(CHAPTER 53)PANGANIB

103 5 0
                                    

                   KRYSTINE'S POV


ILANG araw narin ang lumipas buhat ng mabaril si kuya tito jude ..


Doble ingat na ngayon ang pamilya namin lalot may mga tao na naman na gumugulo sa amin...


Imposible kasi na si damian iyon pinuntahan kasi ito nila daddy sa mental hospital sinabi nilang mas lalo lumalala ang condisyon nito..


Hindi na ako basta basta lumalabas dito sa bahay ng walang kasama kaya laging nasa tabi ko si troy ..

Tiwala naman sila dad at kuya sa kanya lalo at alam nilang boyfriend ko na ito...


Ngayong araw lang nga yata kami hindi mag kikita dahil busy siya ngayon kasama ang papa niya may business trip sila sa tagaytay at mamaya pang gabi ang uwi nila...


Linibang ko ang sarili ko dito sa bahay
May pinuntahan kasi si daddy kasama si kuya kirby at kevin..

Malamang nag hahanap na sila ng paraan paano matutunton ung mga taong bumaril kay kuya...

Dinagdagan na rin ni dad ang security dito sa bahay ..para masiguro na walang makakapasok na masamang loob dito..




               

             DINDO DE SILVA'S HOME



              "Ngayon na ang tamang oras para kunin natin ang isa sa mga kahinaan ng mga samañiego"wika ni dindo sa harap ng mga tauhan nito...

              
                "Hindi ba pweedeng isa nalang sa dalawang anak na lalaki ni don Alberto ang kunin natin uncle "
Ani Jake sa puntong iyon ay mas lalong naningkit ang mga mata ni Dindo dahil sa sinabi ng binata...

                "Huwag mong sabihin sa akin na nagiging marupok ka narin na gaya ng kuya at papa mo"???hindi ganyan ang una mong reaksiyon noong plinano natin ang lahat ng ito..bakit parang nag iba ang ihip ng hangin...tinamaan kana rin ba sa babaeng yon"???

Napatingin lang sa binata ang mga tauhan ni dindo...iniintay ng mga ito ang magiging reaksiyon niya..

                "Hindi naman sa ganoon uncle kaya lang isa lang siyang babae at mahina...anong laban niya sa atin"


Pagak na tawa ang pinakawalan nito saka marahang lumapit sa binata at tinapik tapik ang braso nito...

                  "Hindi kaba nag iisip...kapag ang unica iha ni alberto ang kinuha natin lahat sila ay mag kakandarapang hanapin ito at kapag nang yari yon sabay sabay ko silang ibabaon lupa".  Mariing sabi nito saka ngumisi ...       "Kaya ikaw huwag na huwag kang mag kakamaling traydorin kami dahil alam mo kong paano akong magalit""


Hinawakan nito sa nag kabilang kwelyo ng damit ang binata...


Ni hindi manlang ito natinag sa ginawa ni Dindo..


               "Hindi ako sisira sa napag usapan natin uncle"Mariing sabi nito...


               "Nag kakaintindihan na tayo kong ganoon"sagot nito saka binitiwan ang binata...

              "kailan mo balak ipadukot si krystine"??tanong ni jake...

              "Boss sa palagay ko ito na ang tamang panahon dahil sa pag kaka alam ko wala itong kasama sa bahay nila dahil wala ang ama at mga kapatid nito...ang nobyo naman nito ay nasa isang business trip"


Sagot ng isa sa mga tauhan ni dindo...

May mga tauhan silang inutusan para mag manman sa mga samañiego kaya alam nila ang nangyayari sa mga ito..

             "Kong ganoon ihanda mo ang mga tao mo...gusto kong dalhin niyo  sa akin ang babaeng yon..


                "Opo boss"

                "Sasama ako sainyo...may kukunin lang ako sandali sa bahay babalik din agad ako.."paalam ni jake sa mg ito. .

                "Siguradohin mo lang na babalik ka dito bago gumabi ....patunayan mo sa aking hindi ka pinanghihinaan ng loob ng dahil jan sa kabaliwan mo....


                "Hindi pa ako sumira sa pangako saiyo uncle darating ako bago lumubog ang araw""


Pagtapos nitong mag paalam dali dali itong umalis pero lingid sa kaalaman ng binata ang binabalak ng tiyohin nito...

                 "Thomas" tawag nito sa isa nitong tauhan..

                 "Bakit boss"

                "wala akong tiwala sa pamangkin kong iyon...sundan mo siya at huwag mong hayaang makalayo siya sa paningin mo . sigurado akong siya ang magiging dahilan ng pag kasira ng plano natin ..kapag may ginawa siyang taliwas sa plano natin tawagan mo ako kaagad ...ako ang bahalang mag parusa sa mga taong gustong sumira sa plano ko...


Seryosong pahayag nito habang nakatingin sa papalayong si JAKE..


Tumango naman ito saka mabilis na nag lakad para sundan ang binata..



                     JAKE'S POV

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko palayo sa bahay ni uncle ...


Napahampas pa ako sa manibela ko dahil sa matinding pangamba...


Hindi KO akalaing magiging ganito kabilis lahat ng plano ni uncle ..

Ngayong araw na ito nila balak kidnapin si krystine para gawing pain sa mga samañiego at kay Tj...



Naglalaro parin sa isip ko



Kong ano ba ang dapat kong ..gawin
.

Nangako ako sa puntod ni kuya DAVID na ipag hihiganti ko siya..


Pero paano ko gagawin yon kong ang babaeng natutunan ko ng MAHALIN pa mismo ang Balak naming kidnapin...




Kaya ko bang gawin sa kanya yon para lang matupad ang pangako ko sa kuya ko...??


Kapag nalaman ni krystine na isa akong DE SILVA kamumuhian niya ako at siguradong hinding hindi na niya ako kakausapin kahit kailan..



Tinatahak ko na ang daan papuntang bahay pero biglang nagbago ang isip ko kinabig ko muli ang manibela ng kotse ko...

             "Antayin mo ako krystine..hindi ako papayag na makuha ka ng mga tauhan ni uncle dindo...
Wala akong pakialam kong kamuhian mo ako habang buhay kapag nalaman mong isa akong de silva ang mahalaga sa akin ngayon ang kaligtasan mo...

Sabi ko...saka tinahak muli ang daan patungo sa bahay ng mga SAMAÑIEGO...

          

BodyGuard(mYbfismybodyguard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon