Chapter 9

48 34 0
                                    


Gwen's POV

Pagkalabas nila Astrid, Owen, at Marcus ay muling nagsalita si Dean.

"Paano niyong nagawa ang manuntok ng babae?! at hindi pa kayo nakuntento at balak niyo pang hampasin ng Baseball bat si Ms. Estrada?! At sa ulo pa?! anong klaseng pag-iisip ang meron kayo?! paano kung natuloy ang paghampas niyo at may nangyaring hindi maganda kay Ms. Estrada?!" Galit na sigaw ni Dean sa dalawang gunggong. Hindi sila nakasagot.

"Anong rason Mr. Imedez at Mr. Himpasho?!" galit pa rin na tanong ni Dean sa dalawa. Namumula at nag-aalboroto na sa sobrang galit si Dean Harold. Nakakatakot!

"K-Kasi po d-dean..b-binantaan niya p-po ako na a-abangan niya a-ako mamaya sa l-labas nitong c-campus..k-kaya po i-inunahan na namin.." takot na paliwanag ni Acky. Nanatili namang nakayuko si Ace at si Bambi. At ako naman ay taas kilay na nakatingin sa kanila habang nakasandal at naka-crossed arms.

"Ms. Estrada?! anong naisip mo at binantaan mo tong si Mr. Imedez?! alam mo bang Grade 9 pa lang to?! Ang bata pa nito tapos papatulan mo?!" baling sakin ni Dean.

"Eh Dean sila po ang nauna..nilagyan po nila ng mga bubble gum ang loob ng locker ko at tinambakan ng puro basura!" Sabi ko, pilit ko talagang pinapakalma ang sarili ko dahil kapag ako hindi nakapag-timpi susuntukin ko tong dalawang to sa harap ni Dean.

"Kailan nangyari yon?!" Tanong pa rin ni Dean sakin.

"Last week po.." sagot ko.

"Paano mo nalaman na sila nga ang gumawa non sa locker mo?! Explain mo nga Ms. Estrada!" Si Dean.

"Lunch break po nung nangyari yon..kukuha po kasi ako ng Libro, history subject po kasi pagkatapos ng Lunch..tapos po pagpunta ko sa locker ko nagulat po ako dahil napakadaming bubble gum ang nakadikit sa pinto ng locker ko, edi syempre Dean tinanggal ko yon..tapos ang mas ikinagagalit ko, pagbukas na pagbukas ko nang locker ko ang daming crumpled paper at gulo-gulo pa yung mga gamit ko sa loob.." paliwanag ko.

"Tapos po si Tracy nagsumbong sakin, si Tracy po yung babaeng Clasmate nila.." turo ko kina Acky at Bambi.
"Ang sabi po sakin ni Tracy nakita niya daw po sila Acky at Bambi na may ginagawang kalokohan sa locker ko..kaya po pumunta ako sa room nila at totoo pong sinabi ko yon kay Acky na 'aabangan ko sila sa labas..buti nga at hindi ko pa sila sinaktan e, sobrang galit na galit talaga ako nung araw na yon Dean...swerte pa nga sila dahil hindi natuloy yung sinabi ko sa kanila e." Nakangising sabi ko.

"Sinabi ba nila sayo na sila talaga ang gumawa non?!" si Dean.

"Opo Dean..ang yabang nga nila nung araw na yon, parang ngang hindi nakaramdam ng takot.." Sabi ko.

"Hindi naman duwag ang kapatid ko---" hindi na natapos ni Ace ang sasabihin niya ng bigla siyang sigawan ni Dean. Madaldal ka ha!

"Silence! hindi pa kita kinakausap!" Sigaw ni Dean. Natahimik naman siya.

Maya-maya lang ay may kumatok, pumasok sila Astrid kasama yung dalawang asungot.

"Dean, nakita ko po 'to sa Locker ni Acky..at nakita ko din po itong Hoodie sa bag ni Bambi..meron pong print ng oxford katulad ng sinabi ni Owen.." sabi ni Astrid habang pinapakita yung dalawang Black na hoodie.

Nilingon ko sila Acky at Bambi, nakayuko sila at kitang-kita ko kung pano sila manginig sa takot at kaba.

"W-Walang ganyan ang kapatid ko! H-Hindi sa kaniya yan!" Biglang sigaw ni Ace kay Astrid.

"Ace..nakita ko 'ito mismo'sa locker ng 'kapatid mo' ito na ang evidence oh..bakit hindi mo tanongin ang kapatid mo?" seryosong tanong Astrid kay Ace at talagang diniinan pa ang salitang 'ito mismo' at 'kapatid mo'.

"K-Kuya, D-Dean Harold..S-Sa amin po talaga yan ni B-Bambi." Biglang sabi ni Acky habang nakayuko pa rin.

"Oh? kapatid mo na mismo ang nagsabi..May magagawa ka pa ba? sige, ipagtanggol mo pa." ngingisi-ngising sabi ko kay Ace na masama na ang tingin sakin, kaya naman tinapatan ko ang masasamang tingin niya.

"Hindi mo ako matitinag sa mga tingin mong yan.." Kalmadong sabi ko kay Ace.
"Ulol!" pabulong kong sabi sa kaniya.

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now