4

5 0 0
                                    

HER

hindi na ako nakatulog noong makauwi ako sa bahay namin pagtapos namin magkita ni jungkook sariwa pa sa alaala ko ang mga ngiting pinakita niya sakin.

nung sumilip na ang araw bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko at pagkakatingala sa kisame ng kwarto ko dating gawi luto ng ulam gisingin si Jp kahit masakit pa ang loob ko dahil sa nangyari kagabi wala e.

kapatid ko.

nung magaalmusal na si Jp naligo na ako at baka magkaroon pa siya ng pagkakataong kausapin ako, ayokong makipagplastikan napakaaga pa para don.

pagtapos ko maligo dumiretso na ako para magbihis di ko trip maguniform kaya nagsweater nalang ako at sinuot ang skirt ng school namin tutal malamig naman ngayon kaya di ko tatanggalin to.

paglabas ko ng kwarto ko napatigil ako dahil nakatayo sa harap ko si Jp pinaningkitan ko siya at tumabi naman siya sa dadaanan ko maglalakad na ulit ako kaso para naman akong tinapunan ng napakaraming yelo dahil sa mga narinig ko.

"sorry ate! magaayos na talaga ako promise please bati na tayo"

sorry?

"para saan?"

"sa p-pagkabarumbado ko s-sorry na"

dun pala.

kala ko sorry dahil nabuhay ka pa.

"sige"

ilalabas ko na sana ang wallet ko para bigyan ng baon itong batang ito pero pinigilan niya ako.

"ate wag na po sa ipon ko muna ako kukuha sayo na muna yan marami pa naman ako dito"

lumambot naman ang puso ko dahil sa sinabi niya kahit naman naiinggit ako dahil mas mahal siya ng nanay ko at mas may halaga siya sa bahay na to.

kapatid ko parin siya.

at dapat matuwa ako doon dahil atleast naramdaman ko manlang na mahal ako ni Jp at naramdaman ko maging ate niya.

ngumiti nalang ako, kala ko ako lang ang nanghihinayang sa perang winawalgas namin araw araw e hindi pala.

sabay kami pumasok pagdating ko sa classroom pinagtitinginan ako ng mga babae kong kaklase oo medyo nalate kami kase napakadrama naming magkapatid e baket ba?

dumiretso na ako sa upuan ko ilalagay ko na sana ang bag ko kaso may nakita akong tatlong rosas na nakapatong sa lamesa ko.

kanino galing to?

pumasok naman na sina jungkook at tinignan ko siya nginitian niya ako, siya kaya nagbigay nito? pero bakit? kunot noo ko siyang pinagiisipan ng kung ano ano kaya napataas ang dalawa niyang kilay at bumaba ang tingin sa mga rosas sa harap ko.

"hindi sakin galing yan"

napabuntong hininga ako dahil don pero bakit may panghihinayang din akong naramdaman? ano nanghihinayang ako na hindi sa kanya galing tong roses? nanghihinayang ako dahil iba ang nagbigay nito?

Moonlight (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now