Christmas Carol

27 0 0
                                    

Christmas is in the air.

Love is in the air, too. ♥

-

"We wish you a merry Christmas, and a happy New Year! Namamasko po!!" Pagtatapos ng pagkanta ng mga nangangaroling na bata.

"Oh, eto," sabi ko sabay abot ng twenty pesos sa kanila. "Merry Christmas!" Sabi ko pa habang nakangiti.

"Thank you... Thank you... Thank you, thank you, ang babait ninyo." Kanta nila bilang pagpapasalamat. Nginitian ko lang sila. Nang nakaalis na sila ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

"Magkano binigay mo?" Tanong sa akin ni Mama habang nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin.

"Twenty po," sagot ko. Tumango lang si Mama.

"Angel, 'nak, alis lang muna ako," sabi ni Mama habang nag-aayos ng bag.

"Saan ka po pupunta, Ma?" Tanong ko.

"Sa Tita Pearl mo, may gagawin lang kami," sagot ni Mama. "Kaya dito ka lang sa bahay, 'wag na lumabas," paalala pa ni Mama habang ina-unlock ang gate. Sinundan ko siya at pinagbuksan ko na ng gate.

"Okay po. Ingat ka, Ma," sabi ko. Kinawayan ko siya. Kumaway rin si Mama habang nalalakad palayo.

"'Batayan ang bahay!" Sigaw pa ni Mama. Sumagot lang ako ng 'opo' at saka sinarado ang gate.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa, kinuha ang cellphone ko sa bulsa at naglaro ng Zombie Tsunami.

Oo nga pala, five days na lang, Pasko na. Nakakalungkot nga lang, 'di kami umuwi ng probinsya ngayon. 'Di ko makikita mga kamag-anak ko. 'Di ko tuloy masyadong feel ang Christmas. Sigh.

"Pasko na naman, o kay tulin ng araw! Paskong nagdaan, tila ba nung kailan lang..." narinig kong pangangaroling ng mga bata sa tapat ng bahay namin. Hala. Wala akong mabibigay, wala si Mama. No choice.

"Tawad!" Labag man sa kalooban ko ehh sinigaw ko yan. Narinig kong umalis na sila. Sigh. Nakakakonsensya talaga.

Humiga ako sa sofa saka pinagpatuloy ang paglalaro ng Zombie Tsunami.

Thirty-two na yung zombies ko. Yay!

"Tao po?" Tawag ng isang boses galing sa labas... isang malamig na boses ng lalaki. Kinilabutan ako bigla. Nahulog naman lahat ng zombies ko sa isang butas. Sheeez! Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko.

Napatayo ako bigla. "Tao po?" Tawag ulit ng lalaki. Ang gentle ng boses. Buong-buo. Waaaahhh!! Ba't... ba't... ba't... ba't ang... ganda ng boses niya?

Pumunta ako sa may gate at binuksan yun.

"Good evening, miss," bati sa akin nung isang lalaki habang nakangiti. Eyesmile to be exact. Ang cute! Siya siguro yung tumawag kasi kaboses niya. May kasama pa siyang isang lalaki na nakingiti lang din, pero 'di kasing cute ng ngiti ni Kuya Eyesmile. No offense. Pero parehas silang gwapo.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Nandito po kami para mangaroling sa inyo," sabi niya habang naka-eyesmile pa rin. "Project po ito ng church para sa isang orphanage," dugtong niya habang may inaabot na envelop sa akin.

Napakamot ako ng ulo. Gusto ko magbigay kaso yung pera... "Uhh, wala po kasi si Mama," lame reason ko. Geez. Napakamot ulit ako ng ulo.

"Okay lang naman po kahit magkano, kahit piso o dalawang piso o limang piso, basta po meron. Siguro naman meron ka kahit piso jan?" Diretso niyang sambit habang bahagyang winawagayway yung envelop. 'Di siya tunog nanunumbat, ang lambing nga ng tono ng  boses niya ehh. But still, that hit me. Naalala ko yung mga batang nangaroling kanina. Nakonsensya ulit ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Christmas Carol [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon