It's not impossible to like the son of one of the greatest actor in the Philippines. Halos karamihan naman ata sa edad ko may crush sa anak ni Sean at Addie Villegas.
Matteo Joaquin 'Miles' Villegas is not in showbiz but he has a huge fanbase! He shot an icecream commercial with his family once pero nag-trending ata siya for 1 whole week sa twitter. Grabe!
"Hoy! Naala mo yung interview kay Saddie? Sabi wala pa daw nagiging girlfriend si Miles! Omg lang!" halos masira na ni Karla ang tarpaulin na hawak niya sa lakas ng pagwagayway niya dito. Saddie is Miles twin sister. They have the same features. Mestizo at mestiza ang kambal, just like their mom, Addie.
We are supporting Sean Villegas' movie premier pero mukhang hindi naman talaga si Sean ipinunta namin. Lahat ng fanarts na hawak namin ay puro mukha ni Miles.
"Is that true, though? He's 18 at wala pa din? And are you sure na isasama ni Sean ang kambal? Sana sa school na lang niya tayo nag-abang ngayon kasi sportsfest nila!" Kuh! Kung wala si Miles dito, malilintikan sakin tong si Karla! Sayang ibinyahe namin from Quezon papuntang mall dito sa Maynila kung wala naman!
"Nandito yon, Victoria! Ngayon lang ulit may movie si Sean, for sure pupunta ang whole family nila!"
Marahan kong hinila ang buhok ni Karla. Letse 'to! "Ang bantot bantot ng pangalan ko, pag narinig ka ni Miles, Karla, sinasabi ko sayo! Hindi ka makakabalik ng Lucena ng buhay!"
"OA ka te? Wala pa!" Inirapan niya ako saka muling sumigaw ng dumaan ang baguhang aktor na si Hash Aquino.
Nagsisimula nang magdatingan ang mga artista sa movie premiere at kanina pa din kami pinapagalitan ng organizers dahil kinukuha daw namin ang space for other 'legit' fans ng actors and actresses na gumanap.
How nice would it be, to be the first girlfriend of Miles. Ang swerte swerte talaga ng mga kaibigan ni Saddie at lagi nilang kasama si Miles!Bakit kasi hindi na lang din ako naging mayaman at nag-aaral sa international school gaya ni Miles! I looked down at my navy blue school uniform and sighed.
Ang hirap hirap naman niyang abutin!
"Kayong mga bata kayo! Hindi naman kasali si Miles sa movie, bakit siya chinicheer niyo? Nasstress ako sa inyo! Kita kayo sa camera!" Mahinang sabi ng baklang host.
"Eh first come, first serve naman po ang rule ah!" Nanggagalaiting sagot ko.
"Eh pirskampirsserbnaman! Wala akong kiber, hija. Doon kayo sa may dulo at nandito ang fans ni Imelda! Mahiya kayo, shoo shoo!"
Malakas na nagsipagreklamo ang mga kasama ko pero wala na kaming nagawa nang dalawang bouncer ang nagpaalis saamin sa gilid ng red carpet papunta sa pinakadulo malapit na sa escalator.
"Nakakainis naman eh!" Hindi ko alam kung maglulupasay ba ako sa tiles sa sobrang inis o ipipilit pa din ang gusto ko!
"Sabi ko sa inyo, paalisin tayo eh! Useless punta natin!" Sabi ng, sa tingin ko grade 7 lang na fan din ni Miles.
"Ang dami ng tao sa harapan oh! Ni hindi tayo makikita ni Miles!" Sabi naman ng isa pang mukhang grade 7 din.
"Dapat kasi ate Tori, dun tayo nag-abang sa may mall entrance, atleast makikita natin sila dumaan!"
Naiinis na ako at hindi na din nakakatuwa ang mga side comments ng mga bagets na to! Hinanap ko si Karla at nakitang nasa may bandang unahan at may hawak nang tarpaulin ni Hash.
Napaka-unfaithful mo talaga Karla!
"Oh saan kayo pupunta?" Naiinis na tanong ko sa mga kasama ko.