Chapter 2

311 9 1
                                    

"Bro, tutal happy ka ngayon ng dahil sa mga ganap, ba't di tayo mag bar? You know.. inom inom lang." saad nya.

"Kean, huwag kang ano dyan. May gagawin pa ako mamaya." sagot ko sa kanya sabay tawa.

"Sige na, payag ka na! Minsan na lang kita inaaya e. Di ka pa madalas sumama. I'll invite James and  Darwin para buo tayong 4 mamaya."

"Bro, alam mo kunin mo na yung hinihingi mong damit sa'kin, sige na. Yun lang naman pinunta mo dito diba? Sinasabi ko na sayo na may gagawin pa ako mamata kaya bawal ak-"

"No. Hindi ko hinihingi yung sagot mo. Sige, alis na ako. See you tonight! Aasahan namin pagdating mo ha." sabi nya sabay kuha ng bag nya na nakapatong sa sofa ng condo ko at dali-daling lumabas.

I have no choice.

Sasama na lang ako sa kanila mamaya kasi wala naman talagang akong gagawin. No shoots. No appointments. Free.

Naghanda na lamang ako ng makakain ko para sa pananghalian dahil wala akong kasama ngayon dito. Umuwi si mama Ten sa probinsya nila dahil nagkaroon ng problema ang pamilya nila at binisita na muna nya.

Habang nagluluto ay nakikinig ako ng mga kantang paborito ko.

Natapos na ang pananghalian at wala na akong ibang magawa kaya napagdesisyunan ko na lang na matulog at maghintay na gumabi para makapunta na sa bar.

*1 new message*

KEAN
12:40 PM

Felice's Bar, 9PM. James and Darwin will be there. See you!

ME
12:41 PM

Sure.

Pinatay ko na ang cellphone ko para icharge at natulog na lamang.

Napasarap ang tulog ko at nagising na lang ako bandang alas sais ng gabi. Dali dali na akong naligo ang naghanda para mamaya.

Pagkatapos kong mag-ayos ay hinanda ko na ang sasakyan at nag drive na patungong bar na kung saan kaming magbabarkada magkikita ngayong gabi.

Dumaan muna ako sa bahay ng kapatid ko para ihatid ang pinabili nilang pagkain dahil silang dalawa lang ng anak nya ang magkasama ngayon sa kanilang bahay at naubos na ang stocks ng pagkain nila. De malas at nasa ibang bansa pa ang asawa nya at silang dalawa lang ng anak nya ang nasa bahay nila ngayon.

8:30 nang makarating ako sa bar. Sa entrance pa lamang ay nakita ko na silang tatlo na nag-aantay. Early birds o masyadong excited?

"Brooo!!! Mabuti sumipot ka! Gago ka talaga akala namin hindi ka nanaman pupunta." James.

"Mukhang masaya na kasi. Ano kayang dahilan?" Pabirong tanong ni Darwin kina James at Kean.

"Ah. Kasi yung babaeng mahal, wala nang syota noh?" sagot naman kaagad ni James.

"Hoy! Alam nyo kayo talaga. Tumahimik kayo ha at baka meron pang makakilala't makarinig sa'tin dito. Mabash pa ako." sabi ko sa kanila para tumigil na ang pang aasar.

Pagkapasok at pagkapasok pa lang namin ay halos mabingi na kami sa lakas ng tugtog. Naghanap kami ng pwestong mauupuan.

Nang makahanap na kami, ay umupo na kami kaagad at nag order ng maiinom.

FIGHT FOR LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon