Chapter 1

433 9 6
                                    

"Ano ba? Rj, maraming tao ka ng hindi nabigyan ng pagkakataong i prove yung sarili nila sayo ng dahil lang sa babaeng yun. Wake up! Hindi lahat ng babae iiwan ka. Hindi lahat ng babae ipagpapalit ka."

Pasigaw na sabi sakin ni Jamie. Wala akong pake sa kahit anumang sabihin nila. Wala silang alam, at hindi nila dapat ako pinapakealaman.

"Rj, I love you. At hindi ko lubos maisip kung bakit hindi na lang ako. Kasi kaya naman kitang mahalin ng mas higit pa sa pagmamahal na naibigay nya sayo e. Ano bang kulang sakin? Ano bang wala ako na meron sya? Ano bang nagawa nya, na hindi ko mahawa? Ha?! Bakit hindi na lang ak-"

"KASI HINDI IKAW SYA. HINDI IKAW SI MAINE! NAIINTINDIHAN MO BA YUN? SYA YUNG MAHAL KO. SYA YUNG HIHINTAYIN KO!" Hindi pa sya natapos sa pagsasalita ay agad ko nang sinagot ang mga tanong nya. Oo, sinigawan ko sya. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang tanging bagay na nararamdaman ko ngayon ay inis.

Unti-unting tumulo ang mga luha nya.

"Jamie, sorry. Sorry, hindi ko sinasadya" Napakagago ko para sigawan ng kagaya non ang isang babae.

"Rj, limang taon na syang masaya. m-masaya sa iba. I just want you to be h-happy pero halatang kahit ikaw hindi mapasaya sarili mo e. Oo, makulit ako. Pasensya. Sorry, mahal kasi kita e."

"Salamat sa pagmamahal, Jamie. Pero ilang ulit ko nang sinasabi sa'yo na di ko maibabalik yung pagmamahal na binibigay mo sa'kin. You deserve to be happy, pero you don't deserve me."

Nang dahil sa sinabi ko, tumakbo sya papaalis. Papalabas ng condo ko.

Wala na akong nagawa kundi ang mag cellphone na lang. Tiningnan ko ang gallery ko.

Puno ng mga litrato naming dalawa ni Maine.

Mga panahong masaya pa kami.

Mga panahong ako pa yung mahal nya.

Mga panahong wala pa syang mahal na iba.

"Maine, please come back. I'll be waiting for you kahit na ano man ang mangyari" Bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang selfie nya na hanggang ngayon ay naka save pa rin dito sa gallery ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak nang dahil sa nararamdamang pangungulila.

I miss you.

A lot.

Everyday.

Kean is calling...

***

"Bro. What's up? Napatawag ka?"

"I have something to tell you, bro. You'll be happy because of this."

"Ano yun?"

"The girl that you're waiting for is finally single again."

"W-what do you mean?"

"Maine and Arjo broke up."

"Seryoso? P-pano mo nalaman?"

"Ano ba, rj? Hindi ka ba nanunuod ng tv? Punyeta i-on mo yang tv mo at manuod ka ng live interview nya ngayon sa TWBA SPECIAL. Sige na, tatawagan na lang kita ulit mamaya."

***

[INTERVIEW ON TV]

TITO BOY: SO ANO ANG REASON NG BREAK UP NYO?

MAINE: KASI TITO BOY, MAY MGA PAGKAKATAON TALAGA NA HINDI KAMI MAGKAINTINDIHAN SA MGA BAGAY BAGAY. KASI KAHIT NA LIMANG TAON NA KAMING NAGSASAMA, SA LIMANG TAON NA YUN, PALAGI NYA NA LANG AKONG PINAGDUDUDAHAN. YUNG SHOWBIZ LIFE TSAKA PERSONAL LIFE KO, PALAGI NYANG KINUKUMPARA AND STUFFS. S-SO AYUN, NAKAKASAKAL KASI TITO BOY. I MEAN, MAHAL KO SYA. MAHAL NA MAHAL KO SYA, PERO YUNG PAGMAMAHAL NYA SA'KIN KULANG SA TIWALA.

TITO BOY: OH OKAY. I GET IT, MAINE. SO IF YOU WILL BE GIVEN A CHANCE TO LOVE AGAIN, MAGMAMAHAL KA PA BA?

MAINE: TITO BOY, I DON'T THINK LIKE I COULD STILL LOVE SOMEONE MORE THAN I LOVE HIM. PERO MALAY NATIN. LET'S SEE. *laughs*

*turned off the TV*

Nagulat ako sa balita.

Chance ko na to.

I'll win you back, Maine. You'll be mine again.

FIGHT FOR LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon