Chapter 1

275 6 0
                                    

    She is Kimmy Chiu, born with  silver spoon in her mouth, the

Unica hija ng separated woman na si Carmelita Chiu, the major

stockholders or Chairman of the board of 'Chiu Group of Companies'. She has more

than what she wanted dahil lahat binibigay ng mommy niya but

there's one thing na kulang sa buhay niya at yun ang hindi niya

alam.

         "eh kasi naman girl wala kang lovelife, Magboyfriend kana kaya. I swear yan ang magpapaliga sayo"  Pukaw ng kaibigan niyang si Maj sa malalim niyang pag-iisip.

At diyata't nabasa nito ang nasa utak niya sa mga oras na iyon. Palibhasa Psychology kasi ang kursong kinuha nito.

          " You swear hah? how sure you are eh wala ka ngang boyfriend, paano mo naman nasabi yun?" inismiran niya nito.

          " Correction, malapit na mahfriend!" at nagbeautiful eyes pa ito na wari kinikilig.

          " What ???so sasagutin mo na talaga  yung uhmmmm... sino nga ba yun?" nakakunot niyang tanong dito.

     Tumawa ito sa reaksyon niya. " Matt mahfriend, and yes sasagutin ko na siya."

Si Matt ang kasalukuyang manliligaw nito. 

       "What? eh one month pa lang kayong nagkakilala tapos sasagutin mo na agad? ano ka ba naman mahfriend ?" hindi makapaniwalang reaksyon niya sa sinabi nito. Sabay tampal sa noo.

  " Hala, kung makapag react ka naman teh, syempre naman one month na kaming nasa 'dating stage' so i guess time na para sagutin ko na ang lalaking nagpatibok ng aking puso" madamdaming pahayag nito na humawak pa sa may dibdib.

       umismid siya dito." diba dapat na sa 'getting to know each other stage' pa kayo? eh bakit ang bilis naman mahfriend? "

        " Anong mabilis eh ang tagal na nga non mahfriend, tsaka wag ka mag-alala kilala na namin ang isa't- isa, mahal niya ako at ganun din naman ako sa kanya. Excited na nga akong sagutin siya mahfriend." patuloy na pagdrama nito ni hindi man lang pinansin ang pag ismid niya.

    "ah..basta basta nabibilisan pa rin ako mahfriend." kumukumpas niyang sabi dito.

" Naku mahfriend, dapat nga mabilisan baka masulot pa ng iba mahirap na." seryosong sabi nito sabay subo ng pagkain.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Si Majjy pa ba to? yung kaibigan niya? Yung mailap sa mga lalaki ?Well, nagbago na talaga ito simula ng gumraduate sila ng kolehiyo. Dati kasi mailap ito sa mga lalaki actually, kaya nga sila naging magkaibigan dahil pareho silang mailap sa mga boys. Hanggat sa makakaya nila hindi sila nakikihalobilo sa mga lalaki dahil naiinis sila sa mga ito. Man haters ika nga pero bakit biglang nagbago ang kaibigan niya simula ng makilala nito si Matt?naku mahfriend ! 'wag mo naman akong iwan sa ere.

        " Hoy mahfriend.! baka mahanginan ka at matuluyan sa kanganga mo. itikop mo nga yang bibig mo." sita nito sa kanya sa malakas na boses na nagpabalik sa katinuan niya.

    Dali dali siyang umayos at binalik sa normal ang sarili." kasi naman mahfriend shock ako sa sinabi mo. Hala MAJJY SAVADOR ikaw pa ba yan.? alam mo kung 'di lang talaga kita kilala sasabihin ko talagang lukaret ka." nakanguso niyang sita dito. napalinga pa siya sa paligid. Gaga talaga itong kaibigan niya sumigaw ba naman, napahiya tuloy siya. 

    Nasa isang sikat na restaurant sila sa makati ng mga oras na iyon, nagyaya kasi itong kaibigan niyang lumabas at magdinner. Matagal tagal na din yung last date nila ng bestfriend niya dahil sobrang busy ito sa trabaho at siguro sa pagkilala sa Matt na yun. Kaya pumayag na siya dahil namiss niya din ito. Nagshopping sila  bago nagpasyang kumain sa restuarant na kinaroroonan nila.

Woman haters meet Man hatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon