Tumayo ako mula sa kinauupuan ko upang kumuha ng tubig nang makaramdam ako ng biglang pagka-hilo. Tila umiikot ang paligid at nagiging blurred."Ayos ka lang, Gina?" Tanong ni Harry sa akin nang masalo niya ako bago pa ako matumba.
Dahan-dahan akong tumango, "Medyo sumasakit lang 'yung ulo ko."
Napahawak pa ako sa ulo ko saka dahan-dahan itong hinimas. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.
"Nagpa-check up ka na ba?" Tanong niya ulit.
"Hindi pa. Pero ayos lang ako. Ayos lang 'to," nginitian ko siya upang naging convincing naman ang fake drama ko ngunit naramdaman niya yata na umaarte lang ako.
"Sasamahan kita magpa-check up mamaya, sa ayaw at sa gusto mo."
Wala na rin akong nagawa nang matapos ang shift namin sa call center na pinagtatrabahuan namin. Umaga na ngayon at mabuti na lang ay may bukas na Hospital at may available na Doctor.
"How old are you?" Tanong ng Doctor sa akin. Nasa loob kami ng kanyang opisina habang naghihintay naman si Harry sa labas.
"26 po," sagot ko.
"Is your sex-life active?"
Napalunok ako dahil sa biglaang tanong niya. "H-Hindi po."
"When was the last time you had sex, Miss Lacson?"
Inalala ko ang last na nangyari sa amin ng ex ko ngunit magdadalawang taon na ang nakalipas. Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya na gano'n katagal na akong tigang na tigang.
"Do you take pills?" Muli niyang tanong.
"Hindi po."
"Are you single, Miss Lacson?"
"Opo,"
"Congratulations," aniya na ikinagulat ko. Anong 'congatulations'?
Ngumiti siya sa akin bago inilapag ang isang papel sa harap ko.
"You're seven weeks pregnant, Miss Georgina Lacson. You just successfully blutoothed a baby."