(CHAPTER 46)

103 5 0
                                    

               
                 MEGAN'POV...


           " Alam mo tigilan mo na nga yang pag d drama mo kanina pa bura yang make up mo sa kakaiyak mo"??



Saway ko dito sa kaibigan kong si krystine pano ba naman kasi hanggang ngayon naiiyak parin ...



Mula kanina sa simbahan hanggang dito sa reception...


Ngayon kasi ang kasal ni JANE at LEANDRO..at kanina habang nag lalakad papuntang aisle itong si jane walang tigil naman kakaiyak itong si krystine na akala mo naman siya yong kinakasal..


             "Pano,,nakakainggit kasi itong si jane mabuti pa siya nakasal na sa lalaking mahal niya" nahikbi paring sabi nito...



Gusto KO ng a tapakan ang mala rapunzel na buhok nito kanina sa simbahan eh akalain mo bang dalawang prince ang sabay na nag abot sa kanya ng panyo...

Take note tinanggap niya yon pareho...para daw walang masaktan doon sa dalawa.  Oohh alam niyo na kong sino yong dalawang prince na tinutukoy ko...


          "Oo nga naman sissy tama na yan dinaig mo pa ako ehh mas ikaw pa yong iyak ng iyak kesa sa akin""natatawang sabi ni Jane...

           "Tears of joy yon no masaya ako para saiyo kasi sa dami ng oinag daanan niyo ni leandro sa simbahan rin pala ang tuloy niyo....


            "Oo nga eh i can't believe na mauuwi kami sa buhay mag asawa...
Ikaw na ang susunod niyan...

Tukso ni jane dito habang sinusundot sundot ang tagiliran nito...

At ang bruha namula...siya kasi ang nakasalo sa bulaklak nong ihagis ito ni jane kanina...

Nag taka nga ako kasi sa akin malapit yon pero siya parin ang nakasalo...


Mukhang sila nga ni tj ang susunod na ikakasal...


Haist okay lang ako nalang ang papahuli total d naman kami nag mamadali ni baby Aaron ko.. E...


Bigla kaming napalingon ng may biglang tumikhim. .pag angat nng mukha naming tatlo ...yyong dalawa na naman ang nakita .. Namin..

            "Yong totoo???nag papaligsahan ba kayong dalawa at lagi nalang kayo nag sasabay kanina pa sa simbahan napapansin ko na yan--0uch ".  Kamot ko sa tagiliran kong mahinang kinurot ni JANE...


             "NAgkataon lang siguro"sagot ni Jake...

           "Oo nga ... Tatanongin ko lang sana si krystine kong ano yong gusto niyang kainin ako na kukuha para sa kanya...mahinahong wika ni TJ...


INFAIRNESS din naman sa isang ito lakas mag pakilig kahit na may amnesia...


Tingin ko nga nag iinarte lang din to kunyari d makaalala e ...


Daig pa ang bodyguard maka bantay kay krystine...sabagay bodyguard nga naman siya ni tin tin dati...


Hinanap naman ng mata ko ang aaron ko nakita ko kumukuha na ng pagkain para sa aming dalawa...

           "Excuse me lang guys hibiramin ko muna tong wife ko ipapakilala ko lang sa mga ka trabaho ko..."

Hindi Manlang namin napansin ang paglapit sa amin ni LEANDRO..

              "EXCUSE lang muna mga sissy...jake tj"

Paalam ni jane na tinanguan lang naming apat...

            "Salamat nalang pero kaya ko na ako nalang ang kukuha ng pagkain ko...."narinig kong sabi ni krystine...



Wala namang nagawa ang dalawa kundi sundan ng tingin ang papalayong kaibigan namin....




              TJ'S POV...


           "Pare pwd bang mag tanong boyfriend kaba ni krystine"???


Napalingon ako sa nagsalita ...

Nag paalam ako kanina na mag Cr sinundan pala ako ni Jake...

             "Hindi KO alam ang isasagot jan sa tanong mo pero isa lang ang alam ko malaki ang papel ko sa buhay ni krystine...kaya kahit hindi ako makaalala alam kong mahalaga ako sa kanya at mahalaga din siya sa akin...


            "Walang nabanggit o na kwento sa akin si krystine tungkol saiyo kaya nagtaka ako bigla ka nalang dumating...matagal ko ng nililigawan si krystine pero ang sabi niya kaibigan lang muna ang pweede niyang maibigay sa akin..siguro nga dahil may hinihintay siya at ikaw nga siguro yon....


Tiningnan ko lang siya...mukha namang hindi siya makikipag basagan ng mukha...sa akin ...seryoso lang itong nakatingin sa akin...

              "Kung wala kanang sasabihin pare mauuna na ako saiyo..


Sabi ko pero hindi paman ako lumalayo...narinig ko ulit siyang nag salita...

               "Kahit nararamdaman kong ikaw ang gusto niya ipapaalam ko lang saiyo na hindi ako mawawala sa tabi niya mananatili parin akong andito para sa kanya kahit bilang kaibigan lang.... Pero isa lang ang huwag na huwag mong gagawin...ang saktan at paiyakin siya dahil pag ginawa mo yon... Kahit ikaw ang mahal at piliin niya mapipilitan akong agawin siya saiyo...,,


Hinarap ko siya at tinitigan ...

Ilang oras kaming nag sukatan ng tingin..

Seryoso ito sa sinabi niya pero seryoso din ako...

Saka ko siya nginitian.

          "Huwag kang mag alala pare hindi man makaalala ang isip ko alam kong hindi siya nakakalimutan ng puso ko..Hindi ako mapanakit na klase ng tao kaya makakaasa kang hinding hindi iiyak si krystine sa akin....


Seryosong sagot ko sa kanya..

            "Wala tayong magiging problema kong ganoon...


Napatingin ako sa mga palad niyang nilahad niya...

Hindi ako nag atubiling makipag shakehands sa kanya....tanda yon ng kasunduan naming dalawa ...


At siguro tanda narin na nag paparaya siya sa akin....


Bilib ako sa kanya...

Naniniwala akong mahal din niya si krystine...at bilib ako sa klase ng pag mamahal na binibigay niya handa siyang magparaya para sa taong mahal...niya..


Doon yata kami hindi mag kakapareho kasi ako handa akong makipagpatayan para sa mahal ko...

Pwera nalang siguro kong hindi ako ang mahal niya siguro mag paparaya rin ako...


Kaso alam kong mahalaga rin ako kay krystine nararamdaman ko iyon...





            

BodyGuard(mYbfismybodyguard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon