Chapter 1

13 0 0
                                    

Leia's POV

June 2010.

Inayos ko ang school uniform ko pagkababa ko ng sasakyan namin, medyo kasi akong nasisikipan. I'm pretty sure I gained some weight nanaman, lalo na't puro kain lang ang inatupag ko nung nasa Chicago kami for summer vacay.

2 months ago, bago kami pumalipad pa-America, pinatahian na ako ni mommy ng high school uniform ko. Kaya heto, ang sikip tuloy. Patuloy ko pa ding inilalayo ang tela ng uniform sa katawan. At kakauwi lang namin nung isang araw kaya we really had no time para ipaluwagan.

"I'll wait for you later, anak ha. Ingat ka! Enjoy tour first day!" ani ni daddy bago ko isara ang pintuan ng sasakyan namin.

Maaga ako sa school. May bawat pwesto ang mga grupo-grupong magkakaibigan. Naglakad ako patungo sa usual spot naming magkakaibigan at nakitang walang tao doon. Sa may extension lang ng canteen yun, kitang kita ang buong court at harap ng lobby sa pwesto na yun. As usual, ako ang early bird. Maingay ang mga lalaking malapit sa inuupuan ko. Nilabas ko ang Blackberry phone ko. 100+ unread messages. Tinignan ko isa-isa, puro GM lang naman. Pero yung isa kong best friend na si Vivianne ang may pinakamaraming GM. Nireplyan ko yung isang message niya para libangin ang sarili ko.

Ako:

Oi V!.. Nh4sAN kH4 n?? D2 n Aq x xt3ns!0n....

Mabilis kong type. Medyo maingay pa nga yung pagkakatype ko eh. Pero compared sa Nokia ko noon, mas okay naman ito. Bago lang kasi itong Blackberry ko, bili sa akin nina mommy SA Manila. Mabuti at I already got the hang out of it. Hehe.

Ms.MhatarayV:

W8 lh2n6s !! Da2nan nm!N cna Kuya Kaleb & Loglog... sb4y dH4w cl4ihh.. BV!!! -__-

Ako:

|< !!! D4r3t5o k d2 haH!!...

Hindi ko pa nasesend ang reply ko kay V, nakareceive nanaman ako ng GM sa kanya.

--------

Ms.MhatarayV:

Gh00d mH0rn!n6 p33psxz!

OTW 2 skul! Mh4y h!n!h!nt4y lh4ngzs n m6a 3ng0T!! ZZZZZzzzz

@ Cuzzin Kaleb, @ bhosxz Loglog :: tg4l nio!!! d2 n km! x lb4s!!! -__-

@ gummybeark0h_4m4L!4_08: s0ri naka2log aq kagbi T__T

~!GM!~

#HighSchoolModeON #puyat #eXXXCITED!!! :'>

--------

Oo nga pala, ngayon ko lang din naalala na di pa ako nakakapg-GM! Sinapo ko ang ulo ko at nagsimula ng mag-type ng sarili kong GM.

------

Ako:

GuD MH0rn!n6!!!!!...

L8 n nkp6txT.... XD

D2 n p0H x skUl!! k!ta k!tz!!!.... XD

H4nap Ln6 kaUzh4P! TxT m3!!... (^_^)7

@ Ms.MhatarayV , ::: mizz k0H n ik4W!!! (T_T)

.....gm.... #18

-------

Nangiti-ngiti pa ako habang chinecheck ang mga pagsesendan ko ng GM ko. May group naman akong nagawa sa contacts ko para madali kong masend sa 60 na katao ang GM ko. Wala pang isang minuto nung masend ko ang GM ko, may nagreply agad.

Bhesxt.pog!:

0i.... pasalubong ko ha... >.<

Ako:

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life As LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon