CIY 15

42 2 0
                                    

Si Mia:

Papunta kami ngayon sa bahay ni headmaster para sa despedida ni ate Ariana.

Nalulungkot ako na aalis si ate Ariana pero kung yun ang gusto niyang gawin ay wala naman akong magagawa.

Para ko kasi siyang naging totoong ate.

Hindi parin kami nag-uusap ni headmaster simula nun.

Iniisip ko yung sinabi sa akin ni Benjo pero...

napatingin ako kay headmaster.

Alam ko naman na si ma'am Nuriko ang laman ng puso niya.

Isa pa hindi naman yung tipo ko yung type niya.

Mataba ako.

Pangit.

Anong laban ko kay ma'am Nuriko??

Nagstop siya sa tapat ng isang store.

"I'll just get the cake."

Bumaba din ako ng sasakyan at pumasok dun sa bakeshop.

Waaaahhh ang cute nung mga cake!!!

May hugis teddy bear!

Maron namang heart na madaming malalaking strawberry

Ang sarap tignan!!

Yumuko ako para makita yung iba pang cake.

Nabigla ako nang yumuko din si headmaster.

"Anong gusto mo?"

"Aaah wala po. Mauuna napo ako sa sasakyan."

Lumabas na ako ng shop at sumakay sa sasakyan.

Maya maya lumabas na siya. Nilagay niya sa likod yung mga binili niya tapos pumunta na kami sa kanila.

Pagdating namin ay agad akong sinalubong ni ate Ariana.

Pinipisil niya nanaman yung pisngi ko.

Pipisilin niya pa sana yung kabila pero..

"Ooohh bakit ang pula niyan. Sino may gawa niyan?"

Tinignan niya ng masama si headmaster

"Did you!?!?!" Galit na tanong niya

"Aah ano ate Ariana nauntog yan hehe."

"Totoo!?!?" Sabay masama nanaman yung tingin niya kay headmaster

"Oo ate!"

"Hay nako Mia mag-iingat ka!!"

Pumasok na kami sa bahay nila.

Mejo madami daming tao.

Andito yung mga kaibigan ni ate Ari.

Andun nadin si daddy.

"Guys!! This ks my favorite sister si Mia!!"

"Hi! Bati nila sa akin."

"Ang sabi ko sa kanila close ang families natin kaya sister kita." Bulong sa akin ni ate Ari

After kong makikala lahat ay pumunta na ako sa dining.

Nakaupo dun si daddy at tito. Andun din si headmaster.

"Daddy!!" Bati ko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"How are..anong nangyari sa pisngi mo?"

Cause I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon