1

42 6 22
                                    

Tinahak ko ang daan papuntang outdoor dining at lumabas doon hanggang sa makarating sa likod ng bahay kung saan nandoon ang pool.

Nakita kong nakatalikod si Aries sa gawi ko at may tinutulungang kasambahay sa pagbubuhat ng isang mabigat na kahon. Nang naharap siya sa direksyon ko'y agad siyang naalerto't mabilis na nilapag ang kahon kung saan ito inutos ng kasambahay na ilagay.

"May kailangan kayo, Miss?" Tanong nito sa akin pero umiling lang ako.

"Nothing. N-nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko at nilingon nalang si Garraez na nakatayo lamang malapit sa sun deck.

Napatalon ako sa gulat nang biglang sumandal si Aries sa akin na para bang nay ibubulong. "I've had breakfast before I came here, Miss. How 'bout you? Did you enjoy the breakfast I cooked for you?" Tumindig ang balahibo ko nang binulong niya sa akin 'yon.

I felt my cheeks burning. Bakit ang init? He's too close!

"I-i... enjoyed the breakfast. Thank you..." Halos pabulong kong sabi dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Memories of last night washed through me like waterfalls. Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa naming kababalaghan kahapon! Akala ko'y one night stand lang ang mangyayari. Well... 'Yon nga ang nangyari pero hindi ko naman in-expect na magkikita ulit kami? At bodyguard ko pa talaga! Totoo ba ito? O panaginip lang?

Please wake me up from this nightmare or I'll be so ashamed, I'd rather let the ground eat me!

"That's good to hear..." Bulong niya at nararamdaman kong nakangisi siya habang binubulong 'yon sa'kin.

"Sarmiento." Ang baritonong boses ni Kuya ang nagpaatras sa akin at nagpabalik sa akin sa aking huwisyo.

"Yes, sir?" Tugon ni Aries kay Kuya na nakapukol ang tingin sa akin.

Ano? Bakit? Why are you staring at me?

"Ihatid mo na si Zara pauwi. Garraez will stay here." Nakapukol parin ang tingin ni Kuya sa akin habang sinasabi 'yon.

"I hope you'll do great on your first day." Makahulugan niyang sabi bago umalis sa harap namin.

Mas lalo ko lang naramdaman ang init sa pisngi ko. Did he saw us in that position?

Tumango lamang si Aries at naunang lumakad sa akin papasok ng bahay. I stared at Garraez who only bowed at me and resumed standing under the sun.

Aries and I parted ways nang mapagdesisyunan niyang ihanda na ang sasakyan ko't ako naman ay dumiretso sa master's bedroom kung nasaan si Papa para magpaalam.

Hindi gaanong nakasara ang kwarto ni Papa at may awang ang pinto kaya dahan-dahan ko itong sinilip. Tahimik ako habang minamasdan siyang yakap ang litrato ni Mommy na nasa loob ng isang table top frame.

The sadness on his face reminds me of the day he lost my Mom. Ang sakit at puot na nasa mukha ni Papa noong araw na nawala si Mommy ay hinding hindi ko kayang malimutan.

My heart ached at the sight, mahal na mahal niya talaga ang Mommy namin...

But, it sucks to lose her in a way where we didn't expect something would happen. The shock and trauma that our Mom's death brought to us is still here with us 'til this day.

Napakalaking sugat ang iniwan samin ni Kuya Archer ng pagkamatay ni Mommy. Sa tingin ko'y hinding hindi na maaalis sa utak namin yung araw na 'yon.

Their car was ambushed right infront of our house right after my father won the elections as Mayor of the city.  Papa insisted on keeping our mansion instead of selling it and build another somewhere else. He keeps on telling us that the memories of this house are too precious for him that we should just keep it.

Chasing Memories (Forgotten #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon