Hindi ako susuko! Aja!

"Hi Anrielle! Magkasing haba na kayo ng mukha ni Hobi dun sa 2nd year Collage!"

Pati ba naman ang kaisa isa kong bestfriend? Inaasar ako? Magkasabwat ba sila ni Jungkook?!

"Rhia! Magkasabwat ba kayo ni Jungkook ha?! Binayaran ka ba niya?! Kaya pala always kang nasa room ng 4th year?!"

Naku! Malaman laman ko lang talaga na binayaran niya ito. Isasalvage ko na talaga siya! Bahala na kung magkasala ako sa mundo.

"Ano ba? Hindi ano! Asa ka! Kung pupunta man ako sa 4th year room. Kinukumusta ko lang ang Boypren ko dun!"

Ay~! Oo nga pala. Magkaklase si Jungkook at yung boyfriend niya. Tss... Ang tindi nga eh. Magtropa yung dalawa. Buti na lang hindi nila pinapakialaman yung estado namin ni Jungkook.

^-^-^

"Anrielle! Nandyan na si Vie! Una na kami ah! Mag de-date pa kami eh! Basta mag ingat sa daan! Wag papagabi! Mahal na mahal kita! Bye!" Hala! Uuwi nanaman pala akong mag isa. Tsk. Loner ako ngayon! Wae?

"Oo na po mama. Basta po hinay hinay lang kayo ni Vie ah! Aral muna bago anak!"

"Gaga! Date lang! Sabi ko bang----"

"RHIA! ANG TAGAL!" tsk. Bwisit yun ah! Hindi makapaghintay.

"Naiinip na si Boyfie! Bye na Anrielle!" saka kami nagbeso beso.

Inayos ko ang gamit ko saka pumunta ng locker. Speaking of locker. Tsk. Aayusin ko pa pala yun.

Pagbukas ko ng locker ko saktong may nahulog na note. Maliit lang naman siya. Scented paper pa nga ang gamit.

❤✔⇨BTS IMAGINE⇦✔❤ (RE-OPEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon