Flashback

9 1 1
                                    

Namjoon's POV

Sinamahan ako ni tatay Felix sa kwarto ko.

"Nak, dyan ka muna ha?" Sabi nya sakin.

"Opo."

Matagal-tagal ko na ring kasama si tatay Felix. Mula pagkabata ko siguro nandyan na sya. Si tatay Felix ang isa sa mga tinulungan nila mama at papa dati. Actually madami-dami nadin silang natulungan at isa si tatay Felix dun. Binigyan sya ng trabaho ng parents ko as a driver.

Narinig kong may kumatok sa pintuan.

"Andito nako." Sabi nya na may hawak hawak na ice pack sa kamay nya.

"Thank you tay." Sabi ko pagkabigay nya sakin ng ice pack.

Naupo sya sa tabi ko at kinausap ako.

"Nak, diba ang sabi ko sayo magpaalam ka muna sakin bago ka umalis?"

"Sorry tay nakalimutan ko. Tsaka ayaw na kitang abalahin sa trabaho mo."

"Alam mo namang tinuturing na kitang anak diba? Hindi mo kailangang isipin na abala ka para sakin. Iniwan ka ng nanay mo sakin. Sinabi nyang alagaan kita ng mabuti at wag pabayaan. Kailangan kong gawin yun dahil pinangako ko yun sa kanya." Sabi nya sakin.

Dahil sa mga sinabi ni tatay, natandaan ko tuloy yung panahon na kasama ko pa sila mama.

Lumaki ako sa marangya at mapagmahal na pamilya. Si mama isang doktor at si papa naman ay isang abogado. Sa totoo lang napakasaya ng mga panahon na to. Walang problema. Masaya lang. Lagi akong nabibigyan ng atensyon at pagaalaga sa mga magulang ko. Lagi din akong napapangaralan na dapat maging mabait at matulungin. Siguro napakaperpekto na ng buhay ko.

Isang araw habang nasa school ako tinawag ako ng pricipal namin. May importante daw syang sasabihin.

"Ma'am ba't nyo po ako pinatawag?"

"May sasabihin sayo ang mommy mo." At inabot nya sakin ang phone.

"Hello ma?" Sabi ko at naririnig ko syang nahikbi.

"Ma ano pong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"Nak, ang ta- tatay mo. Wala na. Pinatay sya." Natulala ako. Hindi ako makagalaw o makaiyak. Hindi ko maprocess kung anong nangyayari.

"Papauwiin ka na muna kita." Kinuha nya sakin ang phone at kinausap ang mama ko.

Pinaupo nya ako at maya maya lang din  lang ay dumating na ang magsusundo sakin.

"Tatay Felix!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Tsaka lang ako nakaiyak. Mga 8 years old ako neto at tandang tanda ko parin ang mga nangyari.

"Halika na. Sakay kana muna." Sabi nya sakin.

Nauna akong sumakay pagkatapos sumunod si tatay Felix.

Hindi muna kami umuwi ng bahay. Alam kong bumaba kami ng park nun at pinagusapan lang namin yung mga stars na nakatatak sa kamay ko. Binilhan nya din ako ng lobo at pagkain para mapakalma ako.

Simula nung pagkamatay ni papa ay ang depression ni mama. Sa mga panahon na to ang lagi lang nagaasikaso sakin ay ang mga maids at si tatay Felix. Sya lang yung lagi kong kausap at kasama. Kaya siguro naging malapit ako sa kanya.

 

Unexpectedly Charming (Namjin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon