G.B: Osaka, Kitahama

21 0 0
                                    

THIRD PERSON: Ilang buwan na ang nakakalipas, hindi pa rin nagpaparamdam si Phoebe kay Kurt.

Si Kurt naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Siya'y nagdadalawang isip na kung pupuntahan ba niya si Phoebe sa Japan, pero hindi naman niya alam kung saan talaga nakatira si Phoebe sa Japan. Nagtanong na lang si Kurt sa mga magulang ni Phoebe kung saan sa Japan.

"Osaka, Kitahama." ang sagot ng mga magulang ni Phoebe. Madaling araw 'nung nagtanong siya. Kaya 'nung malaman niya kung saan, iniayos niya lahat ng gamit niya sa loob ng bag. Nilock niya ang pinto ng bahay at saka siya sumakay ng taxi na papunta sa Airport.

Hindi alam ng mga magulang ni Phoebe na pupuntahan ni Kurt si Phoebe sa Osaka, Kitahama.

Nasa Airport na si Kurt at naghihintay na lang siyang matawag ang pangalan niya para makasakay na ng eroplano.

Tinawag na ang kanyang pangalan at saka na siya sumakay ng eroplano.

Nailagay na niya ang bag niya sa taas, umupo na siya at nagseatbelt. Tumingin siya sa bintana at iniisip si Phoebe. Iniisip niya kung kamusta na si Phoebe ngayon, dahil ilang buwan ng hindi nagpaparamdam kay Kurt. Nag-aalala na si Kurt sa kanya, kahit sa text hindi nagrereply si Phoebe.

AFTER (3 HOURS AND 50 MINUTES)

Lumapag na ang eroplano, sumakto sa paggising ni Kurt. Kinuha naman niya 'yung bag niya sa taas at bumaba na ng eroplano.

Tinignan naman niya sa relo kung anong oras na. 9:51 am na. 'Nung nagising siya ay 6:00am at nagtravel ang eroplano ng 3hours and 50minutes.

Marunong naman siyang magsalita ng Japanese kaya hindi na siya mahihirapang makipag-usap sa mga tao.

Sumakay na siya ng taxi papunta sa Osaka City Office para tanungin kung saan 'yung Kitahima.

Bumalik ulit siya dahil, nalagpasan na niya ang Kitahima. Mag-aalasdos na, kaya naman kumain na muna siya bago niya hanapin ang Kitahima Street.

Pagkatapos niyang kumain, nagpatuloy na ulit siyang maghanap. Nasa loob na siya ng iskinita nang may humarang sa kanyang limang lalaki na nakablack coat at nakashades na black din.

"Anata wa watashiniha nani ga hitsuyodesu ka?" (Ano ang kailangan ninyo sa akin?) Kurt.

"Anata wa watashitachi ni okane o ataeru hitsuyo ga arimasu." (Kailangan mong ibigay ang pera mo sa amin.) Boy1.

"Anatahadare?" (Sino ba kayo?) Kurt.

Nakapalibot na sa kanya ang limang at siya'y nasa gitna na.

"Anata ga ataeru shitakunai baai wa, watashitachi wa anata to keikaku shite ikamasu." (Kapag ayaw mong ibigay, itutuloy namin ang plano namin sa iyo.) Boy2.

"Naze anata yubi o setsudan shimashita ka?" (Bakit putol ang isang daliri ninyo?) Kurt.

Hindi kilala ni Kurt ang mga taong nakapalibot sa kanya. Ang mga taong iyon ay miyembro ng YAKUSA. Ang YAKUSA ay isang FRATERNITY sa JAPAN. Kapag may nakita kang tao na putol ang isang daliri, siya ay isang miyembro ng YAKUSA.

Ang YAKUSA ay hindi mo matatakasan dahil marami sila sa mundo. Kapag ang YAKUSA ang nakaharap mo, for sure, wala kana sa inaapakan mo.

Kung matapang ka at sa tingin mo kaya mong harapin ang mga YAKUSA, sige na lang. Ipaglaban mo ang sarili mo sa kanila, wag mong asahan na mapapatay mo silang lahat.

"Watashi ni sore o ataemasu." (Ibigay mo na.) Boy3.

"Ie! Arimasen!" (Hindi! Ayoko!) Kurt.

Tumakbo si Kurt ng mabilis para makalayo sa limang lalaki. Pero may biglang tumalon na galing sa taas na isang lalaki upang harangan siya. Ang lalaki ay may hawak na baseball bat.

Girlfriend BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon