Chapter 2

18 4 2
                                    

"I am, what are you doing here?" I asked.

"Pinapatawag ka ng mom mo, kakausapin ka daw." Sambit ni Tim

"Oh, okay" Sagot ko.

Sabay kaming tumayo ni Tim at naglakad papunta sa mga kaibigan namin.

"Where's mom?" I asked them kasi sila naman yung kausap ni mom kanina.

"Ah, pumunta ka daw sa office ng dad mo." Sagot ni Rey

Sinunod ko naman ito at pumunta sa office ni Dad. Nang makapasok ako ay nakita kong nandoon rin si Mommy na nakaupo at halatang ako nalang ang hinihintay.

"Bakit po?" I nervously asked.

I know dad, hindi niya ako ipapatawag dito basta-basta. Alam kong may mahalaga siyang sasabihin because he hates wasting his time and he is a straight-forward type of person kaya kung ano man ang sasabihin niya ay sobrang kabado ako.

"I want you to take architecture." He said

What? Parang ayaw mag sink-in sa utak ko.

"What? Architecture dad? Why?" Naguguluhang tanong ko.

"That is for our company Izabella , you need to do that." Seryosong sambit niya

Kilala ko si Dad, sobra pero mas sobra ata kung siya yung susundin ko sa pagkuha ng kursong gusto ko.

"Dad, i can't. Una palang alam niyo na, i want to be a lawyer." Galit na sambit ko

"Lawyer? That would be nonsense Izabella. Tapos ano? Magiging employee ka lang sa isang law firm?" Sagot ni Dad.

"But dad, 'yun ang pangarap ko at alam kong alam niyo ang dahilan kung bakit ayun yung gusto ko." Paliwanag ko pa

"Naarah Izabella, stop imprisoning yourself in the past. That's final." He said

"But-" May sasabihin pa sana ako pero nagsalita ulit si Dad habang si Mommy ay walang magawa.

"Subukan mong ipilit ang gusto mo , Izabella. Huwag na huwag mong itatapak ni isang daliri ng paa mo sa bahay na 'to kung pipilitin mo ang law na 'yan!" Ma-awtoridad at may halong galit na sambit ni Dad.

Lumabas nalang ako sa office ni Dad at pumunta sa kwarto ko upang kunin ang cellphone ko, susi at wallet ko. Nagmamadali akong umalis ng bahay at nag-chat sa mga kaibigan ko.

Naarah Izabella: Guys, hindi na tuloy ang overnight natin sa bahay. I'm really sorry, wala ako sa bahay ngayon kaya umuwi nalang kayo ng maaga. Bawi ako next time, may emergency kasi.

Mabilis na chat ko sa kanila at sumakay sa sasakyan ko. Yes, i have my own car kasi eighteen years old naman na ako. Nag drive ako papunta sa penthouse namin sa Batangas, wala naman traffic ngayon.

Habang nagda-drive ay biglang may tumawag sa akin kaya sinagot ko nalang at hindi tiningnan kung sino.

"Hey" Sambit ng nasa kabilang linya.

Boses pa lang alam ko na kung sino, it was Kai.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kanya.

"Emergency huh, then why are you driving going to batangas?" Tanong niya.

Nagulat ako sa kadahilanang alam niya kung saan ako papunta.

"Yeah, may emergency nga sa batangas na kailangan ko puntahan. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Magsinungaling ka na sa lahat 'wag lang sa akin, Iza." He said

"Fine, pano mo nalaman na pupunta akong batangas?" I asked.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon