Anlakas ng patak ng ulan...
Tinignan ko ang relos ko pambisig. "8:00pm na." Bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana ng coffee shop na kinaroroonan ko.
Kitang kita ko yung pagtakbo ng mga tao sa labas sa paghahanap ng masasakyan o masisilungan man lang dahil sa biglaan lang ang naging pagbuhos ng ulan. Walang pasabi.
"Late as ever hayyy" uminom ako sa latte ko habang pinapanuod ang pagpatak ng ulan sa labas. Sobrang lakas talaga.
Umi-slice ako ng mocha cake sa aking platito. Paubos na ang pagkain ko pero di pa dumadating yung inaantay ko. Bukas pa ata non balak dumating e hahaha char.
Tinignan ko ang cellphone sa aking shoulder bag sa pag-asang baka may text yung kausap ko. At meron nga. I opened it and it says--
--------------------------------------
-------------
From: Sexy ;)I'll be there in a bit. I just got stucked in the traffic. Sorry bb :p
-------------
--------------------------------------I closed it just after I read the message. I didn't even bother na magreply, haller, asar nako sa kanya. I rolled my eyes. Sya nanaman siguro nagbago ng pangalan nya sa phone book ko tss.
Nangalumbaba ako and look at my reflection in the window. Hayyy. Usapan kase 6:30pm tas 8:00pm na wala pa din? Babae pa talaga pinag-intay ah. Tss.
Napatingin ako sa pintuan ng coffee shop nung narinig ko ang pagkalansing ng bell nito sa pinto. At last.
Napatingin ang dumating na iyon sa akin pagpasok nito at nagpeace sign saken sabay ngiti. Pinameywangan ko sya.
Nagtungo ito sa kinaroonan ko saka humalik sa pisngi ko.
"Sorry babe traffic talaga. Anlakas pa ng ulan kaya lalong nagkalabo-labo yung mga sasakyan. " kumakamot ito sa ulo at nakangiti pa din sa akin sa pag-upo nya sa upuan kaharap ko.
Sa pag ngiti nito ay nawala ang mata nito. Galawang chikboy talaga 'tong si chinitong hilaw na 'to. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Babe naman~" tatawa-tawa pa ito saken na parang di nya ako pinag-intay ng ilang oras dito. Huminga ako ng malalim at inalis ang pameywang ko sa aking dibdib. Ok na agad tss.
"So," panimula ko saka hinalo ng kutsarita ang latte ko. Tumingin ako sa kanya. "--bakit moko pinapunta dito?" Uminom uli ako dito saka tumingin sa kanya.
"Masama bang mamiss ka?" Nagpapacute pa sya sa pagsabi nito. Mas tumaas ang kilay ko.
Napahands up sya saken na mistulang ako ang pulis at sya ay tinututukan ko ng baril. Tumawa sya saken. "Mang-aalok sana ng business proposal. Open minded ka ba?" Kinindatan nya ako. Mistulan naman akong nasusukang di malaman sa kanya. Okay okay,di talaga nakakasuka aaminin ko. Actually--medyo cute lang. Medyo lang. Tss.
"Kidding aside,namiss lang talaga kita babe" nag puppy eyes pa sya saken habang nakasiklop ang dalwang kamay at nakalagay sa pisngi. Napasimangot lang ako lalo. Tumawa lang sya uli tas sumenyas saken na pupunta syang counter.
Maya-maya bumalik syang may dalang tray na may lamang isang latte at kung ano anong cake at sweets. Ok,patatawarin ko sya sa pagiging late nya ngayon.
Ngumiti ako sa kanya at nagpacute. Tumawa sya. Nagpuppy eyes pako at mukhang gumana naman. Napailing-iling pa sya. "Okay okay,here's for my queen" nilapag nya ang mga dala nya sa table namin at agad namang nag ningning ang mga mata ko.
Nilantakan ko agad ang mga yon habang ramdam ko ang pagtitig nya saken.
Tumingin ako sa kanya bago pa ambang susubo uli sa cake, "Sorry ka,pero it's always the food over you." dumila ako sa kanya at tawa lang naman sya uli ng tawa.
YOU ARE READING
If Only (Oneshot)
RomanceDon't live your life regretting for the chances you didn't take...