Alyza's POV
Kakagising ko lang at infairness kapag ako kase nasa condo napakahimbing ng tulog ko. Pero dito sa pent house ni Zavian hindi. It's been 1 week since naging babysitter ako ng kambal aaminin ko mahirap pero nakakatuwa kasi may libangan din ako saka hindi sila mahirap alagaan ang dali nilang sumunod matalino in short
Si Zavi ewan ko pumasok na ata hindi naman siya ang binabatayan ko so anong alam ko? Hindi ko pa siya nakikitang lumabas ng kwarto kasi gaya ng sinabi ko kanina di siya ang binabantayan ko
Nagpunta muna ako ng nursery nang makitang wala si Jayden at si Jillian lang na gising at nilalaro ang paa niya ang andun agad kong hinanap si Jayden sa kahit saang sulok dahil ayokong pumalpak sa trabaho ko isang linggo palang akong nag tatrabaho tapos papalpak na agad ako? No, no, no ayokong masisante saan naman ako pupulutin nito
Kumatok ako sa kwarto ni Zavian syempre as a sign of respect at agad itong binuksan nakahinga ako ng maluwag nang nakita kong nakahiga si Zavian at nasa ibabaw nito si Jayden mahimbing silang natutulog buti nalang hindi sila nagising sa katok ko
Hindi pa pala pumapasok si Zavian. Hindi ko alam ang schedule niya at wala akong planong alamin. Nagtimpla na ako ng gatas ni Jillian at nag prepare ng cerelac niya si Jayden mamaya ko nalang titimplahan mabilis lang naman gawin yun kesa mapanis
Pumunta na akong nursery at binuhat si Jillian at inilagay siya sa high chair at pinakain na siya. Ang cute talaga ng mga kambal na 'to. Tapos konang pakainin si Jillian at dinala na siya sa cr ng nursery nila at pinaliguan. Nang matapos konang paliguan si Jillian ay binihisan kona din pero hindi pa din bumabangon si Zavian
Iniwan ko muna si Jillian sa crib niya saglet at sinilip ang mag ama gising na si Jayden at naka upo sa kama ni Zavian at nanonood ng youtube sa cellphone ni Zavian si Zavi naman ay tulog paden at naka yakap ang braso sa anak upang hindi ito mahulog
Binuksan ko ng tuluyan ang pintuan at kumatok nakita kong nag mulat ng mata si Zavian at kinusot ang mga mata at si Jayden naman nakita ako at sumigaw ng
"Ma!" abot tenggang ngiti ni Jayden
"Zavi saglit lang mag aandar lang ako ng pagkain you can sleep pa muna ulit" ani ko
Tumango naman ito at pumikit ulit
Pumunta muna akong kusina upang mabilisang magluto ng fried rice, Hungarian sausage, pritong itlog at crab and corn soup na nakita ko lang sa cabinet
Nang matapos na akong magluto ay iniandar kona ito sa lamesa at dumiretso sa kwarto ni Zavian at kumatok ulit para hindi lumamig ang pagkaing hinanda ko. Nakita kong nagmulat na ang mga mata niya kinuha ko na si Jayden sa kaniya at binuhat
Pumunta muna si Zavi sa nursery siguro para kunin si Jillian. Nang pumunta siya sa dining area buhat buhat na niya si Jillian at nagulat ito dahil bagong ligo na si Jillian
"Maaga kasi akong nagising kaya pinaliguan at pinaka kain kona" ani ko
Napangiti naman si Zavian sa sinabi ko. Tumayo ako saglit at pinag prepare si Jayden ng cerelac at tinimplahan ng gatas. Pinapakain ko ito mukhang nagustuhan niya ang bagong flavor ng cerelac nito
Araw-araw ganito ang scenario namin kakain tapos papasok si Zavi dito lang kami ng mga bata sa bahay tatawag siya pag may kailangan uuwi siya ng gabi magluluto ako at matutulog ngayon lang naiba dahil alas gis na at kakagising palang niya. Wala ba siyang meeting?
"Mainit ba ako?" tanong niya
Nasamid ako sa tanong niya dahil umiinom ako ng kape
"Huh?" baling kong tanong
BINABASA MO ANG
The CEO's Hired Babysitter
RomanceSi Alyza Shen Saavedra maganda, sexy, model type na babaeng mag aapply sa kompanya ng mga De Ramos. Hindi niya ineexpect na ang babagsakan niya palang trabaho ay ang pagiging...... babysitter ng kambal na anak ng isang Zavian Nicolo De Ramos. Ano ka...