Chapter 2 : Minister of Justice

7 1 0
                                    

Minsan talaga nakakatakot pumunta sa kulungan madilim kasi. Pero buti nalang at nandito ang mga kawal Kong kapre...Oo, Sila nga, Gustong mag-asawa, napakatangkad at Hindi Sila ganoon kapangit, mabaho lang Sila.

"Nasaan na ang mga bagong salta?" Bungad ko sa kanila

Yumuko Sila bilang respeto at sabay sabing

"Nasa baba po, kamahalan" sabay bugaw ng mabahong hininga
*bleehhh* amabaho DX

"Sige" sabay pasimple kong tinakpan ang ilong

Naglakad akong muli...at bumaba nanaman sa hagdan at sa wakas nakita ko rin sila. Ang mga taksil sa aking kaharian.

"Kamusta mga taksil, ayos ba kulungan niyo? Matibay ba pagkakagawa ng mga bakal?" Pang-aasar ko

"Walang hiya ka!!!! Hindi ka na naawa sa amin! Ang hinihiling ko lamang ay mabawi ko ang pera sa sugal!" Sigaw naman ng lalaki, BAWÀL NGA PERA DIBA?

"Hindi ka mamatay-matay, halimaw ka! Nang dahil sayo namatay ang asawa ko isinugod niyo siya sa gerang Hindi naman mananalo, hiniling ko lang naman na ibalik mo siya ng buhay"

"Hindi ko na makikita ang anak ko! Mabubulok nako dito!!" Iyak naman ng babae

Napasimangot ako, anong drama to? Nagsisinungaling parin hanggang kamatayan? Iba na talaga ang mga tao dito

"Ai...ganun ba? Sensya na, sige laya na kayo"

Napalingon ang mga ito ng marinig nila na bumukas ang mga lock ng selda. Agad silang nagsitayuan at lumapit sa bukas na gate. Nang makalabas sila. Agad nilang inambahan ako at sa Hindi ko namalayang galaw may nag-gilit sa Leeg ko at pinagtatadyakan ako sa mukha hanggang paa. Paulit-ulit akong sinaksak sa tagiliran at mukha ko lalo na sa may bandang puso

"Buti nga sayo, naniwala ka samin, mangmang ka!" Sabay tawa nila

"Paano tayo makakatakas? Maraming bantay sa itaas!"

"Tutulungan tayo ng mga taga-Oylipus (supilyo XD) siguradong malaki ang ibibigay nilang gantimpala sa atin kapag nalaman nilang tayo ang gumawa nito!!!" Sabay tawa ng malakas at pinulot nila ang katawan ko...

Ako ang Reyna! Ako masusunod!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon