Mga Biktima
1. Joselito Dominguez
2. Maria Alicia Ricafort
3. Alejandro Pelaez
4. Belinda Luisa Romero
5. Nathaniel Santos
6. Hilda Bernardino
7.. Danilo Arthur Chua
Sino ang makakaligtas?
________________________________________________________________
''Sa Camiling ba kamo?''
''Masarap magluto ng Dinuguan ang Tatay ko. Tapos kakain tayo ng Patupat at Chicharon. Bagnet ang tawag namin duon. Gusto mo ba no'n Alicia?'' tanong ni Joselito habang nag mamaneho. Nasa front seat naman ang girlfriend niyang si Alicia.
''Para siyang Liempo diba?'' Tumingin naman si Alicia sa boyfriend na nag mamaneho ng van. Buwan ng Abril ng araw na iyon. Kakatapos ng Mahal na araw at naisipan ng mag totropa na bisitahin ang isang pamantasan sa Tarlac para masilayan ang iba't ibang research tungkol sa meat processing. Matindi ang init ng panahon nang bumyahe sila. Sa labas ng van makikita na talaga namang napaka maalinsangan ng panahon na kahit sa lalawigan ay tuyong tuyo ang mga sakahan at talahiban. Ang full level ng aircon sa loob ng sasakyan ang siyang nagbibigay lamang ng lamig sa kanila pero kahit naka full na ay parang kulang parin ang lamig.
Ang iba pa nilang kaibigan ay sila Belinda, Hilda, Danilo, Nathaniel, Alejandro na nasa backseat ay yamot na yamot na sa walang katapusang tuyong talahiban at mga sakahan, isama mo pa ang dami ng mga punong sumasalubong sa kanila.
''Malayo pa ba tayo?'' yamot na tanong ni Nathaniel
''Oo nga paulit - ulit nalang ang nadadaanan natin.'' sagot naman ni Hilda habang naka dungaw sa labas ng sasakyan. Agad naman niyakap ni Nathaniel ang kasintahang si Hilda ng itinulak siya ng marahan ng dalaga.
''Huwag na. Mainit na nga eh.''
Tulog na tulog naman si Alejandro na nasa tabi ni Nathaniel at maging si Danilo sa likuran.
''Malapit na tayo. Huwag na kayong mayamot.''
Si Belinda naman ay hindi lamang umiimik at nakasandal lamang sa kinauupuan sa likuran. Ang totoo ay nababagot na ito sa mahigit ilang oras na nilang biyahe. Dumagdag pa sa pagod nito ang matinding init noong mga panahon nun. Tuyong tuyo ang lupa dahil sa matinding sikat ng araw.
Sa wakas at nakakita na ng maliit na karinderya at gasolinahan ang magkakaibigan. ''Kumain kaya muna tayo sa karinderya?'' Mugkahi ni Nathaniel habang tinatanaw ang kainan na nadadaanan.
''Huwag na nga. Naghanda na daw ng tanghalian ang itay ni Joselito sa Pamantasan. Duon nalang tayo kumain.''
Mga ilang minuto pa bago nakarating ang mag kakaibigan sa Pamantasan. Pagkapasok sa malaking tarangkahan ng paaralan masisilayan ang walang katapusang kakahuyan at damuhan sa loob ng pamantasan. Linggo ng hapong iyon at walang mga mag aaral sa kolehiyo ang madadatnan sa pamantasan. Wala rin gaanong staff ang masisilayan sa loob ng campus maliban sa mga gwardiya. Luma na ang mga buildings at napalilibutan ang mga ito ng mga kakahuyan. Dumiretso pa ng daan si Joselito hanggang sa makarating siya sa dulo ng Pamantasan. Natanaw nila ang Isang na dampa sa gilid ng kalsada. Napalilibutan ang dampa ng talahiban. May isang di katandaang lalaki din ang nasilayan niya roon na nagbabayo ng palay at ang isa pa ay nag aayos ng mga sakong pinanggamitan ng mga palay. Sa harap naman nito ay isang building na hanggang 2nd floor. Huminto sila sa harap ng dampa at lumabas si Joselito. Naka pamewang ito humarap sa dampa. Ngumiti siya sa dalawang lalaking natagpuan niya roon.
YOU ARE READING
Kalinangang Ilokano
HorrorWARNING! Rated 18, MATURE CONTENT. Ano kayang pakiramdam habang ipinapasok ang iba't ibang bahagi ng katawan mo sa bibig ng Dadapilan?