#Slave02
Hindi ako nakatulog magdamag. Bumabagsak ang aking luha tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Bumangon ako ng mas maaga kay ina. Agad akong naligo upang hindi mahalata ang bakas ng aking pag-iyak.
Hindi ako ang tipo ng tao na nilalahat ang tao. Naniniwala ako na hindi lahat ng mayayaman ay masama ang ugali ngunit sa naranasan ko kagabi...maaring pareho lang ang lahat.
"Bakit ganyan ang iyong itsura, Lala? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Bungad na tanong ni ina.
Umiwas ako ng tingin at bahagyang yumuko. "N-naninibago lang siguro ako, ina.."
Bumuntong hininga ito. "Masasanay ka rin anak.."
Isinagawa kaagad namin ang nga gawain. Ngayong umaga ay si Aling Soledad ang magluluto. Sa hardin ako tumungo upang humalili kay Mang Pedring na may sakit raw kaya hindi nakapasok.
Kumuha ako ng timba at nagtungo sa pinakalikod ng bahay. Mayaman nga ang pamilyang ito ngunit may balon ito sa loob ng hacienda. Umawang ang aking labi. Maging ang balon ay halatang ginugulan ng oras sa paggawa dahil hindi ito ordinaryong balon lamang.
Malawak ang lupain. Napapalibutan ang hacienda ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Yung bukal nila ay nasa harapan ng malaking gate. Malaki ang hacienda at kailangan pang sumakay para makarating sa mismong bahay.
Nagsimula akong mag-igib. Maliit na balde lamang ang aking dala. Pinuno ko iyon at hinakot patungo sa gilid ng hacienda kung saan matatagpuan ang mga bulaklak ng kahel na rosas.
Hindi abot dito ang hose kaya balde at tabo ang aking gagamitin sa pandidilig. Nagsimula na akong magsaboy.
"Fuck!"
Napaigtad ako sa gulat at diretsong nasaboy ang tubig sa tabo sa hardin. Kumabog ang puso ko sa kaba.
"Saan nanggaling ang boses na iyon?" Bulong ko sa aking sarili.
"May itatanga ka pa ba?!"
"S-Senyorito?" Nanlaki ang aking mata.
Basa ang mukha nito hanggang dibdib at bumangon ito. Iritado nitong pinunasan ang kanyang mukha at binalibag sa harap ko ang aklat na nakatakip sa kanya.
"Hoy baguhan!" Singhal nito at tumayo. "Sinalo mo ba lahat ng katangahan ha?! Hindi mo ba alam na may natutulog dito?!"
"P-pasensya n-na p-po S-senyorito.. H-hindi ko alam na nariyan ka pa--"
"Tanga talaga."
Pinigilan ko ang wag mag-angat ng tingin. Kung maririnig ko lang ang panglalait niya ay makakaya ko. Pero ang tingnan ang mukha niya habang nanglalait, ay ikababagsak ng aking luha.
"Sa susunod, magtanong ka. Wag mong idahilan ang pagiging baguhan sa katangahan mo.."
Umalis siya sa aking harapan. Kinagat ko ng mariin ang aking labi at palihim na pinatatag ang aking sarili.
"Ayos lang yan, Lala..ayos lang.."
Sa halip na indahin ang mga mapanakit niyang salita ay pinili ko na lamang magbunot ng damo. May iilan kasing tumutubo sa tabi ng halaman. Binungkal ko narin ang lupa at diniligan muli.
Makaraan ang halos dalawang oras sa hardin, ay naisipan ko ng umalis. Napatingin ako sa baba ng may maapakan ako.
"Ang libro ni Senyorito.."
Pinulot ko iyon at gumalaw ang aking kilay sa pamagat ng aklat.
"My Surrender by Connie Brockway.."
BINABASA MO ANG
Slave of Love (Love Series #2)
Teen FictionLalaina Ystherielle Nueva, always saw herself going to university and get a degree to save her mother from poverty. When she work from one of the almighty, a man from the rebel family made her desire come true in exchange, she'll be his slave. That...