"Umaasa"

50 2 0
                                    

(March 19, 2019)

Sa bawat oras na ako'y iyong kailangan
Lahat ng to'y binigyan ko ng kahulugan
Nagmumukhang tanga dahil sayo ito'y biro lang.

Sa mga mensaheng di inaakalang
Ako'y padalhan
Matamis na salita
Mula sa mga labi
Na sana'y minsan sa buhay mo'y maging bahagi
Kahit na imposible, imposibleng mangyari
Ako pari'y umaasa
Umaasa na sana
Sana ako nalang minahal mo sinta
Kahit na ang hirap mong abutin
Kagaya ng mga bituin

Umaasa akong sakaling di ka niya mabigyan ng oras
Andito lang ako
Naghihintay sayo
Kahit pampalipas mo lang ako
Lalo na kung wala siya sa tabi mo

Umaasa ako mahal kung sakaling iwan ka man
Handa akong magbigay ng pagmamahal
Matagal na matagal na mahal alam mo yan
Minamasdan kita habang ika'y nasasaktan
Mahal di mo deserve yan

Umaasa ako na hayaan mo'kong mahalin kita
Na mapapaligaya kita
Na hindi katulad sa ginawa niya
Wag muna sana akong layuan
Andito lang ako
Umaasa na baka'y puso moy iyong ulit buksan
Pasensya na ganito talaga kita ka mahal.

MAYE go into pieces Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon