Chapter 01: Preggy

229 4 0
                                    


"Anong balita, Gina?" Bungad na tanong sa akin ni Harry nang makalabas ako sa opisina ng Doktora.

"Eat healthy foods and take a good care of yourself. Dalawang tao na ang inaalagaan mo."

Bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata ko. Una sa lahat, hindi pa ako handa para dito. Pakiramdam ko'y masyado pa akong bata para mag buntis.

Pangalawa, hindi ko alam kung sino ang ama.

"BUNTIS KA?!"

Napatingin halos lahat ng tao na napapadaan sa lobby sa aming dalawa. Bigla ba namang sumigaw si Harry na parang gulat na gulat at hindi makapaniwala. Well, sino nga ba naman ang makakapaniwala.

Maganda naman ako, 'yun ang sabi nila pati na rin ng mga construction workers. Pero hindi na ulit ako nagkaroon ng lovelife nang maghiwalay kami ng ex ko. Kaya sino nga ba naman ang makakapaniwala, 'di ba?

"Sinong tanga ang tumira sa'yo, Gina?!"

Binatukan ko si Harry dahil sa tanong niya. Nakakainsulto, ah!

"Don't get me wrong, okay. Maganda ka tsaka matalino. Kaso you're old-fashion. The way you dress up and walk, grabe manang na manang ka!" Pang-iinsulto niya pa. "May tanga na pumatol sa'yo?"

Napanguso na lamang ako dahil sa mga sinabi ni Harry. Mas lalo tuloy akong nalungkot dahil ininsulto niya pa ako.

"Sure ba 'yung Doctor? Baka naman false alarm 'yan, ha."

"Totoo nga. Binigyan niya pa ako ng pregnancy kit. Nag positive," nakakalungkot lang isipin na baka lumaki itong bata na walang ama. Kaya nagdadalawang-isip na ako.

"Pa'no mo naman sasabihin sa mama mo 'yan? Panigurado kapag nalaman niyang buntis ka, ratrat ang abot mo sa kanya. Wala pang ama, jusmiyo marimar!"

Inihatid na lamang ako ni Harry pauwi total nadadaanan naman ang apartment ko papunta sa tinitirhan niyang bahay.

"Sigurado ka ba na magiging okay ka lang?" Tanong niya pa bago umalis. Tinanguan ko na lamang siya upang masigurado at naniwala naman siya kaya napauwi ko siya ng maaga.

Halos hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyari. Wala nga akong maalala na nadiligan pala ako noong nga nagdaang taon, e. Baka naman naengkantot ako?

Pero hindi pwede! Ang tanging napuntahan ko lamang ay trabaho saka apartment at paulit-ulit. Wala naman akong maalala na nag hang out kami with friends.

Pero teka... wala ba talaga?

Ibinalewala ko na lamang ang mga naiisip ko. Paalala nga ng Doktor ay bawal akong ma-stress at masyadong magpuyat. Ngunit bawal yata iyong huli dahil nga call center agent ako.

Natulog na lamang ako upang makabawi sa mga oras ng trabaho ko. Nang magising ay kumain na agad ako, bawal pa naman daw akong magutom dahil dalawa na kaming pinapakain ko.

Habang nag-aayos muli para sa trabaho ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Maria.

"Bakit?" Bungad na tanong ko sa kanya.

Mommy DaddyWhere stories live. Discover now