Chapter 3

5 0 0
                                    

Chapter 3


April 2015

Days have passed at dumating na ang graduation nila. Naging busy si Courtney sa preparation ng graduation dahil narin sa rehearsal for graduation at isa pa, she's one of the mancomm of the student council na busy din for the preparation of the graduation ball. Wala silang prom dahil narin mas pinili ng mga 4th year students na magkaroon na lamang ng graduation ball. Isa si Courtney sa nasabitan ng mga medalya. Active naman din kasi siya sa extra curricular activities kaya naman it paid off. Ganun din naman ang bestfriend nya.


 Mukhang ang bestfriend nya ay masaya kay Chloe. Minsan na lamang sya nito kausapin at kahit na iisa lang sila ng subdivision e di niya makuhang bisitahin ang dalaga. Nagtatampo na talaga si Courtney pero mas minabuti nitong maging masaya na lamang sa pinili ng binata. Isa pa, nandito naman para sa kaniya ang mga iba pa nitong tropa. 



"Congratulations students! Goodluck to you next step towards success!" wika ng kanilang principal na nagbigay ng final remarks. 


Umaga ginanap ang kanilang graduation dahil sa gabi naman ang kanilang pinakahihintay na ball. Ang mga mancomm na 4th year students ay hindi na tumulong sa huling pagaayos ng venue para na rin maenjoy nila ang event mamaya at hindi maispoil ang surpresang hinanda ng mga lower years for them. Agad naman umuwi si Courtney para makatulog sya saglit. Pero biglang nagring ang phone nya.. Si Raven ang tumatawag. 


"Oh. Akala ko nakalimutan mo na ko" 

"Sorry na Reigh, sana maintindihan mo ako."

 "Oo na, naiintindihan naman kita. Parang binibiro lang e." he chuckles.

 "So, kitakits mamaya?" 

"Oo kitakits, pero hanggang dun lang kasi si mo maiwan nililigawan mo!" 

"I promise, isasayaw kita mamaya!" 

"Eww. Please lang, Cy. You know that I'm not fond of cheesy dance."

 "Ah basta magready ka nalang!" 


Nakangiti si Courtney kahit tapos na kanina ang tawag. At least, isasayaw sya ng kanyang bestfriend. Ngayon nalang ulit sila magkakasama. Lalo tuloy siyang naexcite para sa grad ball. Mga bandang 3pm, pinagready na siya ng kaniyang magulang dahil malapit na dumating ang make up artist. Pagkatapos nyang maligo, robe muna ang kaniyang tinapos sa sarili para madali ang pagsuot nito ng ganyang gown. 

-----------------------------

Napagkasunduan ng mga kaibigan kambal ni Courtney na si Ezekiel at Lucas na sabay na silang tatlo sa venue. Kaya bandang 5:30pm, nandon na sila sa sala upang maghintay sa dalaga.

 "Saglit lang mga iho ha. Maya maya tapos na rin ayusan ang anak ko" sabi ng ina

 "Okay lang po tita." sabi ni Ezekiel na siyang tinanguan ni Lucas. 

"Naku, paniguradong magugulat kayo sa itsura ng anak ko. Alam niyo naman yun, ang hinhin ng itsura pero ang attitude e akala mo lalaki. Pakibantayan nalang sya ah. Suwayin ninyo kapag wala na naman sya sa poise." 

"Wag kayo mag-alala tita. In behalf of Raven, kami po ang mag sisita kay Reigh if ever." 


Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon