2

3 0 0
                                    

hindi naman ako naniniwala sa love at first sight e.

kase nakakatanga yon.

pano mo mamahalin ang isang taong hindi mo pa kilala?

paguwi ko sa bahay bumungad sakin ang nanay ko at ang kapatid ko na nagtatalo, nakita ko sa pagmumukha ni Jp ang pasa sa gilid ng labi niya.

"O anjan na pala ang ate mong magaling!"

napatingin naman ako kay mama pagkatapos niyang sabihin yon, ano na naman ba ang ginawa ko? "bakit mo pinayagang gumala tong kapatid mo? pinayagan ba kitang iwan to si Jp?"

Wow mali ko na naman.

sabagay naiintindihan ko naman yung nanay ko e kase ako nabuhay lang ako dahil sa konsensya habang si Jp nabuhay dahil sa pagmamahal.

hindi ko totoong kapatid si Jp walang ampon samin pero kung ituring ako daig ko pa ang nadampot sa kalye. sabi ng lola ko nung nabubuhay pa siya ni minsan daw hindi ko nakatabi matulog si mama kase ayaw niya akong makatabi

ang tatay ko isang amerikano na sundalo na namatay sa digmaan sobrang nasaktan kase ang nanay ko nung namatay siya kaya naman ganun ang trato niya sakin hindi ko na rin maintindihan ang nangyayari samin ni mama pero hindi ba dapat mas lalo pa niya akong mahalin dahil ako nalang ang naiiwang alaala nang una niyang minahal?

pero mukhang kabaliktaran.

si Jp naman anak ni mama sa asawa niya ngayon na may asawa pang nauna, oo kabit, kirida , no. 2 ang nanay ko. pero mahal niya e kaya hindi niya iniwanan kahit alam niyang may no. 1 na

kahit alam niyang mali.

kahit alam niyang masasaktan kami ni Jp.

o si Jp lang.

"sorry ma"

napagilid naman ang ulo ko at napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman kong dumampi ang palad ni mama sa mukha ko.

"pano pag nakita to ng tatay niya? PAHAMAK KA TALAGA SHA!"

padabog na umakyat sa kwarto si mama at padabog ding sinarado ang pinto ng kuwarto nila. para naman akong naging yelo sa kinatatayuan ko ngayon. nakitingin sakin si Jp na puno ng pagaalala.

"Ate so--"

bago pa man matapos ang sasabihin ni Jp dumiretso na ako sa kwarto ko binalibag ang mga hawak na gamit at pabagsak na humiga sa kama sabay buntong hininga.

wala na akong maramdam.

dati iiyak na ako kaagad kada masasampal ako ni mama. masasampal ang pagkatao ko. at masasampal ang pagiging anak ko sa kanya. wait? anak ko? anak pa ba ako? HAHHAHA nakakatawa.

sinubukan ko patulugin ang sarili ko kaso alas dose na ng hatinggabi gising na gising parin ang kaluluwa ko. sinilip ko ang sala at nakita kong patay na ang mga ilaw siguro tulog na rin sila napagod sa bangayan nilang mag-ina nadamay pa ako.

naisipan ko maglakad - lakad muna sa labas para mapagod ang katawan ko at ang isip, napadaan ako sa convenience store at uminom ng kape oo gusto ko ng makatulog pero uminom parin ako ng kape buang no?

napaupo ako sa isang table at kinuha ko ang phone ko tinext ko si Jp mukhang di pa naman siya tulog.

to: Jasper

wala kang baon bukas ha, humingi ka sa tatay mo. wag kang aabsent kundi dadagdagan ko pa ng pasa yang pagmumukha mo.

pagtapos ko uminom ng kape naglakad - lakad na uli ako, bakit ngayon ko lang naisip to napakatahimik naman walang mga kotse at walang mga tao siguro dahil gabing gabi na rin kaya ganto pero mas gusto ko ang ganto.

Moonlight (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now