Maingat kong itinali ang laso ng aking apron at plinansada gamit ang aking kamay. Ilang taon na ang lumipas pero hindi parin nawawala ang kagandahan ng damit na ito. Marahil sa iba ay napakababa at walang kwenta ang aking damit pero sa akin ay naghahatid ito ng napakaraming alaala na gugustuhin kong balikan.
Ilang taon na nga ba? Kay raming taon na ang lumipas. Kay raming mga pangakong natupad at heto ako, nagtutupad sa pangakong nalipasan na ng panahon.
"Lala bilisan mo na riyan at baka mahuli ka na naman." Sigaw ni mama mula sa labas.
"Pababa na 'ho."
Nagmadali kong tinali ang buhok ko sa isang mataas na bungkos at ngumiti ng huling beses sa salamin. Nasanay ka na Lala, patuloy ka paring magsasanay.
Sa aking nakagawian araw-araw ay humalik ako sa pisngi ng aking ina matapos maihatid ang pagkain at gamot niya sa tabi ng kanyang higaan. Babalik ako bago magtanghalian para gawin ulit ito.
Bumigat ang dibdib ko na pagmasdan ang magarang bahay na parang naging tahanan ko simula ng ako'y mamulat. Huminga ako ng malalim para pagaanin ang namimigat kong dibdib.
"Ano ba, Lala. Sanay ka na dito."
Dumaan ako sa likod ng bahay dahil doon ang daanan namin. Nagsimula ng gumalaw ang mga nakababata sa akin kaya madali kong tiningnan ang bawat ginagawa nila. Hangga't maari ayokong magkaroon sila ng pagkakamali at mga mangyayari na di kanais-nais.
"Tapos na ba iyan?" Turo ko sa pagkain na unti unting isinasalin sa plato.
"Opo." Yumuko ako ng konti at sinubukang hulihin ang usok ng pagkain at amoyin ito.
"Mahusay, Nena. Tiyak akong magugustuhan iyan ng amo natin." Ani ko na may ngiti sa labi.
Ipinagpatuloy namin ang paghahanda sa malaking piging na ito. Tiyak akong hahanapan kami ng mali sa aming ginagawa na siyang pinaghandaan ko na. Ayokong mapahiya at magkusa siyang protekhan at pagtakpan ako. Hindi na muling mangyayari iyon.
Abala ang buong mansion sa paghahanda at pagpapaganda ng buong lugar. Ngayong araw gaganapin ang kaarawan ng isa sa pinakamayaman sa buong lugar at nagmamay-ari nitong mansiyon.
"Matagal pa ba yan?! Bakit ang kukupad niyo kumilos?!"
Nagkandauga sa paggalaw ang lahat ng kasambahay ng pumasok ang amo naming babae. May dala itong abaniko na halatang naiinitan sa kusina.
Dumako ang tingin niya sa akin."Kaya pala.." panliit nitong turan. "Kaya makupad ang lahat ng muchacha rito ay ikaw ang nangunguna."
Mapait ako napangiti sa utak ko. Yumuko ako ng kaunti at hindi sinalubong ang matapobre nitong mga mata.
"Malapit na po kaming matapos, Senyora." Magalang kong sagot.
Itinaas niya ang baba ko gamit ang dulo ng abaniko niya. Nguimisi ito saglit at biglang napalitan ng pandidiri ang mukha nito ng pasadahan ako ng tingin.
"Wag kang lumabas dito sa kusina. Hayaan mong ang iba ang magsilbi sa amin ngayon. Maliwanag ba?"
Tumango ako at umiwas ng tingin. Yung mga mata na puno ng pangmamaliit at panlalait ay isa sa mga kahinaan ko. Kung patuloy kong matitigan ang ganoong mga mata ay baka hindi ko na makayanan pang magtagal dito.
"Ayokong makita ng mga bisita na may pangit at madumi akong katulong." Dagdag pa nito at nilubayan na ang baba ko.
Nanatili akong nakayuko at humugot ng malakas. Ipinikit ko ang mata ko at pilit inalala kong bakit sa lahat ng taon na lumipas nandito parin ako.
"Bilisan niyong kumilos! Wag kayong kukupad-kupad kong ayaw niyong tanggalan ko kayo ng trabaho!"
Umalis ito ng kusina kaya nakahinga ang ilan. Pagbaling ko ng tingin ay malungkot ang mukha ng mga katulong sa akin. Mapa bata man o matanda ay tila naawa sa nasaksihan.
BINABASA MO ANG
Slave of Love (Love Series #2)
Teen FictionLalaina Ystherielle Nueva, always saw herself going to university and get a degree to save her mother from poverty. When she work from one of the almighty, a man from the rebel family made her desire come true in exchange, she'll be his slave. That...