Chapter 2

112 70 28
                                    


Nasa hagdan pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang mala Megaphone na bunganga ni Ma'am Ocampo. Mukhang nanenermon na naman.

Huminga muna ako ng malalim saka kumatok ng tatlong beses sa pinto. Bumukas yon at paa kaagad ni Ma'am ang nakita ko kasi nga nakatungo ako.

"Oh Mr. Ortessa? akala ko ay hindi ka na papasok sa klase ko...Zero na sana ang Recitation paper mo..pumasok ka at magre-recite ka." Mahinahon pero halata mong sarcastic.

"Sorry i'm late." sabi ko.

Binuksan niyang tuluyan ang pinto at binigyan ako ng daan para makapasok.

Pagpasok ko sa loob ay naririnig ko na ang mga bulungan ng mga classmate's kong babae.

"Ang gwapo niya talagaaa!"

"Astrid my bebe love hihihi"

"Oh my! ang wafu pa rin kahit late!" Bakla.

"Astrid! why so handsome?

Yan ang mga salitang araw-araw kong naririnig. Nakakasawa.

Bakit ba kasi sobrang pinagpala ako ng kagwapuhan? Hays, inborn na siguro.

Nginitian ko lang silang lahat saka tumabi kina Marcus, Caleb, at Owen mga kaibigan ko. Sa last row ang upuan naming apat.

Hindi ko na sila pinansin dahil bumalik na ulit si Ma'am Ocampo sa Teacher's desk saka ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa at masama kaming tiningnan isa-isa!

"Mr. Ortessa! stand up!" sigaw sakin ni Ma'am. Tumayo ako at lahat ng mata ay nakatingin na sakin.

"Yes ma'am?" magalang at nakangiti kong sabi.

"What is the seven branches of Science?! I want the complete answer!" sigaw niya.

"Eh?" parang nanlulumong sabi ko.

"Sasagot ka o Ibabagsak kita?!"

"S-Sagot po." sagot ko at ngumiti nang pilit.

"Then go!"

"A-Astronomy, study of p-planets, stars, and the u-universe...E-Ecology..H-How living things affect each other and the e-environment..Chemistry, study of materials, chemicals, and r-reaction.." bumuntong hininga muna ako bago sumagot ulit.

"Oh? kaya pa?!" sarkastikong tanong sakin ni ma'am.

"Syempre naman ma'am..Kayang-kaya ko, kayang kaya kong sapakin ka tss." pahina nang pahina kong sabi. Narinig ko namang natawa yung mga classmate's kong malapit sa pwesto ko.

"Anong binubulong-bulong mo dyan Mr. Ortessa?! baka nakakalimutan mong sakin nakasalalay ang grades mo sa Science!" sigaw niya.

Malamang! e ikaw ang Science lecturer e! Tuleg!

"Wala po akong binubulong ma'am..baka may mga multo dyan sa tabi-tabi..bumubulong sa inyo!" medyo malakas na sabi ko.

"Wag ka nang maraming sinasabi! ituloy mo na ang pagsagot mo!" sabi niya.

"Biology, study of living things..Geology, study of earth, rocks, and volcanoes..psychology, how and why we behave in a certain way..Physics, study of forces and energy!" sigaw ko. Paniguradong hindi niya mahahalata yung sigaw ko.

"Who's Albert Einstein?! I want the complete answer!" sigaw niya ulit. Sabi sayo di niya mahahalata e, kasi nga bingi na siya hahahah!

Lintek na tanong yan! ang hirap!

"A-Albert Einstein was a German-born theoretical physicist..w-who developed the Theory of relativity, one of the two pillars of modern physics. His work is a-also known for its influence on the p-philosophy of science." sagot ko saka nakangising umupo. Tumango naman si Ma'am pero salubong pa rin ang square na kilay niya.

"Full name of Galileo Galilei? I want the complete answer!"

Ano ba yan! lupa! eat me now!

"Mr. Ortessa?!" Si Ma'am Ocampo. Edi tumayo na naman ako! Buset! 

"G-Galileo di Vincenzo B-Bonaulti de Galilei Ma'am.." Utal-utal kong sagot. Sumenyas naman siya na maupo na, kaya naman umupo na ulit ako.

"Talino mo bud Hahahaha!" bulong sakin ni Owen. Tiningnan ko lang siya ng masama saka bumaling na ulit sa harapan.

"As I said before, we have a Quiz tomorrow...Class Dismissed!" Sigaw niya saka taas kilay na lumabas ng classroom.

May next subject pa, Math. Si Sir Flores.

Puro discussion lang at short quiz...At Break time na!

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now