~❤︎~
"Ms. Evanette Calasang Virtueza!" bulyaw ng teacher namin kaya nagising ako mula sa pagkakatulala kay crush.Ay grabe naman si ser! Kailangan talagang ipagsigawan ang buong pangalan ko sa klase??
"Nakikinig ka ba?! My goodness Ms. Evanette, day dreaming in the middle of my class? How irresponsible!" galit na sigaw ni Sir habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
Konti na lang magiging kamukha na ni Sir yung gorilla at tarsier sa Jungle Bunch, yung cartoon na pinapanood nung mga batang kapitbahay namin.
Grabe, ser? Balak ata akong patayin sa talim ng mga tingin niya eh. Mas matalim pa sa itak ni Papa!
"Get up and answer this! Kung hindi mo masasagutan, lumayas ka na sa klase ko at umuwi! Magtanim ka na lang ng kamote para magkasilbi ka!" Ay, ang harsh ni Sir ha!
Tama na! Nakakahiya kay crush, nakatingin siya sa'kin oh!
Pero hindi ko pinahalata na nahihiya ako. Tumayo ako, chin up at with confidence na naglakad. Dumaan ako sa upuan ni crush at nginitian siya.
"Hi crush, nag-aaral ako para sa future natin," sabi ko at itinaas-baba pa ang kilay ko.
"Yuck," sambit niya at inirapan pa ako.
"Sige pa Ms. Evanette, landi pa! Kapag mali lang ang sagot mo, kunin mo na ang mga gamit mo at umuwi ka na," muling sigaw ni Sir kaya naglakad na 'ko papunta sa harap.
Pinaputok ko muna ang leeg at daliri ko bago sinagutan ang mga math problems na nakasulat sa board. Aba! Time ko na 'to para magpasikat kay crush, wahaha! Hindi ako papayag na mapahiya noh.
Pagkatapos kong masagutan lahat ay pinagpagan ko na ang chalk dust na nailagay sa kamay ko.
"V-very good, Ms. Evanette. You may now take a seat." Mukhang hindi makapaniwala si Sir dahil nasagutan ko lahat iyon. Agad niya pang kinuha yung malaki niyang calculator at nagcompute.
Aba! Nagreview ako 'no!
Agad kong tinignan si crush at kinindatan siya pero agad siyang umiwas ng tingin kaya napanguso na lang ako. Magkaka-crush ka rin sa'kin, weyt ka lang bebe!"How did you knew the answer? Hindi ko pa naman ito nadi-discuss before?" manghang tanong ni Sir at tinignan ako pero ngayon ay wala nang bakas ng galit na makikita sa mukha niya.
Nagsilingunan naman yung mga kaklase ko sa'kin na kanina pa tahimik dahil sa kadahilanang ayaw nilang madamay at makatanggap ng bulyaw galing sa gorilla naming guro.
"Nag-advance study po ako. Inspired kay crush eh," paliwanag ko atsaka tinignan si crush habang may proud na ngiti na gumuhit sa labi ko. Nakita ko namang umirap siya.
Maattitude si crush ah, pero okay lang 'yan. Gan'to ako ka-patient at loyal din! Hakhakhak!
"Haha, good job Mr. Ian Carl Ibarra! Hindi niyo gayahin si Ms. Evanette, use your crush as an inspiration not your distraction. By the way Ms. Evanette, very good!" sabi ni Sir habang nakangiti at mukhang kinalimutan na kung pa'no niya ako sigaw-sigawan kanina.
Pero okay lang, hihi! Lahat na ngayon ng mga kaklase ay alam nang may crush ako kay Ian Carl Ibarra. Kakeleg!
Kaya mula nung araw na iyon ay inaasar na kami.
Matagal ko nang crush si Ian, mula nung grade nine pa lang kami hanggang ngayong grade 12 na kami. Ganun ako kaloyal! Matagal niya na ring alam na crush ko siya dahil araw araw ko iyong sinasabi sa kanya. Magkatapat lang din ang bahay namin kaya walang araw na nalayo ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crush, I Like You [One-Shot✓]
Teen Fiction'Hanggang kailan mo kayang maghintay sa taong crush na crush mo? Pero ang tanong, handa ka pa rin bang maghintay kung siya na mismo ang nagsasabing ayaw niya sa'yo at gusto na niyang layuan mo na siya?' I'm Evanette Virtueza at wala sa bokabyularyo...