"Evette, anak.. Good morning." Marahang akong hinalikan at ginigising ni mama.Ayoko pa gumising. ansarap ng tulog ko at malamig kaya mas lalo kong tinakpan ang sarili ko ng comforter.
"Nak, Happy birthday! Gising na ba ang princess namin". Ramdam kong pag-upo ni papa sa tabi ng kama ko.
Ay! Oo nga pala. Miyerkules na ngayon. BIRTHDAY KO NA!
Agad kong tinanggal ang comforter at naramdaman ko ang ginaw ng hanggin. kahit pupungas pungas pa ang aking mata at agad kong nginitian sina mama at papa at hinalikan ang pisngi nila.
"Good morning mama! Good morning papa! Oo nga pla birthday ko hehe."
"Maligo ka na at magtoothbrush nak, amoy panis pa ang laway mo e."Birong sabi ni papa papatayo sa aking kama. bihis na bihis siya at kagaya ni papa ay nakapustura din si mama.
"Wag kang makinig jan sa papa mo. Cute ka pa rin kahit bagong gising anak. pero maligo ka na at mag almusal sa baba, pupunta tayo sa favorite place mo to celebrate your 9th birthday."pagbawi ni mama habang pisil pisil ang pisngi ko.
"Talaga po mama? papa? Aalis tayo? YAY!"halos patayo ako sa kama at maglulundag sa tuwa. Agad naman akong binuhat ni papa at ibinaba sa kama.
"Our princess is growing na talaga, bumibigat ka na din hahaha" Agad kong binelatan si papa pero binawian nya ako ng halik sa pisngi.
"I love you nak." Abot tengang ngiti ni papa na sinabi sa akin. habang si mama ay ngiting nakaupo sa kama at inaayos ang mga stuff toys at unan ko.
"I love you too papa. I love you too mama" hinalikan ko uli sa pisngi si papa dahil alam kong gustong gusto nya kapag naglalambing ako sa kanya.
"I love you too my baby"sagot naman ni mama.tumayo na si mama at hawak bisig nyang ginabay si papa para lumabas ng kwarto.
Happy birthday 9th Mari Evette. Sabi ko sa isip ko. Sana maging happy ang panibangong taon na ito kasama si mama at si papa. sana bilhan nila ako ng bagong toys kagaya ng manika ng kaklase ko.
--------------------------------------------------------------------------------------------
"SH*T!". marahas kong pagkabanggit pagkabangon ko sa higaan ko.
Tinignan ko ang orasan sa desk na nasa tabi ng kama ko.Tang'na '7:48' na. malalate na naman ako sa klase ko.
Napahilamos na lang ako ng mukha sa inis at bumangon agad sa kama. Mabilisan akong pumuntang CR at tinignan ang sarili.
Tang'nang itsura yan Mari!? Umiiyak ka ng dahil sa panaginip? Bullsh*t!
Agad kong pinunas ang bakas ng luha sa aking mukha at naligo.
Kung bakit sa lahat ba naman ng oras ngayon ko pa napaginipan yoon.Si Papa.
Si Mama....
Tsk! mahuhuli na talaga ako neto! panay tunga-nga ko na naman.
Nang matapos akong magayos at makuha ang bag ko sa study table. Simpleng Tshirt at maong pants at jacket okay na ako kaya mabilisan lang akong makababa . balak ko ng i-skip ang breakfast pero nadaanan ko si Tia Cecil na nasa sala at nagpupunas ng alikabok sa mga plurera.
Hindi ko talaga siya tiyahin o kamag-anak. kasambahay namin siya dito sa bahay pero halos sya nadin ang nagpalaki sa akin at nag-aruga. Thankful ako sa kanya although minsan talaga nakakainis kasi grabe nya ako pagalitan."Ms. Mari, gising ka na pala. Naku, anong oras na hindi ka pa nagaagahang bata ka. teka, at kukuha kita ng agahan sa kusina" paika-ikang aakmang papuntang kusina ng pigilan ko siya.
"Wag na tia Cecil, malalate na ako sa daan na lang ako dedeskarte ng makakain" Agad kong kinuha ang susi sa tukador sa likod ni tia cecil at kinuha ang helmet sa tabi neto.
"Kaw talagang bata ka lagi kang ganyan, oh sya magiingat ka sa daan a." nakasimangot na si tia cecil nako pag di pa ako umalis malamang talaga mahabang sermon pa ang sasabihin nito.Nang pinastart ko na ang motor ko at agad kong sinuot ang helmet ko ay sabay naman ang dating ng isang puting Hiace na van sa tapat ng bahay.
Holy Sh*t, not now! Naiinis kong sambit sa aking isipan.
Sa pagbukas ng pinto ay inulwa nito ang isang babaeng naka itim na dress at naka sumbrero. halata sa pustura nyang nagsusumigaw ng karangyaan. Tinanggal nito ang suot na shades at tinitigaan ako ng mariin.
"Hello, my dear niece. alam mo na man na kung anong araw ngayon. DON'T. BE. LATE. ayokong pinaghihintay ako." binigyan nya ng diin ang huling salita nya at taas baba nya akong tinignan bago sinuot uli ang shades nya.
Tang'na neto. andito na naman ang demonyita kong tita (oo, siya ang totoo kong tita). Naka Shades e ang kulimlim. trip ne'to? at mukhang bagong botox na naman ang mga pisngi nya.
"Good morning din tita Sylvia. Sige po aalis na po ako" sumakay na ako sa motor at akmang paalis nang hinigit uli ng tita ko ang manggas ng jacket ko.
"You better be there! Wag mo kong ipapahiya uli kagaya noon" Nginiwian ko lamang siya dahil alam kong di nya makikita ang mukha ko sa tinted kong helmet. Agad din niyang pinunasan ang daliring pinanghigit nya sa jacket ko.
Nang wala na syang idudugtong pa ay walang paalam na akong umalis at pinatakbo ang motor.Nagpaalam naman ako kanina a. So, bahala na siya.
HAPPY F*CKIN' BIRTHDAY TO YOU MARI EVETTE!
and I miss you so much papa at mama. Oo, ngayon ang kaarawan ko at gayun din ang death anniversary ng parents ko.Mas lalo kong pinaharurot ang aking motor hanggang malunod sa ingay at matuyo ang luha ko sa tulin nito.nilunod ko ang nakakainis kong nararamdaman sa silinyador at madaling tinahak ang kalsada.
############################################################
############################################################
![](https://img.wattpad.com/cover/229149505-288-k41026.jpg)
BINABASA MO ANG
I've finally found you
RomanceAko nga pala si Mira Evette "Mira"Ruiz. Anak ng yumaong sina Eyres at Nigel Lazarte na nagmamay-ari ng isang malaking companya sa bansa. Sabi nila maldita ako, pariwara at bastardang anak. Wala akong pake sasabihin nila. Basta gagawin ko ang tingin...