CHAPTER 2

315 12 4
                                    

CHAPTER 2

SATURDAY

"Mommy? Hi! How are you mom? Pwede ba kayo bumisita sa condo ko? Parang house-warming mom. Isama nyo silang lahat dyan sa bahay.. Ha? Oo ma, si Mico lang saka sina Gail at Laureen. Make sure you'll be here by 5:30 PM okay? I love you mom! Ingat kayo papunta rito. See you. Bye, okay.. Bye mommy." She turned off her phone.

Nagpunta sya sa mall para mag-grocery, iluluto nya ang paborito ng pamilya nya pati ng mga kaibigan nya.

Gustong-gusto nila yung version niya ng Lasagna, syempre hindi mawawala ang paborito nyang Cassava Cake.

Actually, hindi naman sya Chef, nag-aral lang sya ng Culinary para mag-ready sa pagiging house-wife since engaged na nga sila ni Mico. In 2 months, ikakasal na rin sila. Lahat naka-prepare na.

Isang designer si Rina Lopez, may sarili syang boutique na mayroong 5 branches sa buong Manila doon palang kumikita na sya ng hundred thousand, karamihan ng stores nya nasa malalaking mall, pero sa condo sya nago-office dahil tahimik. Kailangan nya ng maraming idea dahil sikat na ang boutique nya, maraming nagpapagawa. Madaming ideas na pumapasok sa isip nya pag tahimik.

Katulad ngayon, naiisip nyang kailangan maging memorable ang gabing ito para sa lahat.

Kailangan hindi nila makalimutan ang house warming niya dahil first time ever ito.

Nang makuha na nya lahat ng kailangan, bumili sya ng wine at umuwi na.

15 minute drive lang naman ang condo nya from the mall, may time pa syang mag-set up.

"Girl! I feel so impressed ha? You did all these? Bongga! Ikaw na!" her friend Laureen clapped her hand. She felt contented, sinet-nya ang table with matching candle light pa at may roses sa bawat table napkin. White roses. Her favorite.

Maya-maya dumating na lahat ng bisita.

"Wow anak! Pwede ka na talaga mag-asawa! Congratulations! You did a great job." bungad sa kanya ng mommy nya. Tumingin sya sa nobyo at ngumiti ito, halatang impressed.

"Ayoko pa nga po mommy, mapilit lang itong si Mico." Nagroll eyes naman si Mico at napuno ng tawanan ang condo unit nya.

"Ay naku ate! 27 ka na no? Magpakasal ka na!! Naiinip na kami si Richard eh! Next year pa kami makakapagpakasal dahil sayo!"

"Tama! Bawal sukob! Malas!" singit naman ni Gail na bestfriend ni Rina. Nilapitan ni Rina ang boyfriend nya, hinapit naman sya nito sa bewang, sweetly, he kissed her forehead.

"Ay, dahil dyan, napapag-isipan kong sa 2014 nalang magpakasal. What do you think sweetie?"

"Ikaw naman, gusto na nga ng kapatid mo magpakasal eh. Hehehe."

"Edi mauuna na kami ni Rich ate?"

"No! Dapat mauna ako! You wait okay?" she laughed while saying.

"Anak, bakit hindi mo pa ilipat ang mga gamit mo rito? Kakaunti lang ang narito oh," pag-iibang topic ng mommy nya.

"Hindi na mom.. Baka hindi rin ako magtagal rito."

"Bakit naman?"

"K-kasi po.."

"Kasi ano?"

"Kasi palagi ko kayo nami-miss mommy, lahat kayo sa bahay.. Gusto ko may babalikan ako run, paulit-ulit."

Niyakap sya ng ina.

When I'm Gone.. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon