Chapter 2

62 6 3
                                    

*riiiiiiing*

Napawi agad ang ngiti ko.

Ok lang yan 5 minutes pa naman bago mag time pero letsugas!di pa nga nangangalahati eh-__-

"Hala panu na yan?"tanong ni Mariel

"Uhhh sige ok lang.punta kana sa classroom.malelate ka pa"

"Huh?eh paano ka?punta ka narin--"

"Ok lang yan.ako na bahala"nag-fake smile ako

"You sure"tumango lang ako saka siya umalis

Nang makalayo-layo na siya...

"Da pak!"dali dali kong kinuha ang papel.tatapusin ko ito,hindi pwede ang ganito kay ma'am.

Tiningnan ko ang wrist watch ko

0__0

"Langya!"1 minute before 6:30

Dali dali kong binitbit lahat ng gamit ko atsaka kumaripas ng takbo paakyat sa fourth floor kung nasaan ang classrom

30 seconds.phew!pinunasan ko ang lumandas na pawis mula sa aking ulo

Dahan dahan kong pinihit ang pinto hanggang sa marealize kong nandoon na pala si ma'am Procopio

"What are you doing!"psh.di niya ba nakikita?papasok?naturingang teacher di alam

"And why are you late?"late?tinignan ko ang wrist watch ko.

"15 seconds before time ma'am"oops!napahawak ako sa bibig ko.letse ka ang ingay ingay mo!

Nanliit ang mga mata niya sa sinabi ko

"Oh really?"Umikot siya sakin at nihead to foot ako"so where's your project"dali dali kong kinalikot ang project ko hanggang sa napatigil ako.

"Where?!"nawindang ako at napapikit sa sigaw niya at agad agad na naibuklat ko sa pagmumukha niya ang gusot gusot at sobrang duming papel.

"Are you serious?"no i'm joking"ipapasa mo sakin yang papel na yan?"diring diri niyang kinuha ang papel na pinaghirapan ko sabay crinample at i-shinoot sa basurahan.

"Alam mo kagaya ka nang papel na yun?madumi,ang sarap itapon!"aba'y sumosobra na toh ah!personalan?

Pero ang sabi nga nila,hindi ka pwedeng makipagtalo sa mas nakakatanda sayo dahil kahit anung gawin mo,siya at siya parin ang tama sa kahit kaninong mata.

"So that was your work?"oo!yung work na pinaghirapan ko!yung work na sinira mo!

Sabay sampal sakanya.pero syempre joke lang.baka mapatay pa ako ng mabait kong teacher eh.

"Get out!"agad agad akong lumabas at hinintay nalang ang susunod naming guro.

Yeah!tama ka nga,kagaya lang ako ng papel na yan.mahirap lang kami,pero hindi mo agad nakita kung ano pa nga bang pwedeng gawin sa papel na yan.hindi mo nakita ang kahalagahan niya.

I sighed.ang hirap talagang mag-aral sa pribadong paaralan,lalo na kung mahirap ka,maraming manghuhusga sa pagkatao mo,pandidirian ka,lalayuan ka.pero buti nalang at may mga nakilala akong kaibigan.nanay ko naman kasi eh,pinagpilitan akong dito pa mag-ar kahit hindi niya kaya.

"Anyare sayo?"tanong ni jam nang recess na at nagliligpit ng gamit.

Hindi ako umimik

"Ang ganda mo naman kausap!kasing ganda lang ng mga kuko ko sa paa"tsk daldal!

Lumabas kami sa room ng walang imikan at hindi ko rin nakaya ang katahimikang bumalot saming dalawa.

"Eh kasi naman yung lalake dun sa labas kanina nabangga ako tapos may mga humahabol pala sakanyang mga babae kaya natapakan yung papel ko"napalingon ako sakanya na tila nakikinig lang sakin"hay nako pag nakita ko talaga ang lalakeng yun.nakooo!makikita niya ang dilim sa ilalim ng lupa!"

"Jamaica!"napatingin kaming dalawa kay Mariel na hanggang ngayon ay pagkain parin ang inaatupag.may kasama pa siyang tatlong babae at isang lalakeng nakayuko at may nakasukbit na bag sa likod.one of the girls?or one and only beks?

Lumapit kaming dalawa,parang namumukhaan ko yung lalake. tumingala siya at ngumiti kay Jamaica.

"Uy eto nga pala sina Rachell,Erma,at Llena,new friends ko"isa isa ko silang kinamayan.ganun din ang ginawa ni Jamaica.

"Ay Jamaica,Zac pahatid naman tong si Jeiz magkakaklase lang kayo.late enrolee kasi tong mokong na to eh"sabay irap niya dito"eto nga pala si Jeiz"nilahad niya ang kamay niya sakin.nagdalawang isip pa akong abutin ito pero inabot ko narin.

"Ah!kilala na kita!"sabay ngiti kong nakakaloko"ikaw yung lalakeng hinahabol ng mga babae kanina!at yung mga babaeng naghahabol sayo,natapakan yung ginawa kong sijo!kaya naman hindi ako nakapagpasa,kaya naman napagalitan ako ng mabait naming guro!"nanliit ang mga mata ko

"Kasalan ko bang habulin ako?"oo habulin ka!habulin ng aso!yabang!

"Easy easy!"pinagitnaan kami agad ni Jamaica.napalapit na pala ako sakanya

"Kababata ko yang si Jeiz,wag mo ngang aaway-awayin yan!"parang nanay na ipinagtanggol ni Jamaica si Jeiz mula sakin sabay akbay rito.nakita ko pang namula si Jeiz habang nakatingin sa kamay ni Jam na nakatanday sa balikat niya.

GRABE!HINDI NIYA BA NAKITA KUNG PAANO AKO NILAIT LAIT NI MA'AM KANINA?

"Magkakilala na pala kayo,that was nice to hear"-Mariel

nice to hear?baka gusto netong tanggalan ko siya ng ear para wala siyang ma-hear?

"Halika na Jeiz!"naka-akbay parin si Jamaica habang sabay na nag walk-out ang dalawa.

"MAGSAMA KAYO!"sigaw ko kahit alam kong hindi naman na nila ako maririnig.

"Nagseselos ka ba?"nilingon ko si Mariel na di magkandaugaga sa pagkain niya."type mo noh?"pagpapatuloy niya pa.

"He!tumigil ka!"hinila niya ako papunta sa canteen at sumunod din naman yung mga kasama niya

"Pagkain nanaman?"untag ko nang nakita kong bumibili nanaman siya ng fries.

Nagsisunuran din sina Rachell sakanya at bumili narin ng fries

"Ate hindi ka ba kakain?"tanong ni Llena ba yun?

"Hindi na"nawalan na ako ng gana.psh kabwiset talaga.sayang din yung 50 points eh.

Nagkwentuhan nalang kami ng kung anu-ano at mas nakilala ko pa ang mga kaibigan ni Mariel.mababait rin sila.

Ako nalang sanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon