ALESSIA MOIRA DECADEO
timeline :1998
Nakakadiri talaga siya kahit na kailan?! Yikes, eww. He's licking his hand?! So disgusting.
Kasalukuyan kaming nasa park, kumakain ng dirty ice cream nakakainis talaga ang init talaga sa Philippines! Omo, my porselana skin.
GUSTO KO NA MAGDALAGA?!
I want to wear a daring dress, bakit kasi pinagbabawalan ako nila Nanay?! Napatingin ako sa mga kaibigan kong babae, they're actually wearing a sunday dress, sobra haba just like mine.
"Sia! Are you with us?" tanong ni Aldea, kaibigan ko at napairap ako. Nakain siya ng buko pandan ice cream habang nagsasalita.
"Taph that, nakain ka girl." ani ko at nang mapalingon ako sa tunog ng ice cream.. "What the.. Pang ilan na 'yan ni Callan?" nakakadiri ang dungis niya. Yung chocolate ice cream tumulo sa damit niya.
"Bakit? Omg, ang cute talaga ni Cal! Probably 3 ice cream?" sagot sa akin ni Tina. Itong si Tina may gusto ata 'to kay Cal.
Ang dugyot kaya!
"Parating dito si Callan!" hiyaw ni Tina at nagtago sa likod ko. Ang OA naman nito. May hawak na ice cream si Callan at.. at ang dumi ng kanyang kamay. Fudge. Napapikit ako sa inis.
Habang papunta siya sa amin ay may bumangga sa kanyang lalaki. Napasigaw sila Tina at Aldea nang makita na nahulog ang ice cream kasabay ng paghulog ni Callan pero hindi ko inalintana ang bagay na iyon. Kung hindi ang parating na lalaki na matangkad at payat. I think magka edad lang kami nito, mga 13 years old pero ang tangkad niya!
"Sorry, Matulac!" sabi ng lalaki at ngumiti ulit. Nagsorry siya kay Cal! Ang bait naman niya, hindi niya siguro sinasadya. Naglalaro kasi sila ng habulan eh.
"Callan Matulac! Natulak ka ngayon! HAHAHAHAHA!" ani ng isang bata at nagtawanan ang mga nasa park pero hindi kami kabilang do'n including him.
"Pwede bang tumigil kayo!" sigaw nung lalaking matangkad na payat at tinulungan si Cal na magpagpag ng damit.
Sino ba itong lalaking ito?
Ang gwapo niya pala.. Tinitigan ko siya maigi. Maputi, matangkad, matangos ang ilong at sumasabay sa hangin ang kanyang buhok. Namumula pa ang kanyang labi at pisngi.
"Girl, kalma mo.." bulong sa akin ni Aldea at napabungisngis ako.
"Gusto ko lang siya makilala! Okay?" aniya ko. Dayo lang ba siya rito? Bakit kaya ngayon ko lang siya nakita?
Sa murang edad, I know you're the one!
"Grabe ang bait talaga ni Loise.." ani ni Tina at doon ay napatingin ako.
Loise? Loise ang pangalan niya?! Bakit ang ganda pakinggan?
"Kilala mo siya, Tina?" tanong ko at tumango naman siya.
"Bagong lipat lang doon sa kabilang street sa subdivision." aniya at umalis sa likod ko, sabay pinuntahan si Callan na ngayon ay paiyak na.
BINABASA MO ANG
Leap
General FictionNostalgic. Regrets. Woebegone. Burning Bridges A girl who whippersnifer. A girl who Beat around the Bush. A girl who LEAP in 1998. Not a typical story.