G.B: PANAGINIP LANG PALA

26 0 0
                                    

"Misu, me o samashi.."(Miss, gising.)

Napamulat naman ako ng mata ko at nakita ko 'yung Doctor.

"Doshite na teru no?"(Bakit ka umiiyak?)

Hinimas ko naman 'yung mata ko. Oo nga, may luha. Dahil siguro 'yun sa panaginip ko?

"Ie, Im not crying."(Ie-No)

"Kuruto, moshimoshi?"(Kamusta na si Kurt?)

"Kare wa junbi ga dekite ita."(Siya ay ayos na.)

"Can I see him?"

Tumungo na lang 'yung doctor sa akin at pinapasok na niya ako sa room ni Kurt.

Nilapitan ko agad si Kurt, naluluha ako nang makita ko siyang may benda sa ulo at nakapikit ang mata.

Umalis na 'yung doctor at sinara 'yung pinto.

Masakit pa rin talaga sa akin 'yung nakikita ko siyang nahihirapan.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya habang siyang nakapikit at nagpapahinga.

"Kurt, sorry. Sorry dahil hindi kita agad inintindi. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nangyari."

Naiiyak na naman ako. "Kurt, naririto ako upang patawarin ka. Sana mapatawad mo din ako. Ako, ang may kasalanan nito kaya ka nagkaganito. Tanggap ko naman kung hindi mo ako mapapatawad. Sorry, Kurt."

Inihiga ko naman ang ulo ko sa kamay niya at ipinagdadasal ko na sana maging maayos na ang lahat. Ayokong maulit ulit 'to. Mahal ko si Kurt, at wala ng iba. Si Kurt  lang din ang nagpapasaya sa akin.

FLASHBACK

Kurt: Phoebe, alam mo ba spell ng MAGANDA Ako?

Ako: Oo naman, ginawa mo naman akong tanga este bata.

Kurt: Sige nga, kung alam mo ano spell?

Ako: Maganda ako. M-A-G-A-N-D-A
A-K-O. Maganda ako.

Kurt: Hindi ka maganda! Asa ka.

Ako: Huh? K. Fine. Ang corny mo. -_-

END OF FLASHBACK

Nagising ako ng may humaplos ng buhok ko. Pagmulat ko ng mata ko, ang nakita ko ay kamay ni Kurt. Tumingin ako sa kanya pero nakapikit siya.

"Kurt, Sorry..."

Dahan-dahan niyang minulat ang mata niya at saka siya ngumiti.

Naiiyak na naman ako di dahil sa sakit. Naiiyak ako sa saya. Tears of joy.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ng mahigpit kaso bawal. "Kurt, ano ba ang nangyari sayo. Hindi ka man lang nagpaalam kila Mommy na pupunta ka dito. Baliw ka talagang lalaki ka."

Ngumiti na lang ulit siya sa akin. "I hate you! Pinag-alala mo ako sayo." Sabi ko at pinulupot ko ang dalawang braso ko at sabay talikod sa kanya.

"P-phoebe. I-ikaw kasi, akala k-ko anong n-nangyari sa'yo. K-kasi h-hindi k-ka man lang nagpapa--ramdam. K--kaya nagalala ako s-sayo, k-kaya p--pinun---"

"Psh, kaya mo ako pinuntahan. Baliw ka talaga, nasira ang wifi ko eh. Eh hindi ako naman ako makabili dito dahil ang mahal."

"I--I love you, P-phoebe.."

"Oops.. Ano ulit? I didn't here it."

"I s-said I love you."

"What? You said, you love me? Waaa! I love you too, Kurt!" Yayakapin ko sana siya pero napastop ako, dahil nga masakit ang katawan niya.

"P--phoebe. Masakit kamay ko."

"Wait, ikikiss ko. Mwah! Wala na ba?"

"Wala n-na agad. P-pero napunta sa u-ulo ko."

Kiniss ko naman ang ulo niya pero humirit ulit siya. "Masakit din 'yung labi ko eh."

"Ano?! Ano, kathniel lang? -_- Psh, just shut up or I'll hug you tight?"

"Eh m-masakit naman t-talaga eh."

"Psh, ok isa lang ah. Sasapakin ko na yung mata mo 'pag humirit ka pa." Kiniss ko siya sa lips, ahmp! Ang lambot ng labi niya. Pwede bang isa pa? Hihihi :"> Kakainis naman kasi, ang lambot ng labi niya! Ngayon ko lang ulit siya nakiss. Ok, fine. Hahahahahanapin ko pake ninyo! Hahahaha!

"Phoebe, ang soft ng lips mo. Pwede bang isa pa?"

"Nakita mo 'to? *PakitaNgFist* Lalapat 'to sa labi mo."

"Hahahaha, Im j-ust kidding."

Girlfriend BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon