(My 1st spoken poetry)
Andaming naaksayang feelings
Dahil sa salitang takot
Takot na sisimulan
At takot na malalaman
Takot na matanggihan
At takot na maiwasan
Takot na baka'y ako'y masaktan
Takot na ako'y iyong kakalimutan
Takot na ako'y mapahiya ng lubusanNatatakot akong aminin sa sarili ko
Na gusto ba kita sapagkat alam ko,
Alam kong iba ang tinitibok ng puso mo
At malabong magustuhan mo ang isang ako.Umasa ako
Pasensya na
Kasalanan ko.Sabihan na nila akong tanga
Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko
Sabihan na nila akong mababaw
Dahil nahulog ako kaagad sayo
Sa mga simpleng kilos mo
Sa mga bagay na akala ko may kahulogan din sayo.
Sa mga salitang binitawan mo
Na akala ko totoo
Sa mga halik mo
Na akala ko nararamdaman mo din tulad koAko lang pala
Ako lang pala 'tong tanga na
Nakakaramdam ng mga bagay na 'to
Ako lang pala ang nagmamahal sa kwentong ito
Ako lang pala ang umaasang maging tayo
Ako lang pala ang nangangarap na magkaroon ng "ikaw at ako"Opsss. Teka lang
Wala talagang tayoMahal, sana'y pakinggan tong puso ko
Sinasabi nito'y sana'y ako nalang
Hayaan moko mahal, mamahalin kita ng lubusan
Di kita pakakawalan,
At hinding hindi mo pagsisisihanPasensya ka na kung sa piling ko'y do ka naging maligaya
Mahal paano nga ba?
Paano ko mapapaligaya ang iyong mga mata?
Ng gaya ng pagpapaligaya niya.Ang sakit isipin diba?
Na sa tagal ng ating pagsasama,
Ay mahal, di ko napansing di ka maligaya
Hanggang sa nakita kita.
Oo nakita muli kita,
Ngunit kasama na ng iba
Iba na ang tunog ng 'yong tawa,
Mahal iba ka na.Sinabi mo yung katagang 'i love you' sakin,
Mali, sinabi mo yun samin.
Saming dalawa na walang ginawa kundi mahalin ka,
Saminh dalawa na laging handang magpakatanga
Diba tama ako?Tanga ako na ikaw ang pinili ko,
Tanga akong namiwala kahit alam kong kasinungalingan lahat ng ito,
Tanga ako kasi hanggang ngayon
Ikaw parin ang mahal koNagkaroon ng oras ng tayo'y kinantyaw
Ngunit tila ako'y umaayaw
Dahil kahit sa simple nating galaw
Ako'y umaasa at puso ko'y nagugunawSa pagkakataong ito ako'y lumayo
Nararamdaman ko muli'y naglaho
Oo nga't ang nararamdama'y magulo
Anong magagawa,
Ako'y pinaglalaruan ni Kupido.☹
BINABASA MO ANG
MAYE go into pieces
PoetryYou have a choice everyday you wake up of what you put into the world.