"Ano ba naman yan, Karolina!! 1am na ng madaling-araw!! Matulog ka na kung ayaw mo na ibato ko 'yang cellphone mo!!"
Hay nako! Kaloka naman 'to si Mama!! Duh, sinanay-sanay niya 'ko matulog nang madaling-araw ta's magagalit siya sakin.
"Saglit na lang 'to, Ma"
Lumabas na siya ng kwarto at natulog ulit.
HIHI kala niya matutulog na 'ko??? No way!! Hindi pa nga ako inaantok, e.
Makapag-Facebook na nga lang muna.
Tamang tambay lang ako sa isang meme page ngayon. Haha! Ewan ko ba, naadik na ko sa mga memes. Nakakatawa kasi yung iba, hehe.
*Scroll*Scroll*Scroll*
*Phone notifs*
Aba!! May nag-chat. Hmm, kataka-taka kasi ganitong oras?? May magcha-chat? Seryoso??
FB user: Hi po, Ate Maureena.
Wow ah!! Ate??? Close ba tayo??
Chleovin Marckoz Jereguez
In-stalk ko muna yung account nung nag-message. Mahirap na baka mamaya scammer 'to.
Hmm, walang pictures ng tao?? Pa-anonymous si kuya ah!! E, pano ba naman kasi!! Puro picture ng aso ang nasa photos niya, aso ba siya???
'Di naman siya rp'er kasi yung mga nasa friend list niya ay normal na tao lang at may picture!! 'Di kagaya nito, puro aso. Siguro mukhang aso 'to sa personal. Char!
Isa pa, wala siyang mutual friends sa akin. Pa'no ko ba naging friend sa FB 'to???
Hay, who the hell is this ba kasi??? Ay LOL, bahala ka diyan 'di naman kita kilala.
So, I've decided to turn my phone off.
Makapag-overthink nga muna, charot. Mamaya pa.
Tumayo muna ako at nanalamin. Hays! Bakit ba kasi ang itim ko? Ta's yung tiyan ko pa'y mataba. Nakakalungkot huhu.
Minsan nakakainggit din 'tong mga kakilala ko, e. May mga BF at GF, magagandang katawan at matatalino pa!! Hays, siguro panget lang talaga ako kaya ganito.
Pero sis, 'wag ka!! Maganda raw ako sabi ng nanay ko.
Hay nako!! Tama na kaiisip ng ganito, matutulog na 'ko.
Humiga na ako at pumikit.
---
*Phone notifs*
Grr!! Sino ba 'tong talipandas na 'to??? Patulog na 'ko, e!!
'Pag ito talaga walang kakwenta-kwenta yung chat! Block ko talaga 'to!!
Chleovin Marckoz Jereguez sent you a message
:Hellooo! Reply naman diyan, gising ka pa, e. Yan oh, online pa.
Anak ng!!! Ano ba kailangan nito???
Nag-reply na ako para manahimik na 'tong pa-anonymous na 'to!!
Me: Hello. Ano PO kailangan mo?
Chleovin: Ay wow, capslock yung 'po' HAHA bata pa ako huy. Gusto lang PO kitang makausap.
Ay wow, feeling close?
Me: Sorry ah? Pwedeng bukas nalang? Inaantok na PO ako.
Chleovin: Eh bakit kasi ganitong oras gising ka pa? Masama 'yan sayo, Ate Ganda.
Paki ba nito??? Sarap attitude-an, e. Charot.
Kala mo talaga nakita na ako in person, e.
Me: Teka nga! Ano ba talagang pakay mo?

BINABASA MO ANG
Miles Away From U
Non-FictionSino ba ang maniniwala sa internet love?? Walang ganoon! Ako'y isang babae na naniniwala sa 'WALANG NABUBUONG LOVE THROUGH SOCIAL MEDIA' pero nagbago lahat nang makilala ko siya. Hindi naman pala masamang umasa lalo na kung mukhang may pag-asa. Posi...